Kabanata 31: Mga Mataas na Kawani
Ang pahayagan sa Maynila ay patungkol lang sa nabunyag na patayan sa Europa, pagbibigay karangalan sa mga predikador sa Maynila at sa tagumpay ng operatang Pranses. Wala man lang nabalita tungkol sa nangyari kay Huli.
Balita din ang pag-alis sa bayang iyon ni Padre Camorra upang manirahan sa kumbento ng Maynila. Dahil sa pagsisikap ng mga kamag-anak ng mga bilanggo ay unti-unti silang nakalaya.
Sunud-sunod na nakalaya ang mga mag-aaral, sina Makaraeg, at Isagani. Hindi parin nakakalaya si Basilio dahil sa kasalanang pagkakaroon ng mga aklat na bawal.
Ipinagtanggol ng mataas na kawani si Basilio ngunit lalo iyong nakasama nang malaman ng Kapitan Heneral na ito’y naging utusan lamang.
Pinangatawan ng mataas na kawani ang pagtatanggol kay Basilio. Dahil dito, higit naging malubha ang alitan sa pagitan ng mataas na kawani at ng Kapitan Heneral.
Talasalitaan:
Nabunyag – nalaman
Predikador – taga hatid ng mensahe sa simbahan o preacher
Pagsisikap – pagpursige
Kawani – taong kabilang sa nagtatrabaho sa loob ng isang institusyon
Malubha – malala
Alitan – pagaaway
Kabanata 32: Mga Ibinunga ng mga Paskin
Dahil sa mga sunud-sunod na nangyayari, maraming magulang ang napilitang patigilin ang kanilang mga anak sa pag-aaral, sa halip ay harapin na lamang ang pagsasaka. Kasama sa mga tumigil sina Pecson, Tadeo, at Pelaez.
Sinigaan ni Tadeo ang kanilang aklat. Habang si Pelaez ay namahala sa tindahan ng ama. Si Makaraeg ay napunta sa Europa at si Isagani nama’y sa asignatura lang ni Padre Fernandez nakasulit.
Dahil sa husay sa pagtatalumpati ay nakapasa si Salvador. Si Basilio ay nananatiling nakabilanggo. Habang si Sinong naman ang nagbalita dito ng pagkamatay ni Huli at pagkawala ni Tandang Selo.
Si Simoun naman ay gumaling na. Ayon kay Ben Zayb, ito ay hindi na mag-uusig sa halip ay magdaraos ng isang handaan bilang pasasalamat sa kaniyang paggaling.
Naging maswerte naman ang kapalaran ni Pelaez. Nakabili ito ng bahay na walang bayad, malaki ang kinita ng kanilang tindahan, nakasama sa pangangalakal si Simoun, at higit sa lahat ay makakasal sa babaeng ninanasa ng lahat na si Paulita.
Ang pag-ibig ni Paulita para kay Isagani ay naglaho na simula nang masangkot ito sa paskin at nabilanggo. Walang ibang pinagkakabalahan ang Maynila kundi ang maghanda upang maanyayahan sa pistang idaraos ni Don Timoteo Pelaez para sa kasal ng anak.
Si Simoun ang nakaatang na mamahala sa lahat. Samantalang ang Kapitan Heneral naman ang magiging inaama ng ikakasal.
Talasalitaan:
Napilitan – puwersahin
Sinigaan – sinunog
Namahala – namuno
Pagtatalumpati – pagsasalita sa entablado
Nakabilanggo – nakakulong