Kabanata 6

0 0 0
                                    

Tulala akong naglalakad habang sinusundan sina Renz at Pablo. Na’ndito kami ngayon sa isang talipapa kung tawagin para mamili ng stocks sa HQ. I'm like a wilted vegetable because I'm not getting enough sleep. Sa daming nangyari sa akin ay parang nabinat na ang aking katawan. Iniisip ko pa rin kung tamang landas pa ba ang tinatahak ko.

Bigla ko namang binagalan ang lakad dahil nagtaka ako sa kung paano tumingin ang mga tao sa amin. Ang maingay na talipapa kanina, ngayon ay napuno ng katahimikan at pirming mga nakamasid sa katawang lupa naming naglalakad.

Gusto ko sanang kulbitin ‘yong dalawa pero kitang-kita ko kung paano sila katahimik at maangas na naglalakad sa gitna ng mga nagtitinda. Hindi na lang ako kumibo at humiwalay na ng deriksyon palayo sa kanila.

Nasa akin naman ang listahan na ibinigay ni Luxx kagabi para sa bibilhin ngayon at mga bagay na kakailanganin n’ya kaya magso-solo filght na ako.

Napunta ako sa isang kalakihang tinadahan na parang isang all-in supermarket na, mukhang na andito naman na lahat kaya pumasok ako sa loob. Sumalubong sa akin ang isang matandang babae at masayang tinapunan ako ng tingin.

“Hay salamat naman sa mahabaging Panginoon at meron na akong customer!” I smiled at what she said.

Magalak n’ya akong inalalayan at s’ya na mismo ang kumuha ng listahan sa akin kamay.

She looked at it carefully and turned her gaze back to me.

“Bagong miyembro ng Inferno?”

Napatabingi ang aking ulo sa lito. “Inferno?”

Lumaki ang ngiti nito at inakbayan ako at pinaupo sa kanyang rocking chair. “Madalang mang-recruit si Luxx ng babae sa grupo.” Lumiit ang tingin n’ya na may halong pangdududa. “Dahil kadalasan ay sakit daw sa ulo.”

“Nobya ka siguro ng apo ko, ‘no?” Bigla naman akong napatayo.

“Nagkakamali po kayo, never po akong papatol sa tulad n’ya.” Napatawa naman ang matandang babae.

“Anong position mo? Trabaho?”

Alam ko na ang pinupunto n’ya at mukhang marami s’yang alam na puwede kong gamitin para magkaro’n ng ideya sa grupo ni Luxx at kung ano nga ba tinatago n’ya.

Dahil hindi naman ako tanga para hindi mapansin na may ilegal s’yang ginagawa. Hindi s’ya ganoong maghahabol kay Bea kung walang alam ang babae sa kanya at isa pa, ‘yong mga baril na hawak nila? Paano nila nakuha ‘yon at saan nila ginagamit.

“Cook,” deritsa kong saad.

Napapalakpak naman ang kaharap ko. “Tunay? Sa wakas! Sa totoo lang naaawa na ako sa apong kong si Renzo at sa gurang na Pablito.”

Umalis ito at nagsimula nang ihanda ang mga nakalista sa papel na isinulat mismo ni Luxx. Do’n ata n’ya nahalata na nasa puder ako ni Luxx.

“Hindi naman sa pag-aano ay napakaguwapong bata ni Luxx pero kinulang sa talento magluto. Lagi namang nagvo-volunteer magluto.”

Napatango-tango ako at naglibut-libot sa tindahan n’ya. Pansin kong medyo magabok na ang ilang mga tinda n’ya, halatang minsan lang s’ya mabilhan.

“Pero napakabait ng batang ‘yan kahit takot ang halos buong mamamayan ng Alfonso at karatig na lugar ay napakabuti n’yan sa akin”

Napataas ako ng kilay, may gano’n s’yang side? Tsh.

Kinuha nito ang kan’yang salamin at nagkwenta. “May pagkapilyo at mahilig sa mga baril si Luxx. Libangan ata. Lalo na sa mga underground battle kamong tawagin.”

Mabilis ulit akong napatango. Medyo tsismosa si Lola, hindi na ako nahirapan pang kumuha ng impormasyon. “Pero alam n’yong nanakit s’ya ng babae?”

“Si Bea?”

Napalingon ako sa matanda habang mano-mano n’yang kinukwenta ang pinamili ko.

“Alam n’yo ang tungkol sa kanya? Hindi dapat ginawa ni Luxx ang bagay na ‘yon kay Bea, halos mamatay na sa sugat ‘yong babae.”

“May tampuhan ang dalawa na ‘yon at saka hindi mo pa kilalang lubos si Bea. Hindi mo pa alam kung bakit s’ya humantong sa gano’n.”

Halata namang na kay Luxx ang panig n’ya pero hindi ko rin naman maitatangi may punto s’ya.

“Wassup, Inang Rosa!”

Nangingibabaw na bati ni Renz na biglang sumulpot sa harapan ko.

Gulat na gulat naman ang matanda nang makita si Renz at Pablo. “Aba, aba, Renzo! Napadalaw ka, apo!”

‘Di magkamayaw ang matanda nang makita ang tipaklong na ‘to.

“Namiss n’yo ba ang pinaka-guwapito n’yong apo?”

Lihim akong napairap. Asar na asar talaga ako d’yan kay Renz kahit pilitin kong hindi na pansinin presensya s’ya, hindi ko talaga magawa.

“Hindi mo man lang ba ako kukumustahin, Rosa?” Napatingin ako kay Pablo no’ng ipitin nito ang kan’yang boses.

Napameywang naman si Inang Rosa. “Tantanan mo’ko Pablito, ilang araw mo akong hindi binisita.”

Napatawa naman ako dahil para silang mga teenager na nagtatampuhan. Daig na daig pa ako.

“Rosa?”

“Tse!”

Napailing ako at kinuha ang listahan sa desk ni Inang Rosa. Naglabas ako ng pera at ibinigay sa matanda na galing kay Luxx.

“Paano ba ‘yan, Inang? Aalis na kami? Kitakits ulit!”

Masayang nagpaalam kami sa matanda at mabilis ng bumalik sa van.

“Magkakadugo ba kayo ni Inang Rosa? Tunay na apo ba n’ya si Luxx at ikaw?” Hindi pa nakakapag-sealtbelt si Renz sa unahan ay binatuhan ko agad s’ya ng tanong.

Takang tumingin ito sa salamin papunta sa akin. “Saka bakit gano’n makatingin ang mga tao sa’nyo? Si Bea, anong ginawa n’yo sa kanya? Sindikato kayo ‘no?”

Napatawa si Pablo at sinimulan nang magmaneho. Napnasin ko naman ang isang teddy bear keychain na nakasabit sa sa susi ng van. Trip na trip ni Pablo ‘yon.

“Nacu-curios ka na sa amin, Carol.”

Napairap naman ako sa asar ni Renz. Gusto ko lang malaman ang lahat dahil hindi ako mapakali dahil hanggang ngayon ay tutol pa rin ako sa kasunduan namin ni Luxx. Iniisip ko rin ang puwedeng mangyari sa tao sa hacienda kapag kumilos ako ng hindi lubos na nakikilala ang Inferno.

“Hindi, wala sa amin ang magkakadugo pero may care kami sa isa’t-isa. Mabait at kaibigan namin si Inang Rosa at kalandian ni Pablo.”

Ngingiti-ngiti naman si Pablo habang nagmamaneho sa direksyong hindi ko alam.

“Isa pa, si Rosa ang nagpaanak kay Luxx kaya malapit loob n’ya sa irog ko,” sabat ni Pablo.

“Ang landi ng gurang na ‘to.” Pinanlisikan ni Pablo si Renz. Buti nga, tabil kasi ng bibig.

“Saka Carol, hindi ko kasalanan na napakaguwapo ko para matense ang tao do’n sa talipapa at napapatulala sila sa akin.”

Mabilis na dumapo ang kamao ko sa baba n’ya. “Napaka-feelingero mo,” wika ko. Wala akong nakuhang matinong sagot mula sa kanya kasi iwas na iwas sa tanong ko. Napadaing naman ito at gaganti sana nang may maaninag ako sa labas ng van.

“Sid!”



Tangled Tides Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon