Kabanata 29: Mga Huling Salita Tungkol Kay Kapitan Tiago
Nagkaroon ng maringal na libing si Kapitan Tiago.
Bagaman may ilang pari ang pumuna sa kanya dahil ito ay hindi nakapagkumpisal bago ito mamatay, pinagtanggol naman ito ni Padre Irene. Ayon sa pari, ang paghihigpit ay ginagawa lamang sa mga hindi nagbabayad.
Si Padre Irene ang inatasan na maging tagapamahala ng huling habilin ni Kapitan Tiago. Ipinamana sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, sa mga korporasyon ng mga pare, at ang dalawampung piso para sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral. Ang dalawampu’t limang piso na sana’y pamana kay Basilio ay napunta sa bulsa ni Padre Irene.
Kinabukasan, sa bahay ni kapitan Tiago ay pinag-uusapan ang himala. Nagpakita raw si Kapitan Tiago sa mga mongha ng Sta. Clara nung ito’y kasalukuyang naghihingalo.
Tatlong pari ang lumapit sa inilibing. Lahat ng magagawang palatuntunan ay ginawa.
Si Donya Patrociniong na siyang kalaban ni Kapitan Tiago sa paghahandog sa simbahan ay naghangad na mamatay na din ito kinabukasan, upang malaluan ang libing ng yumao.
Talasalitaan:
Maringal – engrade, kahanga hanga
Nakipagkumpisal – pagpapahayag ng kasalanan
Naghihingalo – nag-aagaw buhay
Palatuntunan – program
Naghangad – nagnais
Yumao – namatay
Kabanata 30: Si Huli
Marami ang hindi naniniwala sa mga paskin at paghihimagsik. Sa palagay ng ilan ito ay paghihiganti ng mga prayle dahil sa pagkakatubos kay Huli na anak ng tulisang mahigpit na kalaban ng isang korporasyon.
Ayon kay Hermana Penchang ay mabuti’t pinaalis na nito si Huli dahil ayaw niyang magalit ang mga prayle sa kanya; gayong dinamdam naman talaga niya ang pagkakatubos sa dalaga.
Sa simula’y di makapaniwala si Huli sa balita ni Hermana Bali na patay na si Kapitan Tiago. Ngunit nang malaman ang totoo ay nahimatay ang dalaga.
Dahil wala na si Kapitan Tiago ay wala nang tagatangkilik ang binata. Naging malungkutin si Huli simula noon. Binalak nitong magpatiwakal ngunit hindi natuloy dahil sa takot na sa impyerno ito mapunta.
Nagbigay ng abuloy ang mga kamag-anak ni Basilio ngunit kulang parin ito upang mailigtas ang binata. Kung kaya’t umisip si Hermana Bali ng mas mabuting paraan.
Sumangguni sila sa tagasulat ng bayan ngunit wala itong nagawa kundi ituro sila sa Hukom. Ang Hukom naman ay ipinayong sadyain si Padre Camorra.
Habang nasa daan ay tumanggi si Huli na dumaan sa kumbento. Minsan na itong tumanggi sa mga prayle nung nangangailanagn ang kaniyang magulang. Kung ngayon ay lalapit sya sa prayle dahil kay Basilio ay tiyak na marami ang kukutya sa kaniya.
Tiniis pa rin ni Huli ang mga sisi ng kamag-anak na hindi nakakabatid ng mga nangyari sa kanila ni Padre Camorra. Nang gabing iyon ay bahagyang nakatulog si Huli. Ngunit ito ay pagising gising dahil sa masasamang panaginip.
Kung hindi lang sana gabi at madilim sa labas ay tumakbo na ito sa kumbento. Dumaan ang maraming araw ay hindi parin nagtungo si Huli sa prayle.
Isang araw ay dumating ang balitang si Basilio nalang ang nabibilanggo. Doon ay hindi na ito nag-atubiling hanapin si Hermana Bali upang magpasama sa kumbento.
Nang sumapit na sa pinto ng kumbento ay ayaw nang pumasok ni Huli. Kailangan pa itong batakin at itulak papasok.
Kinagabihan ay may balitang isang dalaga ang tumalon mula sa bintana ng kumbento. Kasabay noon, isang matandang babae ang lumabas na nagsisisigaw na parang isang baliw.
Sa kabilang dako, si Tandang Selo ay galit na pumunta sa kumbento, ngunit ito ay pinaalis doon sa pamamagitan ng mga palo at tulak.
Bumalik ang matanda sa nayon na umiiyak na parang isang bata. Kinabukasan ay nawala si Tandang Selo dala ang kaniyang gamit sa pangangaso.
Talasalitaan:
Paghihimagsik – pagrerebelde sa awtoridad
Pagkakatubos – pagkalaya
Tulisan – rebelde
Tagatangkilik – tagapangalaga
Magpatiwakal – magpakamatay
Sumangguni – pagkonsulta
Kukutya – aasar
Nag-atubili – nagdalawang-isip
![](https://img.wattpad.com/cover/216643996-288-k886418.jpg)