Frequently Asked Questions (FAQs)

165 2 0
                                    

Hi! Since some of y'all are asking me through private message and hindi rin naman ako makapag-reply ro'n sa isang nag-comment dito, hindi ko alam ba't 'di ako makapag-comment. Lol! Dito ko na lang sagutin 'yong ibang questions, and if ever may iba pa kayong question, comment niyo lang dito tapos update ko na lang 'to at dito ko rin sasagutin.

Anyways, thank you for all the questions! 🥰

FAQs:

1. Magkakaroon po ba ng special chapter?

Answer: Gusto niyo ba? Hahahahahaha! Binabalak ko naman talaga 'tong lagyan ng SC, hindi ko pa lang alam kung kailan o kung dito ko i-p-post sa Wattpad kasi gusto ko 'tong magkaroon ng book version, so, if ever mabigyan ng chance na magkaroon 'to ng physical book, baka sa book version ko na lang ilagay 'yong SC nito. Although, matagal pa siguro mangyayari 'yon. Lol! Anyways, I might still post it here. Abangan niyo na lang. Hehez!

2. May balak po ba kayong i-selfpub ang RTS?

Answer: Hm, let's see. Bago pa lang naman 'to, so, hindi ko pa sure. Medyo mahirap kasi mag-selfpub e. Maraming need gawin lalo't may upcoming books pa 'ko na i-l-launch. May two stories kasi ako na magiging libro na soon kaya hindi ko pa masasagot 'yan sa ngayon. Hehe! Pero I might siguro kapag mas dumami pa reads nito, o baka hintayin ko na lang na may maka-discover na publishing company. Hahahahahaha! Medyo makapal mukha natin sa part na 'yon. Lol! Anyways, let's just go with the flow. Bago pa lang naman 'to at 'di pa rin naman gano'n karami ang reads nito, so, let's just see in the future. 😉

3. Namatay po ba talaga si Ali? Ano po nangyari sa kaniya after ng Epilogue? Hindi po ba talaga sila nagkatuluyan ni Geo?

Answer: Ang dami kong natanggap na ganitong questions. Hahahahahaha! Iba-iba lang ng phrase pero gano'n din meaning kaya pinagsama-sama ko na lang. The answer is no. I did not confirmed Ali's death. She just fell into a coma AGAIN. Lol! Yes, na-coma lang ulit siya. I actually wanted kill Ali's character here. It supposed to be a very sad ending, pero medyo naawa kasi ako sa dalawa kaya binago ko nang kaunti 'yong ending. Hahahahaha! MEDYO ginawa kong open ending wherein I'll let you all wonder what happened to Ali and Geo's love story after this. Kayo na bahala mag-isip kung nabuhay pa rin ba si Ali or not. I'll leave it to your imaginations. 😉

4. May sarili rin po bang story si Gin, kapatid ni Geo?

Answer: Of course, yes. Kaya nga may pa-kaunti akong hint dito sa magiging takbo ng sarili niyang story e, kasi may sarili talaga siyang story. Hindi ko pa lang alam kung kailan ko 'yon magagawa, but stay tune. Medyo kakaiba 'yon sa mga naisulat kong stories kaya excited ako ro'n.

5. May connections po ba sila Rose(character ng Strangers) at si Geo?

Answer: Okay, para sa mga hindi alam, Rose is one of my characters sa Strangers, one of my stories. Kung napansin niyo sa isang chapter nitong RTS, nando'n si Rose. 'Yong scene na nagkita at nag-usap sila ni Geo sa art exhibit ni Geo. That was Rose, pero wala silang connections or hindi talaga sila magkakilala. Hindi rin sila relatives, kung 'yon ang ibig niyong sabihin. The characters of Strangers and RTS, walang related sa kanilang lahat. Nag-e-exist lang sila sa iisang place. Ang only connections lang siguro nila Rose at Geo ay halos pareho sila ng pinagdaanan, 'yon lang. They just needed comfort from each other na may similar na pinagdaanan kaya nagkaroon ng cross-over. It was just a cross-over. And yes, may cross-over din si Geo sa story ni Rose. You can check it out if curious kayo, nasa timeline ko 'yong story. Completed na rin 'yon.

6. Related ba 'to or inspired sa A Silent Voice, A Sign Of Affection, at Twinkling Watermelon?

Answer: Okay, hindi ito itinatanong sa 'kin, but I just want to clarify this since may nakita akong comment sa isang page about this story and itong mga binaggit ko sa taas. The answer is NO. This is not inspired by any of those. This was written back in May 2020 and was completed in June 2020. Yes, one month ko lang 'to isinulat. Although, ang plot nito at title ay naiba na sa original plot at title nito dahil exclusive na ang story nito sa ibang app, and I decided na i-rebrand na lang para maibalik ko pa rin dito sa Wattpad. The new plot and title was written in 2021-2022, pero na-publish ito last year lang. That time, hindi ko pa napapanood ang A Silent Voice. I don't think release na rin that time ang anime na A Sign Of Affection at ang K-drama na Twinkling Watermelon. So, hindi po ito inspired sa mga 'yon, okay? Nagkatulad lang sa deaf ang girl, other than that, wala nang similarities. Isa pa, that time kasi ay gusto kong i-challenge ang sarili ko at naiisip ko na talagang magsulat ng deaf ang isa at ang isa ay hearing. Gusto ko kasing i-challenge kung kakayanin kong magsulat ng ganito. Kung makakaya kong mapa-feel sa readers na deaf ang bida kahit na nababasa naman nila ang lines nito. Also, I wanted this story to remind us na hindi ibig sabihin na may kapansanan ang isang tao ay ipaparamdam na rin natin sa kanila na may kulang sa kanila. I also wanted to create a story na iba sa mga ginagawa kong stories at iba sa karaniwan kong characters, so here you go, Reach The Stars. Ayon lang naman. Just wanted to clarify this. Hehe!

Okay, 'yon lang mga natanggap kong questions from y'all. If ever may iba pa kayong questions, comment niyo lang at i-u-update ko na lang ulit 'to, dito ko na lang din sasagutin. Okie?

Again, thank you for all the questions. Kinikilig ako kasi feeling ko talagang curious na curious kayo sa story na 'to. Thank you so much also for the love and support for this story. Grabe kayo, ang bilis tumaas ng reads nito. Pinapakilig niyo 'ko masyado. Hahahahaha!

If you want to check my other stories, check niyo lang timeline ko here. Just be reminded na ang ilan diyan ay isinulat ko pa noong jejemon pa 'ko at karamihan ay under editing or hindi ko pa na-e-edit kaya 'wag kayong magugulat kung jejemon pa at medyo marami pang errors. Lol! I'll edit it soon.

Btw, here are all my official socials. Add at follow niyo na lang ako if you want. Thank you.

 Thank you

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Reach The Stars (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon