Part 8: Walong Sapak!
(Gabriel)
Sa ngayon, kasama nina lolo at lola, ihahatid na nila kami sa kanyang anak sa Unisan, Quezon. Tiyak daw kasi na makakapagtago daw kaming dalawa doon. Nag-aalmusal kaming lahat dito ngayon. Kinuha ko ang diyaryong binili ni lolo kanina sa maglalako.
Nang makita ko ang headlines, natulala na lang ako.
"Sir, bakit po parang tulala kayo?" Tanong ni Berkeley na napagising sa diwa ko.
Pinakita ko sa kanya ang diyaryo.
"Tingnan mo."
Gulat na gulat siya sa nakita niya. Hindi niya aakalain na aabot na sa ganito ang lahat.
"Sir, kidnapping? Ano 'to?"
"Hindi ko alam ito, Berk."
"Pero 'yung totoo kasi, sir. Palabas n'yo lang ba ang lahat?"
Natahimik na lang ako sa sinabi niya. Wala na akong maisagot sa tanong niya.
"Hindi gano'n 'yon. Inutos lang naman sa akin ni Hepe ang lahat. Pinapahanap ka niya sa akin dahil sa dahilan na 'yon."
Parang wala na rin akong pakialam sa sasabihin ng dalawang matanda. Pero tila makikialam na rin sila.
"Gabo, apo, ano ba talaga ang pakay mo kay Berk?" Tanong ni lola sa 'kin, tila naninigurado.
"Lola, pinapahanap lang talaga siya sa 'kin. Pero natunugan ko na lang na may ibang motibo ang hepe namin sa kanya. Sigurado akong may koneksyon siya sa kung sinuman ang gustong kumuha kay Berkeley."
Uminom na muna ako ng kape. Sinusuri ko pa rin ang laman ng babasahin na ito. Sinasabi na tinangay ko raw si Berkeley mula sa PUP. At nagsampa na ng kaso laban sa 'kin ang pamilya niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Siniraan na ako ng hepe. Paano ko pa ba ito malulusutan?
I'm thinking kung ano-ano ang mga pwede kong gawin habang nagtatago kaming dalawa sa mga pulis. Tapos bigla na lang nag-ring ang cellphone ko. Si Aljon ang tumatawag. Sasagutin ko ba? Baka hindi na lang. Sigurado akong ginamitan na ng tracker ang device niya. Baka matunton pa kaming dalawa ni Berkeley 'pag nagkataon.
"Oy, sir! Nagri-ring po ang phone ninyo." Untag ni Lola sa akin.
Nagitla na lang ako. Nakakakaba dahil sigurado ako sa mga magaganap. Kaya hinding-hindi ko muna sasagutin ang mga ito. It's still ringing. Pero hindi ko na lang sasagutin. Papatayin ko na lang ang phone. Wala na akong pakialam kung anuman ang sabihin nila. Alam kong may plano pa rin para tapusin ako ni hepe. Kilalang-kilala ko siya. Kung may pinsan lang siguro si Satanas, siya na ang isa sa kanila. Gano'n siya kademonyo. Nagi-guilty ako dahil hindi ko kayang isiwalat ang mga kagaguhang ginagawa niya sa loob at labas ng PNP. Siya kasi ang protektor ng mga pasugalan at mga jueteng lords sa may bandang Taguig at Caloocan. Siya rin ang may pakana ng mga pekeng certificates para sa mga gustong maging security guards. Pinagbabayad niya pa ng ten thousand pesos ang mga 'yon para lang sa authentication ng certificates. Napakamukhang pera talaga! Kung kaya ko lang ngayon, gagawin ko ang lahat para lang mawala na ang mga tiwaling opisyal sa PNP. At sana pala, pinili ko na lang ang magtrabaho noon sa Sandigangbayan dahil mag-aaral pa sana ako ng law.
Sa ngayon, kailangan ko nang makaisip ng paraan para makapagtago pa kami ni Berke. Tiningnan ko siyang maigi. Tila kahit sa 'kin ay wala na siyang tiwala. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya. Pakiramdam ko mali lahat ng plano ko. O di kaya naman nasira lang talaga dahil kay Hepe.
Kung hindi lang ako pinaikot ni Hepe noon, sigurado akong wala na siya sa PNP. Nasa kulungan na sana siya. Bakit naman kasi natakot ako noon?
Nakita ko na ang isang bahay na halos nasa itaas na ng buhok. Nang marating na namin ito, nalaman ko na rin na dito pala nakatira ang anak nina lolo at lola.
BINABASA MO ANG
Bato-Bato sa Langit!: Gabriel (HIATUS)
Action[GAY;BOYXBOY;YAOI;] This is the second story on the series 'Bato-bato sa Langit!' [NO SOFTCOPIES]