Kabanata 10

3 1 0
                                    

Buti na lang dumating sina Pablo at Renz no’ng sobrang taas na ng tensyon kina Sid at Luxx. Hindi maitindihang nakaupo ako sa bandang una ng party katabi ang aking stepmom at Dad. Hindi ko tinatanggal ang tingin kay Sid na nasa kabilang table kasama si Kia, Julio at ilang mga kaibigan.

Sid looks devastated.

Napahawak ako sa sintido ko at minasahe ‘yon. Pati ako ay litong-lito na. Paano nagawa ni Luxx ‘to? At anong sinasabi ni Sid na meron kaming relasyon ni Luxx. No way!

“Are you okay, dear?”

Hindi ko pinansin ang sinabi ng aking stepmom. First of all, hindi pa rin nawawala ang galit na meron ako sa kanya. Second, may problema akong kailangang ayusin and last, I’m not okay.

I searched the whole surrounding para sana hanapin si Luxx pero wala s’ya. Umalis na ito simula nang medyo marami nang tao ang pumasok sa loob ng resort.

The whole event is filled with my stepmom relatives. Kami lang ni Dad ang magkadugo. The emcee is lively and I feel that he loves doing his work. Nasubo ako ng pagkain ng wala sa wisyo, the sounds system also doing his work perfectly pero walang makapagboost ng atensyon ko.

“Before we dance and have a drink I would like to say thank you for the presence of Miss Quinn Caroline, the daughter of our celebrant.” Nagpalakpakan ang mga tao at napatango naman ako. Hindi naman na kailangan ‘yon saka stepdaughter ako, hindi biological daughter.

“Miss Carol flew all the way from America just to be here with us” Ang laki ng ngiti ng emcee sa akin kaya naman pilit akong napangiti pabalik sa mga bisita.

“Also, she is the one who prepared this party for us! How lovely she is!”

Napatungo naman ako, anong pakana na naman ito ni Luxx.

“Thank you so much for this, anak.”

Napalingon ako kay Dad na masayang-masaya. I already forgot what I had promised. Ayoko s’yang madisappoint hanggat maari. Buti na lang at naisip ni Luxx ang gan’tong bagay.

Napatango ako pero nagulat na lang kami nang biglang nagflash sa big screen ang isang footage namin ni Luxx na nag-uusap sa bar station kanina.

“What?” naibulaslas ko.

Kitang-kita do’n kung papaano kami maglandian ni Luxx pati ang pamumula ng mukha ko ay hindi nakatakas.

“Dear, do you have a relationship with Sid?”

Hindi ako makakibo sa tanong ng stepmom ko. She doesn’t know that the guy in the screen is Luxx, not Sid.

“Who’s that guy, Pam?” tanong ni Dad.

“Well, his full name is Sid Amir Velasquez. He is smart and handsome guy who graduated Cum Laude in a famous university in Manila and now, a caretaker in Hacienda de Venice, Richard. Actually, he had a twin brother but I don’t want to talk about him right now,” seryosong saad ng stepmom ko.

“I like Sid for you, Carol,” dugtong n’ya.

Napatingin sa akin ng maigi si Dad pero bago pa man s’ya makapagsermon ay nagsalita na ang emcee.

“The one and only Sid Amir Velasquez is your daughter’s sweetheart, Madam Pam!”

Kulang na lang ay tumili ‘yong baklang emcee sa sinabi.

“He’s the pride of Alfonso and very well known for his charismatic face. It’s a great idea if Sid and Carol have a romantic relationship.”

Naghiyawan ang crowd na mas kinadagdag ng kaba ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tangled Tides Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon