Nanlaki ang mata ko at napaangat sa kinuupuan.
“Pablo, itigil mo.”
Napatingin sa akin si Pablo sa salamin.
He's with Julio while peacefully walking around the market. He's wearing his usual attire, with a cat patch on his chest. Halatang namimili rin para sa stocks ng hacienda.
I'll try to open the van door pero hindi pa rin itinitigil ni Pablo
“Pablo, I really need to talk to Sid para matapos na ‘to.”
Para s'yang bingi at mas binilisan pa ang takbo.
“I think you already forgot about our deal.”
Halos mabali ang leeg ko nang magsalita si Luxx sa likod at tahimik na nakaupo sa bandang dulo ng van. Hindi ko na s'ya napansin dahil okopado ang isip ko sa maraming tanong. Tss.
“There's no deal between us. You threatened me.”
Napataas ang isa nitong kilay. “Sit down properly and stop ruining my plan. This is not the right time to meet that shit.”
Napairap ako dahil nawala na sa paningin ko si Sid. That's my only chance pero nabigo ako.
“Bakit naman kasi nandito ka? Akala ko ba may errands kang pupuntahan?” sarkastiko kong tanong. Totoo ‘yon kaya hindi na kami nakapag-almusal dahil kinailangan n’yang umalis. Magluluto sana ako pero tumanggi naman ‘tong dalawa na sabayan ako.
Malay ko bang magkakakonekta pala mga bituka nila.
“What's the problem? It’s my van, sasakay ako rito hangga’t gusto ko.”
Napailing na lang ako at napabusangot. I can't admit that when he's using Tagalog words, he's literally making the word more sexy, and his thin and juicy lips are shining.
Parang ang sarap pakinggan ng tagalog ‘pag s’ya nagsalita.
Muli akong napairap, why do I need to romanticize him when he is the reason why I am in danger right now? F*ck!
Namuo ang katahimikan sa loob ng van at napagdesisyunan ko na munang sumandal sa bintana at pumikit.
Napamulat na lang ulit ako nang maramdamang may tumabi sa akin. Napalingon ako kay Luxx na seryosong pinagkrus ang malalaking braso at pirming tumabi sa akin.
“What?” takang tanong n’ya sa akin no’ng hindi ko putulin ang tingin sa kanya.
“The heck are you doin’?”
Kunot-noo rin s’yang humarap sa akin.
“Nakakaliyo sa likod.”
Sabay irap din sa akin. Napamaang naman ako. Liyuhin s'ya? Sa laki n'yang ‘yan?
Hindi na ako sumagot dahil anong palag ko at saka muli pumikit.
“Thinking about Sid?”
Awtomatiko akong napamulat. Bakit ang daldal n’ya ata.
Pinagkrus ko rin ang kamay ko at deristong tumingin sa daan. “Yes because I'm still on his side.”
Wala s'yang kibo pero kitang-kita ko kung paano napataas ang gilid ng kan'yang labi.
“Are you blind? You already saw him peacefully doing his thing without worrying or thinking about someone.”
Napalunok ako sa narinig.
“Are you sure that he's coming after you? You're almost two days missing but what is he doing? Mamalengke?”
Napaderisto ang tingin ko sa kanya. Mula rito ay walang takas sa akin ang hugis ng kan'yang panga na bumabagay sa kan’yang adams apple.
BINABASA MO ANG
Tangled Tides
RomanceTagalog Story by joveun In sun-kissed Alfonso, artist and a daughter of a well known businessman, Carol meets Sid, a gentle soul who mirrors the serene beach. But their romance hides a storm: Sid's twin, Luxx, a firebrand shrouded in secrets. Drawn...