Kabanata 3

0 0 0
                                    

"Sh*t!"

The sky was quite dark, so I didn't immediately notice that there was someone on the road.

Mabilis na lumabas ng kotse si Sid at tiningnan ang nabangga ko. Kabog ang puso kong sinundan si Sid at 'yon na lang ang pagkagitla ko nang makita ang isang babae na puno ng sugat.

Napahawak ako sa aking bibig sa gulat. Puro sugat ang katawan n'ya at nasisiguro kong hindi 'yon dahil sa pagkakabangga ko. Her face was so full of bruises that it was almost impossible to recognize her identity.

"Miss? Hey!"

"L-luxx? Luxx! Pakawalan mo ako! Bitawan mo a-ako!"

I frowned at what the woman said. Luxx? He called Sid... Luxx?

Kitang-kita ko kung paano humigpit ang hawak ni Sid sa damit ng babae. I have a bad feeling about this.

Nagpupumiglas ang babae sa kabila ng mga sugat nito sa katawan. She was sweating profusely and could barely walk.

"Tulong! Tulong! Nagmamaka-awa ako!"

Hindi ako makakibo sa aking kintatayuan habang humihingi ito ng tulong sa akin habang nakabulagta sa kalsada at kumakalas sa hawak ni Sid.

"Sid! What is the meaning of this?"

He was taken aback by what I said and shook his head slightly.

Rinig na rinig ko ang hikaos ng babae until she loses consciousness.

Sid cursed and quickly picked up the girl. I quickly opened the car door. Walang ano-ano ay kinuha ni Sid ang manebela.

"Get in the car!"

Wala akong nagawa kun'di sundin s'ya. Muli kong sinipat ang kalagayan ng babae. A complete astonishment enveloped me. How can a woman end up in a forest like this at tinatawag n'yang Luxx si Sid.

"Sid? Why are we going? We need to take her to the hospital," taka kong saad kay Sid dahil ibang direksyon na ang tinatahak n'ya.

"I will take care of her when we arrive at the hacienda at ikaw naman magpahinga ka na pagdating natin," seryosong sagot n'ya na mas lalo kong pinagtaka.

"Nahihibang ka na ba?" Hindi sa wala akong tiwala sa kanya o ano pa man pero nag-aalala ako sa kalagayan ng babaeng ito na bugbog sarado. Mas maganda sana kung isang professional na mag-alaga sa kanya. Pero sa lagay na ito ay parang hindi ko na makokontra pa si Sid. Seryoso na ito at hindi na ako kinibo pa.

~*~

Three days have passed.

Walang paramdam o makita man si Sid ay hindi ko nagawa.

Since that night, I haven't seen him in the whole hacienda. I'm worried about Sid and the girl we met. I don't even have any news from the two of them, even the people here at the hacienda don't talk about that matter. Dumagdag pa ang party na hindi ko alam kung naayos nga ba ni Sid at Kia. Ilang araw na lang ay magsisimula na iyon kaya mas naiistress ako.

Malalim ang pag-iisip habang nililibot ko ang aking kwarto. Hindi ko magawang makapag-tanong kay Julio o kay Emma at Ruth dahil baka kung ano pa ang isipin nila.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa rancho para tingnan ang mga alagang kabayo ro'n para na rin maalis ang mga isipin na ilang araw ng gumugulo sa akin. Alas-tres na ng hapon at hindi na masakit sa balat ang init kaya naman mas malaya akong makakapaglibot sa buong rancho.

Bumungad sa akin ang ilang mga tauhan sa loob ng hacienda na masayang naghuhuntahan sa ilalim ng puno sa 'di kalayuan na ngayon ay nagsisimula ng umalis para siguro umuwi na. Ngumiti ako nang mag-sikaway sila sa akin. Maybe I have to go to the market tomorrow to buy some painting materials to ease my stress. Ito lang ang aking alam para malibang dahil hilig kona ang pagpipinta bata pa lang ako.

Tangled Tides Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon