Part 2: Dalawang Sapak!
(Berkeley)Kahapon ay tumawag si kuya patungkol sa paglipat ko sa puder niya sa Mandaluyong. Hindi na daw ako magtatrabaho. Nakakatamad kaya ang gano'n.
Ito na ang nakakalungkot na parte sa lahat, ang pagsasabi ng paalam kina Denrey at Lorna. Sila na nga lang ang friends ko, iiwanan ko pa sila. Nakakalungkot naman ang ganito.
Sumakay na ako ng bus papuntang Bacoor. Habang nakasakay ay nakatanaw ako sa labas nitong bus at tinatanaw ko na kung ano nga ba ang mga mami-miss ko dito sa Cavite ngayon. Ang pagsakay sa bus, lalo na kapag umuulan dahil nga maputik at puti pa ang uniform ko sa trabaho. 'yung mag-iingat pa akong hindi matalsikan ang pantalon kong grey. Kung minsan pa nga ay kasabay kong pumapasok si Denrey at nagkukwentuhan kaming dalawa.
Gano'n din naman si Lorna kapag pauwi na kaming dalawa galing sa trabaho.
Hindi ko na lang namalayan ang pagtulo ng mga luha ko galing sa mga mata ko. Buti na lang talaga at kakaunti lang ang nakasakay ngayon dahil nga magtatanghali at wala naman masyadong sumasakay kapag ganitong oras.
Bigla na lang may tumawag sa 'kin. Si Lorna.
"Hello, Berk."
"O, napatawag ka, teh?"
"Kasi, nalaman ko na kukunin ka na pala ng kuya mo ay pag-aaralin ka na."
"Pa'no mo naman nalaman?"
"Kaninang umaga kasi bumili ako ng isda sa ate mo. Sinabi niya sa 'kin na next week daw aalis ka na." nalungkot na lang ako sa narinig ko. Ano ba naman 'to? Mami-miss ko talaga si Lorna.
Siya kasi ang best friend ko. Siya rin ang unang-unang nakaalam tungkol sa sekswalidad ko. Nakakalungkot nga lang na halos sampung taon na kaming mag-best friend tapos sa ganitong paraan lang pala kami maghihiwalay na dalawa.
"Sorry kung hindi ko agad sinabi sa'yo, huh? Dapat naman talaga sasabihin ko mamaya, pero nalaman mo na pala. Sorry talaga, Lorna." Medyo napahagulgol na lang ako dito sa jeep.
"OK lang 'yun. Total naman magandang opportunities ang naghihintay sa'yo. Basta, wag mo lang kaming kakalimutan ni Denrey, huh? Magtatampo talaga kaming dalawa sa'yo!"
"So usap na lang tayo mamaya?"
"Sige! Mamaya, kapag nandito ka na."
Hanggang sa napansin ko na lang na nasa Imus na pala ako.
At malapit-lapit na rin pala ako sa Bacoor.
Finally! Nakarating na ako sa tapat ng mall at dali-dali akong pumasok para naman maka-usap ko agad ang dalawa tungkol nga sa pag-alis ko. Napaisip na lang ako ulit. Parang hindi rin naman ako gaanong mapapalayo sa kanila dahil isang bus lang galing sa Mandaluyong ay nandito na rin ulit ako.
Malapit na ako sa Department Store ng bigla na lang may tumawag sa pangalan ko.
Napalingon na lang ako. Si Zak lang pala. Kaklase ko no'ng high school.
"Oy! Kumusta ka na?" tanong niya habang papalapit sa 'kin.
"Ito, papasok na ako sa trabaho ko." Sabi ko naman sa kanya.
"Ahh ... by the way, miss mo na ba ako?" napakunot na lang ang noo ko sa sinabi niya.
"Miss? Bakit? Hindi naman. Parang last month lang naman no'ng huli tayong magkita." Tapos natawa lang ako.
"Wala lang. At saka, aalis na kasi ako sa Cavite. Pupunta na kasi kami sa Singapore next month. Doon na kami titira." Parang nalungkot lang siya.
"Ano ka ba naman? Wag ka ngang mag-drama d'yan? Ayaw mo no'n? Sa Singapore ka na titira?"
BINABASA MO ANG
Bato-Bato sa Langit!: Gabriel (HIATUS)
Action[GAY;BOYXBOY;YAOI;] This is the second story on the series 'Bato-bato sa Langit!' [NO SOFTCOPIES]