Pitong Sapak!

208 7 2
                                    

Part 7: Pitong Sapak!

Gabriel (POV)

Tinawagan ko agad si chief sa cellphone ko. Nakasakay pa rin kaming dalawa nitong kasama ko. Tahimik lang siya at tila takot na takot.

"Hepe, kasama ko na po ngayon ang pinapahanap ninyo sa 'kin."

"Saan mo naman nakita?" tanong niya sa 'kin.

"Do'n po sa Pureza. Sa may PUP po."

"Gano'n ba? Bakit hindi mo idinaan dito sa opisina kanina?"

"Kasi po hinahabol na po kami kanina kaya naman itinakbo ko na siya kasama ko."

"Teka, sa'n kayo patungo ngayon?"

"Baka po sa Biñan, sir."

"Sige, ako na lang ang pupunta d'yan. I-text mo na lang sa 'kin kung saan ang eksaktong lokasyon ninyong dalawa."

"Opo."

Hanggang sa natapos na lang ang tawagan namin ni Hepe. Kakausapin ko naman itong kasama ko ngayon. Parang takot na takot talaga siya.

"Oy!" untag ko.

"Bakit po, sir? Wala po akong kasalanan." sabi niya.

Tinakpan ko na lang ang bibig niya.

"Wag kang maingay. Baka ngayon pinaghahahanap na tayo."

"Bakit naman po ninyo ako itinakbo?"

"Alam mo na ang dahilan. Kaya naman makikipagkita sa 'tin si hepe mamaya."

"Teka, hindi ko talaga maintindihan. Parang gusto mong sabihin na ampon lang ako."

"Gano'n na nga. Ampon ka nga ng mga magulang mo."

Naluha na lang siya. Nakaramdam ako ng awa. Parang mas matindi pa pala ang pinagdaanan niya kumpara sa 'kin. Hindi niya alam na ampon lang siya at kinidnap para iwala ng isang makasariling tao. Inilayo siya sa totoo niyang pamilya.

"Wag ka nang umiyak. Sa ngayon, ang isipin mo e kung ano ang gagawin mo pag minana mo ang malaking kompanya na ipapamana sa'yo."

Napatitig na lang siya sa 'kin.

"Ano? Ipapamana? Hindi ako papayag." Imbis na magulat at tanggapin hindi niya tinanggap. Wala naman ako sa teleserye? Pero ...

"Ayaw mo? Nasa'yo na ang lahat pag nagkataon." Pabulong kong tanong sa kanya.

"Aanhin ko naman ang pera at kayamanan kung habangbuhay naman akong hindi matatahimik?" Sinagot niya naman ang tanong ko nang maayos. Nasanay na rin kasi siya sa gano'ng buhay.

Wala na lang akong nasabi sa kanya. Kung sa bagay, mas pipiliin ko na lang ang simpleng pamumuhay. Pero ang nagustuhan ko dito sa kasama ko ngayon, ang simple niya na lang. Gusto in the sense na mukhang maayos naman siyang kasama.

Tapos bigla na lang bumalik sa alaala ko no'ng una kong makita ang picture ng kakambal niya. Ikinumpara ko. Walang pagkakaiba, maliban lang sa isang isang pilat na nasa talukap ng kanang mata niya. Siguro dulot 'yon ng aksidente no'ng bata pa siya.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"Berkeley Sandejas po, sir." tila may takot pa rin sa boses niya.

"Ilang taon ka na?"

"25 po."

"Teka lang. Wag ka ngang matakot sa 'kin."

"Pa'nong hindi ako matatakot hanggang ngayon. Bigla n'yo na lang po akong hinila kanina."

"Pasensya na. Ang importante ngayon ay madadala ka na rin sa tunay mong pamilya."

Bato-Bato sa Langit!: Gabriel (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon