Part 3: Tatlong Sapak!
(Gabriel)
Nandito na ako sa Bulacan ngayon. Ito na rin ang oras para hanapin ko ang nawawalang anak ng kumpare ni hepe. Hindi ko alam kung bakit ko kailangang gawin ito pero parang gusto ko rin dahil sa nakakaawa din naman ang nagpapahanap nito. Pero napaisip na lang ako kung papa'no sila nagkaroon ng picture ng pinapahanap nila gayong hindi pa rin naman nila natatagpuan ito. Kaya naisipan kong tawagan ang hepe.
"Hello, chief! Good morning po."
"O, Gabo! Kumusta naman ang pag-deploy sa inyo d'yan sa Bulacan, ayos lang ba?"
"Opo! Ayos lang naman po. Pero may itatanong lang po sana ako."
"Ano naman 'yun?"
"Kasi pinagtatakahan ko lang po kung papa'no nagkaroon ng picture ang nagpapahanap nitong nawawala na ito e hindi pa naman po nila nakikita ito.
"Ahh ... kambal kasi sila. 'Yung isa kasi na-kidnap at siguro ay pinaalagaan na lang no'ng kumidnap doon sa pamilya na pinagdalahan sa bata."
"Gano'n po ba?"
"Oo, gano'n na nga. Kahit nga ako, no'ng una, nagulat, dahil may picture agad sila. Pero kailangan din nating matapos ang secret operation na 'yan, OK?"
"Sige po, hepe. Maaasahan ninyo."
At natapos na lang ang pagtawag ko sa kanya. Nandito kasi kami ngayon sa Obando. Ang iba naman ay sa Meycauayan.
Nag-iikot lang ako ngayon sa isang lugar dito. Nagtatanong-tanong na rin sa mga tao rito kung may namamataan ba silang kahina-hinalang tao. Hinahanap pa rin kasi ang asawa ni Miss Napoles. Nakakainis din ang mga ganitong kaso dahil wala talaga siyang balak magpakita sa publiko. Buti na nga lang at sumuko ang misis niya.
Naglalakad-lakad pa rin ako para makakakalap na rin ng impormasyon para makita ko na kung saan nagtatago ang kanyang asawa. Kasabay no'n ay hinahanap ko na rin itong nawawalang heredero ng isang malaking kompanya. Ang palad naman nitong batang ito. Bente-tres anyos pa lang, may business na agad na mamanahin! Sigurado akong marami ring naghahabol dito.
"Manang, kilala n'yo po ba itong taong ito?" sabay ipinakita ko ang picture ng pinapahanap sa 'kin. Bibigyan ko na nga lang ng pangalan 'to para hindi ako malito.
"Hindi, anak. Hindi." saad ng ginang na pinagtanungan ko. Ang malas naman! Hindi pa rin talaga.
Ang ibibigay ko na lang na pangalan ay 'Beta'. Ang asawa kasi ni Miss Napoles ay 'Alpha' since siya ang target na mahanap dito.
Nag-ikot ikot pa rin ako. Hindi ko na lang napansin ang oras. Alas-kwatro na rin pala ng hapon. Bigla na lang nag-ring ang cellphone ko. Si Jon lang pala.
"Gabo! Nasaan ka na?"
"Papunta na ako sa plaza, bakit?"
"Kain na tayo! Magtatanghali na, e. Nandito ako sa plaza."
"O, sige, papunta na ako d'yan."
At nagmadali na nga akong makapunta sa plaza kung saan naroroon si Jon. Kami lang talagang dalawa ang magkasundo sa PNP. Karamihan kasi ay 'intimidated' daw sa 'kin dahil nga sa thirty-three pa lang ako ay makukuha ko na ang rank na SPO4 sa susunod na taon.
Nang makarating na ako sa plaza ay nakita ko si Jon na nakatayo sa ilalim ng isang puno. Agad-agad ko siyang pinuntahan. Kumakaway-kaway pa siya.
"O, ang lapit mo lang pala?" tatawa-tawa pa siya.
BINABASA MO ANG
Bato-Bato sa Langit!: Gabriel (HIATUS)
Action[GAY;BOYXBOY;YAOI;] This is the second story on the series 'Bato-bato sa Langit!' [NO SOFTCOPIES]