Kabanata 8

0 0 0
                                        

Nilaro ko ang pinong puting buhangin sa aking paa at ninamnam ang preskong hangin. Wala masyadong guest kaya naman mas damang-damang ko ang dagat. Na’ndito kami sa isang cottage habang inihahanda na ni Renz ang aming tanghalian.

Maayos ko namang itinusok ang marinated na karne sa stick at inilagay sa tupperware. Bigla ko namang naaninag si Pablo na biglang lumusong sa dagat at pumunta sa slide.

“Gurang! Huwag ka ngang malikot, baba d’yan! Mabalian ka pa, sinasabi ko sa’yo!”
Hindi ko na napigil mapatawa nang pumalakat si Renz na abalang-abala sa pagpapalingas ng apoy para sa iihawin naming bbq mamaya.
Hindi inintindi ‘yon ni Pablo at nagpatuloy pa rin sa pagpapadulas sa slide.

“Anak ng teteng talaga! Parang sinapian ng grade two!” Hindi mapakali si Renz dahil alalang-alala sa kaibigang matanda.

“Mabingutan ka! Mayayari ako kay Inang Rosa!” Binitawan n’ya ang hawak na pamaypay at itinapon sa akin at pinuntahan sa dagat si Pablo. Tarantado talaga, e.

Tatayo na sana ako para maghugas ng kamay nang may naglagay ng isang bottled water sa harap ko.

“Continue what are you doing and use that bottle when you are done.”
Kinuha n’ya ang pamaypay sa akin at s’ya na naman ang nagpaypay.

He’s wearing a printed polo shirt habang ang dalawang butones sa taas ay malayang nakabukas and a fitted plain gray short. Simple yet so attractive. Dang! His whole body is screaming of hotness.
Napailing ako at tinuloy na ang pagtutusok sa karne. I’m not supposed to be sexually attractive to him, he’s an enemy.

Ipinatong ko sa tapat n’ya ang natapos kong bbq at naghugas na ng kamay gamit ‘yong dala n’ya. Naramdaman ko namang pabalik na sina Pablo at Renz.

“Boss, sawayin mo nga ‘to! Gutom na gutom na ako tapos may gan’to pang alagain. Parang ngangayon nakatala ng tubig dagat, e!”

Napatawa na naman ako sa sumbong ni Renz. Tatawa-tawa naman si Pablo.

“Sino bang nagsabing bantayan mo ako?”

Kinuha ni Renz ang pamaypay kay Luxx. “Sino kasing matanda nang nag-i-islide pa? Alam namang malutong na ang buto, pandaleng-pandale pa.”

Do’n ko lang nagets na overprotective s’ya. He cares about the safety of Pablo in a funny way. Renz has this kalog and nakakaasar na side but true to his intentions while Pablo seems so strict and quiet but he has this unpredictable attitude that no one can explain. Like being so random and childish. Maybe because of his age? I don’t know.

“Stop that. Pablo, change your clothes because we are having our lunch now, and Renz, just leave that."
Halos mamula na kakapaypay si Renz sa uling.

“Mamaya na Boss, nanggigigil ako rito e. Ayaw umapoy.”
I hear Luxx soft chuckle. “Basa ‘yong uling, hindi talaga aapoy ‘yan.”
Napahagalpak naman ako ng tawa. Napunta sa akin ang tingin ni Luxx.

There he is. The man in the dark. His personality is like a German shepherd dog. He is bossy, fierce, and cold, but I can feel that he has this good side. His voice is like a mint in my ear, and that gives me a refreshing feeling. He is not showy about his expression, and he always has this straight face, but it suits him well. With that French crop haircut, defined jaw, and thin, juicy lips, he looks like a prince looking for his soulmate.

“Alam kong pogi ako, Quinn.”

Pota—

Napaiwas ako ng tingin at nadapo ang atensyon kay Renz at Pablo na tatawa-tawa.

“Wala kang pinagkaiba do’n sa receptionist.”

Bigla ko namang nilapitan si Renz at binagyan ng kaltok. Pilit naman n’ya akong iniwasan.

Tangled Tides Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon