Part 1: Isang Sapak!
(Gabriel)
Naalala ko na lang bigla ang mga araw na nasa PNPA pa ako. Mga araw na naghirap ako sa sharp shooting at maraming drills at mga trials na pinagawa sa 'ming lahat. Mga araw na masasabi kong 'glory days' ko dahil nga laging mataas ang merits ko.
Ngayon, ito na ako sa office ng PNP. Ako nga pala si SPO3 Gabriel Ponce de Leon. Tubong Cavite at isang magiting na pulis! At your service, sir!
Matanda na rin pala ako. 33 years old na rin ako. Sa pamilya namin, ako lang ang pumasok sa ganitong linya, ang pagpupulis. Bata pa lang kasi ako mahilig na ako sa mga laruang baril. Kung baga, parang 'meant' sa akin ang propesyon na ito. Sa sobrang dedikasyon ko sa trabahong ito ay nasabak na ako sa maraming operasyon, lalo na sa mga drug den na lugar.
Tapos, nanay ko lang ang nagtaguyod sa 'min matapos na mamatay ang aming ama. Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang pangalawa. Ang nauna sa 'kin ay si Kuya Serafin. Ang bunso naman namin ay si Beatriz, isang babae. Ang lulupit ba ng mga pangalan namin? Kastila kasi ang tatay namin na namatay noong walong taon pa lang si Beatriz. Labingtatlong taon ako noon ng maganap 'yon. Si kuya naman ay labingpitong taong gulang noong mga panahon na 'yon.
Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko noon na gagalingan ko ang pag-aaral ko.
Si kuya kasi ay isang doktor. Si Beatriz naman ay isang accountant na ngayon. Marami na rin kaming naipundar na bahay. May isang malaking lote nga kaming tatlo sa isang lugar dito Quezon City at pinagawa naming parang apartment. Two floors ang bawat bahay. Kung baga, nasa iisang compound lang kami.
Sa aming tatlo, ako ang may pinakamababang sweldo. Pero ayos lang naman sa 'kin dahil gusto ko naman talaga ang maglingkod sa bayan, at hindi ang magbulsa ng pera galing sa mga taong nagbabayad ng buwis.
"Gabo! Tawag ka ni hepe. Mukhang may ipapagawa na naman sa'tin!" untag sa 'kin ng kasamahan kong si Jon.
"Gano'n ba?" medyo kabado kong saad sa kanya.
"Oo. Pumunta ka na lang. Dalian mo!" pinagmadali niya na ako dahil nga alam niyang bugnutin si hepe. Ayaw kasi no'n na pinaghihintay siya. Pero siya kasi ang tumatayong ama ko dito sa pulisya.
Naglakad na ako papunta sa opisina ng hepe at medyo kabado na naman ako dahil mukhang may bago na naman kaming operasyon.
Lagi akong kinakabahan dahil nga maraming beses na rin akong nasasabak sa mga by-bust operations.
Pumasok na lang ako sa opisina ni hepe.
"Magandang umaga po, hepe!" at sumaludo ako sa kanya.
"Magandang umaga rin naman." At sumaludo din siya sa 'kin.
Umupo na ako para masimula na ang diyalogo naming dalawa patungkol sa panibong operasyon na papasukin namin ngayon.
"OK. To straight things, Gabo, malaki naman ang tiwala ko sa'yo, pero, sa'yo ko lang ipapakausap itong special na operasyon na ito. Ikaw lang ang makakaalam nito." Ang misteryoso ng hepe namin ngayon. Bakit kaya?
"Ano po ba 'yun? Madali lang po ba?"
"May pinapahanap lang kasi sa 'kin ang kumpadre ko. Anak niya, isang lalake, tantsa ko sampung taon ang tanda mo sa kanya."
"So special operation po ito?"
"Oo. Gano'n na nga." Parang malalim ang ugat nitong operasyon na gagawin ko. Madali lang naman pala.
"Ano naman po ang idadahilan ko sa mga kasamahan ko?" tanong ko sa kanya.
"Sabihin mong nag-usap lang tayo tungkol sa mga imbestigasyon na malapit nang malutas. Ganoon na lang ang sabihin mo sa kanilang lahat."
BINABASA MO ANG
Bato-Bato sa Langit!: Gabriel (HIATUS)
Action[GAY;BOYXBOY;YAOI;] This is the second story on the series 'Bato-bato sa Langit!' [NO SOFTCOPIES]