Kabanata 6: Si Basilio

282 3 0
                                    

Hatinggabi nang palihim na tumungo si Basilio sa kagubatan na pagmamay-ari ni Ibarra na nabili naman ni Kapitan Tiago. Tumigil si Basilio sa bunton ng mga batong malapit sa kinalalagyan ng punong balite, kung saan nakalibing ang kanyang ina.

Sa tuwinang umuuwi si Basilio sa bayan na iyon ay una niyang dinadalaw ang yumaong ina ng palihim. Muli nitong naalala ang pagkamatay ng ina at ng lalaking sugatan na si Elias labingtatlong taon na ang nakaraan.

Sa pamamagitan ng perang ibinigay ni Elias ay lumisan si Basilio sa bayan na iyon at nagtungo sa Maynila. Walang sinuman ang tumanggap dito dahil sa ito ay may sakit, marumi, at gula-gulanit na kasuotan.

Nagtangka siyang magpasagasa sa dumadaang sasakyan mabuti’t nakita siya ni Kapitan Tiago. Dito ay pumasok siya bilang alila nang hindi binabayaran. Pinahintulutan ni Kapitan Tiago na mag-aral si Basilio sa San Juan de Letran.

Mula ng pumasok si Maria Clara sa kumbento ay kinamuhian na ni Kapitan Tiago ang mga pari. Pinalipat ito sa Ateneo Municipal at mas lalo pang nagpakadalubhasa sa pag-aaral.

Ngayon ay nasa huling taon na siya sa Medisina. Dalawang buwan pa at magiging isang ganap na doktor na si Basilio. Pagkatapos ay muling babalik sa bayan at papakasalan si Huli.

Talasalitaan:

Palihim – patago

Bunton – tambak

Yumao – pumanaw

Lumisan – namatay

Gula-gulanit – sira-sira

Alila – alipin

Kumbento – simbahan

Kinamuhian – kinasuklaman

Nagpakadalubhasa – eksperto, nagpakahusay

EL FILIBUSTERISMOWhere stories live. Discover now