Kabanata 3: Alamat ng Ilog Pasig

379 4 0
                                    

Habang nag-uusap ay dumating si Simoun. Pinanghinayangan ni Don Custodio dahil hindi nakita ni Simoun ang tanawin habang naglalakbay ang bapor.

Ani Simoun walang halaga ang magandang tanawin kung ito’y walang alamat. Sumagot si Don Custodio at sinabing may mga alamat ang nasabing ilog. Unang isinalaysay ni Don Custodio ang alamat ng Malapad na Bato.

Noong hindi pa nakakarating sa Pilipinas ang mga Kastila ay sinasamba ng mga tao ang Malapad na Bato na pinaniniwalaang tirahan ng mga espiritu. Ito ay nagsimulang maging tirahan ng mga tulisan na humaharang sa mga bangka nang mawala na ang pamahiin na iyon.

Ikinuwento naman ni Padre Florentino ang alamat ng yungib ni Donya Geronima. Si Donya Geronima ay tumandang dalaga dahil sa pag-iintay nito sa kaniyang kasintahan. Nag-arsobispo ang lalaki at pinatira naman niya ang Donya sa isang yungib.

Nagsalaysay naman si Padre Salvi ng ginawang himala ni San Nicolas kung saan ay nagawa nitong maging bato ang isang buwaya.

Habang nag-uusap ang lahat ay may nabanggit si Ben Zayb tungkol sa pagkamatay ni Crisostomo Ibarra. Itinuro ng kapitan ng bapor kung saan tinugis si Ibarra labing-tatlong taon na ang nakalipas.

Talasalitaan:

Prayle – pari

Pagtutol – di pagsang-ayon

Bapor – barko

Isinalaysay – ikiniwento

Tulisan – hindi sumusunod sa batas

Yungib – kweba

Arsobispo – mataas na uri ng pari

Tinugis – hinanap

EL FILIBUSTERISMOWhere stories live. Discover now