Kabanata 19 at 20

300 3 0
                                    

Kabanata 19: Ang Lambal

Umalis si Placido Penitente sa klase na puno ng poot ang kalooban. Wala siyang ibang inisip kundi ang paghihiganti. Buo na ang kanyang desisyon na tumigil na sa pag-aaral dahil sa paghamak na natanggap mula sa kaniyang propesor. Muli siyang gagawa ng liham para sa kaniyang ina.

Nang makarating sa bahay ay di niya inakalang madaratnan doon ang kanyang ina na si Kabesang Andang. Napansin ng ina nito ang galit sa mga mata ni Placido kaya ito nag-usisa. Ipinagtapat ni Placido ang nangyari.

Nalungkot naman ang kaniyang ina dahil hindi nito natupad ang pangako sa asawa na pagtatapusin ng pag-aaral ang kanilang anak. Nagpatuloy sa pangangaral ang ina kaya napilitang umalis sa bahay si Placido. Nagpalaboy-laboy ito sa lansangan ngunit umuwi din nang makaramdam ng gutom.

Sa pag-uwi ay naroroon parin ang ina nito. Muling pinangaralan ng ina si Placido kung kaya’t muli itong lumabas at nagtungo sa daungan. Doon ay nag-intay siya ng kaibigang mandaragat ngunit nabigo ito.

Sa halip ay nakarating ito sa perya. Nakita niya doon si Simoun na nagsama sa kaniya sa mga pook na hindi niya inaasahang mararating ng mayamang mag-aalahas. Hatinggabi na ng makauwi si Placido galing sa bahay ng mag-aalahas.

Samantala, naiwang nag-iisip si Simoun. Naisip niyang bahagi siya ng kasamaang nais niyang puksain. Muli niyang naalala ang mukha ng kaniyang ama at ni Elias, na kapwa namatay dahil sa paggawa ng mabuti.

Kinabukasan ay masayang pinapakinggan ni Placido ang pangangaral ng ina.

Talasalitaan:

Poot – galit

Liham – sulat

Kabesa – pinuno, kapitan

Nag-usisa – pagtatanong

Lansangan – kalye, kalsada

Daungan – pantalan o tigilan ng barko

Puksain – alisin

Kabanata 20: Ang Nagpapalagay

Ang pagdedesisyon sa akademya ng wikang Kastila ay nasa mga kamay ni Don Custodio. Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo ay tanyag sa lipunan ng Maynila.

Bawat kilos niya ay pinapansin ng mga mamahayag. Tinagurian siyang Buena Tinta. Bata palang siya nang dumating siya sa Maynila. Siya ay nakapag-asawa ng isang maganda at mayamang mestisa. Aktibo siya at nahirang sa maraming posisyon sa pamahalaan.

Kabaliktaran naman ang sinapit nito nang bumalik siya sa Espanya. Walang pumapansin dito ni hindi siya makahalubiho sa mga mayayaman dahil sa kakulangan sa pag-aral. Wala pang isang taon ay napagpasyahan nitong bumalik sa Pilipinas.

Mahigit labinlimang araw na niyang sinusuri ang kasulatan. Nang usisain ng mataas na kawani ang lagay ng mga balak ng mag-aaral, sumagot si Don Custodio ng may kasamang pag-aalinlangan, bagama’t ibig ipakilalang natapos na niya.

Talasalitaan:

Tanyag – kilala

Mamamahayag – namamahagi ng balita

Tinagurian – binansagan

Makahalubilo – makasama

Sinusuri – inaalam

Kawani – kasapi

Pag-aalinlangan – pagdadalawang-isip

EL FILIBUSTERISMOWhere stories live. Discover now