Kabanata 17: Ang Perya
Maganda ang gabi at puno ng tao ang liwasan. Si Padre Camorra ay libang na libang na pinagmamasdan ang mga magagandang dalaga. Labis ang kanyang paghanga kay Paulita Gomez.
Napadaan sila sa tindahan na nagbebenta ng mga tau-tauhang yari sa kahoy. Marami sa mga inukit ay anyong pari katulad ni Padre Irene. Nang makakita sila ng kamukha ni Simoun ay naalala nila ito at hinanap ngunit di nila ito natagpuan.
Ayon kay Padre Camorra, natakot ito na pagbayarin ng tiket sa tanghalan ni Mr. Leeds. Habang si Ben Zayb ay nangangambang malaman ni Simoun na panlilinlang lamang ang kaniyang palabas.
Talasalitaan:
Liwasan – parke ng isang lugar na may espasyo para sa pag-aaliw
Paghanga – iniidolo o nagustuhan sa isang tao o bagay
Inukit – panlililok
Nangangamba – nag-aalala
Panlilinlang – pandaraya
Kabanata 18: Mga Pandaraya
Sa tanghalan ay malugod na sinalubong ni Mr. Leeds ang mga manonood kabilang ang mga prayle at mga kasama nito.
Bago magsimula ang pagtatanghal ay binigyan si Ben Zayb ng pahintulot upang magsiyasat ngunit bigo siyang makita ang salamin na kanyang tinutukoy. Dahil dito ay napahiya ang mamahayag.
Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at bumalik na may bitbit na isang kahong gawa sa kahoy. Ang kahong iyon ay natagpuan sa libingan nasa piramide ni Khufu. Ipinasiyat niya ito sa mga manonood.
May ilang nagsabi na ang kahon ay amoy bangkay. Para kay Ben Zayb iyo’y amoy simbahan. Ang kahon ay naglalaman ng abo at kaputol na papirong kinatatalaan ng dalawang salita.
Sa pamamagitan ng unang salita’y nabubuhay ang sandakot na abo at nakakausap ang isang ulo. Ang ikalawang salita naman ay nakakapagbalik sa dati nitong kinalalagyan.
Nang binigkas ni Mr. Leeds ang unang salita ay may lumitaw na ulo. Habang nagsasalita ang espinghe ay nakatuon ang paningin nito kay Padre Salvi. Dahil sa takot ay nahimatay ang pari.
Kinaumagahan, iniutos ng gobernador eklesiyastiko na ipagbawal ang ganung uri ng palabas. Ngunit wala na si Mr. Leeds, siya ay nagtungo sa Hong Kong dala-dala ang kaniyang lihim.
Talasalitaan:
Prayle – pari
Pahintulot – pagpayag
Pagsisiyasat – pagmamanman
Pirimide – pyramid
Papiro – isang halamang tubig
Kinatatalaan – kinasusulatan
Espinghe – isang halimaw na may katawan ng leon at ulo ng tao
Nakatuon – nakatutok, nakatitig