Chapter 6 - Her Infuriating Prize

484 32 15
                                    

Napamulat bigla si El. Binigyan niya ito nang matalim na tingin. "It was a stupid dare, okay? The dare is to work up a man and leave him hanging. I should have known better than to engage in that stupidity. Sabi nga nila: Play stupid games, win stupid prizes. You were just a pawn in our stupid game back then. And now, it seems you're also the infuriating prize."

Tumawa si Ace. "I am an infuriating prize?" Umiling ito, bakas ang kaaliwan sa mga mata. "Nagiging habit mo na'ng i-deplete ang ego ko. But then again, okay lang sa 'king ituring na infuriating prize, basta't ikaw ang winner, baby."

Pinaglapat ni El ang mga labi. Imbes na patulan ang ipinahihiwatig nito ay mas nag-focus siya sa huling salitang sinabi nito. Pilit niyang pinaglabanan ang kilabot na nanulay sa katawan, na laging nangyayari tuwing tatawagin siya nito sa gano'ng endearment.

"You can call me Elamarie. El is reserved for my close friends. Ella is for my mother. Elamarie is for people I just met."

"We've met several years ago. I also have no desire to be just a close friend. Since I'm neither one of those two, I'll stick with calling you baby. You can call me Ace, but I'd rather hear you call me again Daddy."

El rotated her eyes to hide the real effect of his words on her sanity. "You'll have to wait for eternity to hear that from me again, Ace."  

"We'll see about that." Ace chuckled. "Of all the people in the bar, why me, baby?"

Instead of answering, El bit the inside of her lip. She can't possibly admit to him what she just admitted to her mother earlier. It'll surely boost his overly-bloated ego. 

She nearly jumped when Ace lightly touched her chin, the area where her mole is. "Don't stall, baby. Or I'll take that as an invitation for me to kiss you."

Tinaasan niya ito ng kilay. "My friends chose that dare. Who do you think would choose to whom I shall do it?"

Umiling si Ace. Bakas sa itsura na hindi naniniwala sa sinabi niya. Ilang sandali itong tumitig sa kanya saka nagkibit-balikat.

"Bakit nagkunwari kang hindi mo 'ko kilala? 'Wag mo nang subukang sabihin na hindi mo 'ko nakilala dahil hindi ka magpe-pretend na may kakambal kung hindi, baby."

"Kasama ko ang mga kaibigan ko noon. May pinag-uuspan kaming mahalagang bagay. Pinipigilan mo 'ko kaya sinabi ko 'yon para tantanan mo 'ko." 

"Sinabi mo na lang sana ang totoo." Umiling ito. "Madali naman akong kausap. Willing akong mag-antay hanggang sa matapos kayo. Mas madali 'yon, kesa sa pagtakas mo."

"Of course, tatakas ako. Ang kulit mo kaya. Malay ko ba kung psycho ka!"

Tumawa si Ace. "Mula sa ego ko, mentalidad ko naman ang kinuwestiyon mo." Umiling ito. "Sino si Ronnie?"

"Ronnie's my boy–"

"Stop with the lies, baby," putol ni Ace sa sasabihin niya. "Inobserbahan ko kayo noon. Sure, hindi maikakailang malapit kayo, pero sigurado akong platonic ang relasyon ninyo."

Nagbuga siya ng hangin sa bibig bago sumagot. "Asawa ng best friend ko."

Gumuhit ang nasisiyahang ngiti sa mga labi ni Ace. "Bakit ba mas pinipili mong magsinungaling kesa aminin sa 'kin ang totoo, Elamarie?"

Inirapan niya ito. Ngayon siya nagpasalamat na hindi nito sinunod ang suggestion niya kanina. Mas matindi pala ang epekto kapag buong pangalan niya ang itinawag nito sa kanya. "Malay ko nga kung psycho ka."

Tumango-tanong ito, may ngiti pa rin sa mga labi.  "That's fair. But I can assure you, hindi compromised ang katinuan ko. Hindi ako makakapasok sa military kung hindi ako emotionally, mentally, at physically fit, baby," he answered confidently. Walang kalakip na pagyayabang sa boses nito. "Pero sana'y naisip mo 'yan bago mo ginawa ang dare. Mabuti na lang matino ako. Paano kung natapat ka sa totoong psycho?"

MISSION 4: Pleasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon