“Huh?”
‘Yon na lang ang aking nasabi matapos n'yang bitawan ang linyang iyon.
Nagkibit-balikat s'ya at ibinaba na ang baril. “I'm the jealous type of guy, especially of what Sid achieved that I don't have.”
“So, it's like a competition?” sarkastiko kong tanong.
“You can say that,” sagot nito sa mababang tono at tumalikod na sa akin.
“We share the same face but I've got more than what he had.”
Itinaas n'ya ang kanyang kaliwang kamay at isinarado iyon sa ere. Biglang lumapit naman sa akin ang dalawang ulupong na kanina pa ngiti nang ngiti.
“Boys, clean the mess and prepare the table for dinner.”
Mabilis s’yang nawala sa paningin ko. Napabuntong hininga ako at napahilamos sa aking mukha. Ano ba ‘tong pinasok ko? Bakit naiipit ako sa away nung magkambal.
Sumagi na naman sa akin ang mukha ni Luxx at mabilis akong napapadyak dahil sa inis.
“Aray!”
Napunta naman ang tingin ko sa nagsalita. Tumambad sa akin ang mukha no’ng nagtakip ng panyo sa bibig ko. Bigla ko s’yang binigwasan.
“Hoy! Shutak—“
Hindi ko s’ya tinigilan at binatukan lang s’ya. Halos mamatay ako sa takot dahil sa kanya. Saka sino s’ya para sigaw-sigawan ako sa gubat ha!
“Teka! Ano bang ginawa ko—“
Lalo kong nilutungan ang hampas sa kanya.
“Anong ginawa? Ha? Ganti ko ‘yan sa’yo! Napakademonyo mo! Paano mo nagawa ‘yon sa isang babae!”
Todo iwas ito at mabilis na pumunta sa matandang lalaki na nakangiting nakatingin sa akin.
“Isa ka pa!”
Bubulusok na sana ang konyat ko sa matanda pero pinigilan ko ang sarili at napapikit sa inis dahil hindi ko s’ya masaktan.
“Mabuti na lang may natitira pa akong respeto,” bulong ko at mas inasbagan ‘yong lalaking tatawa-tawa sa likod ng matanda.
“Pablo, Luxx’s butler.”
Wala akong ganang tumingin sa lalaking matanda nang magsalita s’ya.
“At ito naman si Renz, kaibigan ni Luxx.” Turo n’ya sa lalaking hihimas-himas sa batok n’ya na tantsa kong edad ay mga 22 yrs old pataas.
Muli akong napabuntong-hininga at tumango na lang. Hindi ko alam kung paano ko sila pakitutunguhan dahil galit ako sa kanila. Bigla ko namang napagtanto na hindi na rin naman ako naiiba sa kanila dahil magtatrabaho na rin ako para kay Luxx.
Ramdam kong natibok na ang ugat sa aking utak dahil sa stress.
“Ehem—“
Tinarakan ko ng mata ‘yong Renz at medyo lumayo na sa kanila.
“Sungit ah, ‘wag ka ngang gay’an! Kawork-mate na kita sapol ngayon, no.”
Hindi ko s’ya pinansin at inilibot ang tingin muli sa paligid. May mga ilang portrait ng aso ang paligid. Medyo maliliit na frame na halos hindi ko na rin makita ng ayos dahil sa kakaunting liwanag na meron dito.
“Tama si Renz, pamilya na dapat ang turingan natin sa isat-isa.”
Napailing ako sa sinabi ni Pablo, mga 60 yrs old siya.
“I just want to let you know that I am not willing to do this shit. Wala akong choice kung hindi sundin ang amo n’yo,” sagot ko na mas kinangiti lang no’ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Tangled Tides
RomanceTagalog Story by joveun In sun-kissed Alfonso, artist and a daughter of a well known businessman, Carol meets Sid, a gentle soul who mirrors the serene beach. But their romance hides a storm: Sid's twin, Luxx, a firebrand shrouded in secrets. Drawn...