Sa ikapito ng gabi ay naroon na si Simoun. Naroong umalis at bumalik nang makalawa sa kaniyang bahay na may kasamang ibang tao. Naroong may binabantayan sa isang daang kalapit ng kumbento ng Sta. Clara at naroong nakita si Camaroncocido sa dulaan na may kausap na mag-aaral.
Tapat ang hangarin ni Basilio na mapagaling ang kaniyang tagapag-ampon. Ngunit ipinagtataka nito kung bakit sa kaniyang panggagaling sa ospital ay dinaratnan niya si Kapitan Tiago na tulog, naglalaway, at namumutlang parang isang patay. Hindi niya malaman kung sino ang nagbibigay ng apyan gayung si Simoun at Padre Irene lamang ang dumadalaw dito.
Nang gabing iyon ay nagsadyaa si Simoun sa bahay ni Basilio upang ipaalam ang gagawing himagsikan noong gabing iyon. Nais ni Simoun na pangunahan ang isang pulutong ng manggigiba ng pinto ng kumbento upang makuha si Maria Clara.
Subalit huli na ang lahat dahil si Maria Clara ay namatay ng hapon ding iyon. Sa una ay di makapaniwala si Simoun ngunit naniwala lang ito nang may ipadala si Padre Salvi kay Padre Irene upang ipaalam kay Kapitan Tiago ang pagkamatay ng dalaga.
Halos sumabog ang puso ni Simoun sa balitang natanggap dahil ito ang dahilan ng kaniyang paghihimagsik. Samantala’y naiwan si Basiliong awang-awa kay Simoun.
Talasalitaan:
Kumbento – simbahan
Dulaan – aktingan
Ipinagtataka – ikinamamangha, naguguluhan
Dinaratnan – naabutan
Apyan – isang uri ng halaman
Himagsikan – rebelyon, pag aalsa