Chapter 18 - Sober Heart

308 26 12
                                    

Umungol si El. Hindi pa man nagmumulat ng mata'y hinawakan na kaagad niya ang pumipintig na ulo—na sa wari niya'y lalong sumakit dahil sa walang humpay na tunog ng cellphone na pumupuno sa silid. Nauuhaw siya, pero sa sakit ng ulo, idagdag pa ang panlalambot na nararamdaman, imposibleng makabangon siya.

Kahit nahihirapa'y pinilit ni El na imulat ang mga mata. Gayon na lang ang pasasalamat niya nang tumigil sa pagtunog ang cellphone. Nang maiangat ang sarili sa kama ay sumandal siya sa headboard. Kahit nahihirapa'y inalis niya ang comforter, para lang matigilan nang makita ang ayos niya.

She's in her pajamas!

Dahil bukas ang pinto ng kwarto, rinig niya ang tunog na nagmumula sa kitchen—tunog ng naka-on na blender.

El doesn't remember changing her cloches! If her hazy memory serves her right, she laid in bed with her cellphone on her hand, listening to Ace's voice. El's head throbbed in time with the sudden nervousness. Kailangan niyang makita ang cellphone. Kailangan niyang kumpirmahin ang huling bahagi ng malabong alaala.

Nagpalipas siya ng ilang minuto bago muling kumilos. Nasulyapan niya ang hinahanap na cellphone sa ibabaw ng bedside table, pero ang katabing baso ng tubig ang una niyang inabot. Halos walang natirang tubig doon nang ibalik niya sa bedside table. Kahit hindi pa tuluyang nagmamaliw ang sakit ng ulo'y inabot niya ang cellphone.

Notification ng missed calls at unread messages ang bumungad sa kanya. Nang i-check niya ang pinakahuling missed call na gumising sa kanya ay mula kay Ace. Meron ding mula sa ina niya. Ang mga unread messages ay mula sa Mama niya, kay Mildred, at kay Ace. Bukod pa roon ang notification sa group chat nilang magkakaibigan.

Nang pindutin niya ang message mula sa mama niya ay lumabas ng preview niyon. Twelve fifteen nang madaling araw. Kinukumusta siya nito at ipinaalam na on the way na sa condo niya. Ang message preview naman ng SMS ni Ace kagabi ang kasunod niyang binasa.

'Let's continue tonight's telephone conversation when you're sober. I want you to look me in the eyes when I answer all your questions.'

Napapikit nang mariin si El. Lalong sumakit ang ulo niya. Sapat ang SMS ni Ace para makumpirma ang kinatatakutan niya. Imbes na basahin ang iba pang mga unread messages at chat ay muli niyang ibinalik sa bedside table ang cellphone. El groaned, wanting to kick herself. But then again, her hangover is more than enough punishment already.

Hindi ito ang unang beses na nagising si El na may hangover. At sa tuwing magigising siya'y sa banyo kaagad ang takbo niya. She needed to take a long, cold bath to help her feel a little better. Well, she really needed to feel better for her to think of a way how she can avoid Ace after that dreadful drunk call.

Kahit nanghihina pa rin ay bumangon siya sa kama. Sa kabila ng panlalambot pa rin ng mga binti'y nakarating siya nang matiwasay sa banyo. Kasabay nang pagbukas niya sa pintuan ng banyo ang pag-off ng blender. Nasa ilalim na siya ng shower nang may kumatok sa pinto.

"Kailangan mo ba ng tulong, anak?"

Pinatay niya ang shower bago sumagot, "I'm okay, Ma."

"Okay. Pagkatapos mong maligo'y sa kitchen ka na dumiretso."

"Okay, Ma," ani El bago muling pumalalim sa malamig na tubig mula sa shower.

She stayed under the chilling water cascade for several minutes more. The cold shower was enough to kick-start her groggy senses. Her headache did not fully disappear, but it was alleviated. Matapos maligo'y ibinalot niya ang sarili sa roba saka lumabas ng kwarto. Maayos na ang higaang basta na lang niya iniwan kanina. Maging ang baso ng tubig na ininuman niya kanina'y wala na rin sa bedside table. Kasalukuyan siyang nagbibihis ng tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Matapos magbihis ay kinuha niya iyon. Message mula kay Ace.

MISSION 4: Pleasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon