Kabanata 4

0 0 0
                                    

Tick tock, tick tock, tick tock...

Naalimpungatan ako sa tunog ng malaking relo na nakatayo sa ‘di kalayuan. Bahagya kong iniangat ang aking katawan sa sofa ngunit gano’n na lang ang aking naramdamang pagkahilo.

F*ck!

Madiin kong kinusuot ang mata dahil sa hilo. Bukod do’n ay ang sakit din ng katawan ko. Bumungad sa akin ang madilim na paligid at ang amoy ng sigarilyo sa paligid. Doon na ako natauhan ng matino.

“How's the feeling of being a comfort woman of the one and only Sid Velasquez of Alfonso?”

Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan at nabaling ang tingin sa aking tagiliran. Tumambad sa akin ang matipunong katawan ni Luxx at may pangat-pangat na sigarilyo sa bibig habang nasa tabi ang isang baso ng rum na may yelo.

Bigla na naman akong kinabahan. He was sitting with his muscular big legs and looking lifelessly at me.

Sid na Sid, pero sa nakakatakot na paraan. Kinurot ko ang aking kamay para magkaroon ng lakas. I don't want to look like a poor puppy in front of him. Saka, unang-unang sa lahat dinukot n'ya ako! Kailangan ay s’ya ang matakot sa akin at hindi ako.

“Excuse me? I'm no one's property.”

Taas noo akong sumagot at iniayos ang upo. Bahagya s’yang napapikit at pinudpod ang dulo ng sigarilyo sa ashtray at saka nilagok ang sa alak sa baso.

“I don't like your behavior.”

Napalunok ako pagkatapos n’yang bitawan ‘yon. Bakit ba ako tense na tense sa lalaking ‘to? Ayaw kong kapitan ng kaba, so I took a deep breath.
“And who said I like your attitude too? Who is the sane man who would abduct a defenseless woman in the middle of the forest at dalhin sa impyernong ‘to? "

Pinipigilan ko ang sariling sunggaban s’ya. Maingay n’yang binitawan ang baso sa side glass table na umalingawngaw sa buong bahay na nagbigay na naman sa akin ng gitla.

Hindi gaanong malaki ang bahay na ito at kaunti rin ang gamit. May isang malaking rectangular table at upuan lamang, maliit na kusina at isang set of sofas at TV.

“Women like you literally annoyed my ass.”

Bulong lang 'yon, pero halos maihi na ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Pilit kong tinatagan ang sarili at nakipaglaban ng titigan sa kan’ya.

Umayos s'ya ng upo at ipinuwesto ang kanyang dalawang siko sa kan’yang tuhod at tiningnan ako ng pirmi na tila hinuhusgahan ang buong pagkatao ko.

“I don't like talking to someone who doesn't give a shit about me. I like someone who wants to be my dog."

Nagpanting ang tenga ko. Ano’ng sabi n’ya?

Seductively and sexy, he stuck out his tongue and played his lips. What the hell…

“I want to be frank; someone like you who's on the side of that asshole Sid makes me want to kill you."

Napakamao ako at napapitlag.

“... But you're my only angel now. You're my only hope not to destroy what I have started for the past few years.”

Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Nahihibang na s'ya!

“Work with me until I get Bea in the hands of that asshole."

Nasisiguro kong ang babaeng sugatan na natagpuan namin sa kalsada ang tinutukoy n'ya.

“Wala akong pake sa gusto mong mangyari. Pakawalan mo ako dahil wala kang mapapala sa akin,” matigas kong tugon dahil ramdam ko na ang kilabot sa bawat salitang binibitawan n’ya.

“Kung gusto mong makuha ang Bea na sinasabi mo, kausapin mo si Sid. Alam n'ya kung na saan ang hinahanap mo.”

Dahan-dahan s’yang lumapit sa aking kinauupuan at inilapit ang mukha sa akin. Mas napasuksok ako sa sofa at sinubukan s'yang itulak, pero sa laki n’yang ito ay para lang ‘yong pitik.

I’m done…

“You don't get it, Lady Quinn."

Doon gumuhit ang gulat sa akin. Paano n'ya nalaman ang pangalan ko?

“You're already in my hands, so you are now my dog, and my dog works for my will.”

Doon ko na s'ya tinulak ng malakas, pero hinawakan n'ya lang ang kamay ko at pinigilang tumayo.

“Hindi ako tanga para sundin ka! Bitawan mo ako, Luxx! Malalagot ka kay Sid sa oras na malaman n’ya ‘to!" Nagpupumiglas ako dahil sa takot. Nag-uumapaw ang kademonyohan n’ya.

“Anong magagawa ng Sid na ‘yon sa akin? He never beat me, ever! "

Napapikit ako sa sigaw n'ya. Mas tumalas ang tingin n'ya sa akin at mas humigpit ang hawak sa aking kamay.

“He started this bullshit game, and I am not a coward not to beat his ass and make him cry until I win his game again."

Tinulak ko muli s'ya, at doon ako nagtagumpay na makawala sa bisig n'ya. “You're a psycho! You're the one who makes the situation worse! ”

“How sure are you, honey? "

Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

“The man you are rooting for is not the saint you were expecting. If I'm the psycho, then he is the monster of the story. Remember that."

Litong-lito na ako sa mga sinasabi n'ya at gusto ko ng sumabog sa inis. Kumaripas ako ng takbo sa entrance ng bahay ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang may sumalubong sa akin, ‘yong lalaking nangdukot sa akin at ang matandang tutulungan ko sana.

Maganda ang mga ngiti nila sa akin at may mga baril sa kanilang bewang na ikinatigil ko.

Where did they get that from?

“Again, work with me, and you will be safe, as will your stepmother, Pamela.”

May inilabas s'yang stolen picture sa kanyang bulsa at pinakita sa akin. That's my stepmom, but...

“... and I'll make sure I didn't hurt anyone in Hacienda de Venice, including your sweetheart caretaker, Sid."

Ramdam ko na ang pressure sa akin, pero ayokong pumayag sa gusto n'yang mangyari.

“Once I already have Bea, you will have your freedom, and we will treat each other as enemies."

Sumama ang tingin ko sa kanya. “Nakalimutan mo na atang kambal mo ang mapapahamak sa oras na hindi ako pumayag sa gusto mo,” maang na sagot ko.

“Who said I give a fuck with that asshole, huh? "

Doon na ako napamura. He can't be real!

“If only he's willing to surrender, Bea, I will not force my man to abduct you. He left me no choice, honey.”

Napasabunot ako sa stress. Sid, I need you!

“I will not do what you want! I'm not your dog! ”

“What I said is not a favor; it's a command.”

Ngumiti s'ya ng nakakaloko at kumuha ng isang baril sa kanyang likod at walang ingat na pinaglaruan iyon.

“Remember? You're now my dog, and my dog works for my will.”

“Stop this bullshit, Luxx! I want to go home! I want Sid."

Bigla n'yang ikinasa ang hawak na baril at walang ano-anong itinutok iyon sa akin.

“Don't you ever talk about his existence again, or else..."

Napaatras ako at nadagil ang isang vase na nakapatong sa isang table.

“... Hindi na kita ibabalik at aangkinin na kita habang buhay."








Tangled Tides Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon