I can’t explain what I am feeling right now. I hate him. Bakit n’ya naman naisip ang ganoong bagay? I didn’t expect that from him. Nakasubsob lang ako sa sofa at nag-iisip ng malalim. Ilang oras na rin akong na andito at hindi rin naman ako sinundan ni Luxx dito para kausapin ulit. Wala lang, akala ko kasi susundan n’ya ako. Kainis, ang feelers ko!
Malapit na rin dumilim kaya napagdesisyunan ko na maligo pa. Patapos na ako sa paliligo nang mapansin kong na saan nga pala ang damit ko? The heck!
Lumabas ako ng banyo para manghagilap man lang kahit robe at i-wa-washing machine ko ang damit at ida-dryer pero may nakita akong isang malaking paper bag na nakapatong sa kama.
Wala ‘to kanina at sino namang nagdala nito habang nasa banyo ako? Binuksan ko ‘yon at nagulat ako sa nakita.
That’s the freaking emerald halter dress in the boutique shop downstairs. Mabilis ko itong kinuha at napayakap pa sa dress sa saya.
Sobrang ganda ng tela and may mga ilang parts ng dress na may beads na kumikinang-kinang. I really love this dress!
But how?
Bigla ko namang naalala si Luxx at napangiti. I know it’s him. I saw a piece of paper inside of a paper bag.
Excellent choice, Quinn. Wear this with your lovely smile and come with me at the bar station. Hope you like it, my Lady.
-L
Nagusumot ko naman ang paper bag sa aking harap. Did he literally buy this for me? He is good at observing people around him.
Medyo kinilig ako ro’n ah, parang hindi ibinugaw.
Napadaan ako sa may lobby nang makitang medyo marami nang tao kesa kanina. Puro sila nakapormal, siguro ay may event sa lounge area. ‘Yon ata ang nakita ko kaninang may nag-aasikasong chair and table. Hindi ko na ‘yon pinansin at dumeritso na sa bar station.
Kunot-noo akong naglalakad ng makitang may event pala. Ang bar station ay kalapit lang ng sea shore at ang mga chair and table ay naando’n din na sinabayan ng dim lights. The motif is full of flowers and with the accents of silver.
May party pala, hindi man lang sinabi sa akin ni Luxx na may attendan kaming ganito.
“I told you to smile, right?”
Napunta ang tingin ko kay Luxx na swabeng nakaupo sa stool high chair at maangas na nakapanghalumbaba sa akin. He is wearing a fitted white polo and dark green slacks with an abaca slipper.
Napatigil ako kung gaano s’ya kafresh ngayong gabi. He is not trying to be hot but he attracts hotness. Mas nakadagdag sa kapogian n’ya ang suot-suot na tropical hat.
Inayos ko naman ang tayo at lumapit na sa kanya.
“You didn’t tell me that there will be a party we will attend. I should prepare myself more.” Umupo rin ako sa stool high chair at pinagmasdan ang nagkikintabang bote ng alak na maayos na nakasalansan sa shelf.
Nahagilap ng mata ko ang isang barista na tahimik lang na nakamasid sa amin. He looks like his in 30’s but he has a charming personality.
“Green is your color, huh?”
Napatawa naman ako at umiling-iling.
“You look incredible,” he softly said while sipping to his brandy glass while his brown eyes kept on me.
Napatango ako at umayos ng upo. Hindi ko maexplain bakit ako naaligaga. Hindi ko na masabayan ngayon ang mga tingin n’ya.
“You too, Sir,” I replied back. Ibinaba n’ya ang glass at mas inilapit ang upuan sa akin.
“Stop calling me Sir.” He places his veiny hand on my waist, which makes my heart stop.
“You make me horny.”
Literal akong namula sa narinig. His voice tingles me. Napakalapit ng bibig n’ya leeg ko and I can’t move an inch.
“H-hey…”
Naramdaman ko ang pag-init ng tenga ko at ang hindi ko maipaliwanag na kaba sa dibdib.
“Stop making me crazy, Luxx. Stay away from me,” bulong ko.
Mas humigpit ang hawak n’ya sa beywang ko at ipinatong ang kan’yang baba sa aking nakabukas na balikat.
“That’s what I want to hear when I’m on your top.”
Hindi ko napigilang lingunin s’ya. Bumungad sa akin ang mapungay n’yang mata at ang kan’yang mga labing nang-aakit.
What the f*ck…
He is literally flirting with me. Akala ko ba si Sid ang i-seduce, ha?
“Stop staring at me, baka hindi ko mapigilan. Masunggaban kita.”
Do’n na ako bumigay at napatawa.
“What’s wrong with you?” takhang tanong ko na s’ya namang kinangiti n’ya.
Muli n’yang pinisil ang beywang ko at hinalikan ang noo ko.
Para akong naging bato. His lips is like a cotton bukod pa do’n ang napakabangong perfume n’ya na halos ikinabaliw ko
“Good evening, everybody!”
Nagsalita ang emcee sa harap at nakuha nito ang atensyon ni Luxx but here I am, still in the state of shock. How could I explain my feelings right now? It’s just a simple kiss and interaction, but para akong sasabog sa kilig.
Kinuha ko ang glass na ininuman ni Luxx at inubos ang laman no’n. Kailangan ko ng lakas, hindi pedeng lutang ako buong gabi.
“I want to call all the family member of Mrs. Pamela came in front and had a seat. We will start the party any minute now. Thank you.”
Walang pag-aalinlangang napalingon ako sa mini stage.
That’s my stepmom's name!
Do’n ko na napagtanto na ang event na ‘to ay para sa pinaplano naming event ni Sid noon. Teka—
“What is happening right now, Luxx?”
He leaned and looked at my eyes directly. “Let’s begin the plan.”
Nangunot ang noo ko. Paano n’ya nagawa ito?
“So the issue is true about the two of you?”
Napalingon ako sa likod ko at nanlamig sa nakita.
Sid
Wearing the same outfit na suot ngayon ni Luxx.
“How Carol in billions of men out there, why with that guy?”
Napatakip ako sa aking bibig at akmang yayapusin s’ya nang maramdaman ko ang kamay ni Luxx sa aking palapulsuhan.
“Jealousy is still eating you, my dearest twin.”
Bigla kong naramdaman ang liyab sa pagitan nilang dalawa. Ang tatalas ng tingin nila sa isa’t-isa na hindi ko kayang pigilan.
“You still haven’t changed after eight years, Sid.”
Pumagitna ako at hinawakan ang balikat ni Luxx. Ngayon ay hindi ko na maipaliwanag ang puot at galit na nakikita ko sa mukha n’ya.
Buti na lang ay wala pa masyadong tao sa parte namin at hindi kami medyo napapansin.
“You're still trying to get what I have, still the same Luxx I’ve known.”
Napatingin ako kay Sid na ngayon ay walang buhay na nakikipagtitigan ng tingin sa kan’yang kambal.
What should I do?!
BINABASA MO ANG
Tangled Tides
RomanceTagalog Story by joveun In sun-kissed Alfonso, artist and a daughter of a well known businessman, Carol meets Sid, a gentle soul who mirrors the serene beach. But their romance hides a storm: Sid's twin, Luxx, a firebrand shrouded in secrets. Drawn...