Kabanata 4: Si Kabesang Tales

369 4 0
                                    

Si Telesforo o mas kilala sa tawag na Tales ay anak ni Tandang Selo. Inalagaan niya ang isang bahagi ng kagubatan dahil sa palagay niya ay walang nagmamay-ari nito. Kasama niya roon ang kanyang ama, asawa, at mga anak.

Pinamuhunan niya ito kahit walang kasiguraduhan ang pag-unlad niya dito. Subalit malapit na sana nilang anihin ang mga unang tanim nang biglang inangkin ito ng korporasyon ng mga pari. Hinihingian ng nasabing korporasyon si Tales ng dalawampu o tatlumpung piso kada taon.

Tinanggap ni Tales ang utos na ito dala narin ng kanyang natural na kabaitan. Habang lumalaki ang kanyang ani ay lumalaki din ang hinihinging buwis ng korporasyon.

Nagkaisa ang kanyang mga kanayon na gawin itong Kabesa ng barangay dahil kita naman ang naging pag-unlad nito. Plano sana niyang pag-aralin ang kaniyang dalaga sa Maynila ngunit ito ay di nangyari dahil sa taas ng buwis.

Nang umabot sa dalawang daang piso ang buwis na hinihingi ng korporasyon ay napilitan na itong tumutol. Ngunit tinakot siya ng nangangasiwa na kung hindi ito makakapagbayad ng buwis ay sa iba nalang ipapatanim ang lupa.

Naubos na ang kanyang salapi sa pakikipaglaban sa hukuman subalit nanatili parin itong bigo. Madalas siyang may dala-dalang baril sa tuwing pupunta sa bukid upang ipagtanggol ang sarili kung sakaling may tulisan.

Pagkaraa’y ipinagbawal ang baril kaya gulok naman ang dinala nito. Sinamsam ang dala nitong gulok kaya palakol naman ang sunod na dinala. Nabihag si Tales ng mga tulisan at ipinapatubos ito sa halagang limang daang piso.

Napilitang ipagbenta ni Huli ang lahat ng kaniyang alahas maliban sa agnos na bigay ni Basilio. Ngunit hindi parin ito sapat upang matubos si Tales kaya namasukan ito bilang utusan.

Nalaman ni Tandang Selo ang ginawang iyon ni Huli kaya hindi ito nakakain at nakatulog nang gabing iyon. Sa halip ay umiyak lang ng umiyak ang matanda.

Talasalitaan:

Kabesa– barangay

Tumutol – di-pagsang-ayon

Nangangasiwa – nangangalaga, nagpapatakbo

Tulisan – hindi sumusonod sa batas

Gulok – itak

Agnos – kwintas

EL FILIBUSTERISMOWhere stories live. Discover now