Kabanata 21 at 22

227 2 0
                                    

Kabanata 21: Mga Ayos-Maynila

Magdaraos ng ikaunang palabas ang samahan ng operang Pranses ni Mr. Jouy sa dulaang Variedades. Ikapito’t kalahati palang ng gabi ay wala nang mabiling tiket. Sa ikawalo’y malaking halaga na ang itinatawad sa mangisa-ngisang nabibiling tiket.

Ngunit may isang Kastila ang nararahuyo sa gayung kaguluhan, siya si Camaroncocido. Lumapit naman ang isang matandang na katumbalikan nito, siya si Tiyo Kiko. Ayon sa nauna, ang pagkapuno ng dulaan ay utang sa mga prayle.

Ang pagbabawal na manood ay mas lalong nakakaakit upang manood ng palabas. Akala naman ng iba ay may itinuturo ang palabas kung kaya’t pinagbabawal ng mga pari ang panonood. Nahati ang Maynila sa dalawa dahil sa nasabing palabas.

Tutol ang mga prayle, ang mga babaing may asawa’t kasintahan, samantalang ang mga pinuno ng hukbo, mga marino, kawani at maraming matataas na tao ay nagtanggol dito. Sa pag-iisa ni Camaroncocido ay marami itong napuna sa kaniyang pagmamatyag.

May narinig siyang “ang palatandaan ay isang putok” ngunit hindi niya ito pinansin.

Talasalitaan:

Magdaraos – magdiriwang

Dulaan – aktingan

Mangisa-ngisa – paunti-unti

Nararahuyo – maakit

Katumbalikan – kaagapay

Nakakaakit – nagagandahan

Pagmamatyag – tumitingin tingin

Kabanata 22: Ang Palabas

Punong-puno ng tao ang dulaan. Huli na ng labinlimang minuto bago nagsimula ang palabas dahilan bakit di na napigilang mag-ingay ng mga tao.

Ang mga mag-aaral ay nakapuwesto sa palkong katapat ng kinalalagyan ni Pepay. Ipinuwesto din malapit dito si Don Custodio upang mapasang-ayon ito.

Nang hapon ding iyon ay sumulat si Pepay at tinipan si Don Custodio, kaya hindi naiwasan nitong di dumalo sa dulaan.

Masaya ang lahat maliban kay Isagani sapagkat nakita niya si Paulita na kasama si Juanito Pelaez.

Habang nagpapatuloy ang palabas ay patuloy ding sinasalin ni Tadeo sa Kastila ang mga salitang Pranses. Ganun din si Pelaez sa magtiyahing kasama niya.

Sinang-ayunan na ni Padre Irene ang kahilingan ng mga mag-aaral na magtayo ng akademya ngunit sasailalim pa ito sa isang korporasyon kung sakaling hindi iibigin ng mga Dominikanong masama ang akademya sa Unibersidad.

Kakasimula palang ng ikalawang bahagi ng palabas nang nagtayuan at lumabas ang mga mag-aaral.

Talasalitaan:

Palko – itaas na bahagi ng tanghalan o teatro

Ipinuwesto – inilagay

Sinang-ayunan – pumayag

Sasailalim – dadaan sa proseso

EL FILIBUSTERISMOWhere stories live. Discover now