Chapter 19 - Dating

273 26 6
                                    

"Hindi ka pa rin ba tapos?"

"Malapit na, Ma," tugon ni El. Hindi niya inalis ang paningin sa screen ng laptop. Tapos na ang mga Purchase Order para sa mga supplies at iba pang pantry stock para sa Nuvali branch ng Ella's. Ise-send na lang niya ang orders sa mga suppliers nila.

"Okay. Ako na muna ang mag-e-entertain sa bisita mo."

Doon biglang nag-angat ng mukha si El. Inaasahan niyang isa sa mga araw na ito'y magkakabisita siya, pero nasisiguro niyang hindi ito pupunta sa restaurant. At lalo namang hindi nito ipapabatid sa ina niya ang tungkol sa pagbisita nito sa kanya.

Mula nang gabing ihatid niya pabalik sa Ella's si Ace ay naging constant na ang communication nilang dalawa. Sa loob nang apat na buwan ay halos gabi-gabing magka-usap sila ng binata. They'd talked about anything and everything under the sun. Kahit ang mga activity nito sa kampo'y naibabahagi sa kanya.

She learned so much about his job. Kung akala niya'y puro magsuong lamang sa mga giyera ang ginagawa ng mga sundalo, nalama niya'y may nga dialogues, forums, trainings, at out-reach programs din palang ginagawa ang mga ito. Minsa'y pinadalhan siya ng litrato ni Ace habang kausap ang mga IP leaders, mga guro, pulis, maging ang mga barangay officials. Naantala rin ang uwi nito dahil kinailangan pang tapusin ang schooling sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Siya nama'y ibinabahagi rin sa binata ang progress ng construction sa Nuvali Branch ng Ella's, hanggang sa mag-open sila almost a month ago. Ang sabi ni Ace ay papasyal ito roon, pero binalaan niya ang binata. Binilinan niyang 'wag pupunta roon, lalo na't madalas na naroon din ang ina niya.

Hindi niya gustong i-broadcast sa iba ang kung ano mang namanagitan sa kanila. 

Maraming taong nakakaalam, maraming taong makikialam. 

Iyon mismo ang ayaw ni El. Hindi sa panahong kinikilala pa nila ang isa't isa.

Ace relented. Irerespeto raw nito kung ano ang gusto niya. Ang mahalaga lang daw dito ay ang makasama siya.

"Sino po?"

"Si Seb," nanunudyong sagot ng ina niya. "Hanga rin naman talaga ako sa tiyaga ng binatang iyon. Mula ng kunin natin silang contractor para sa branch na 'to, hanggang ngayong fully operational na tayo, hindi pa rin sumusuko sa panunuyo sa 'yo."

Ibinalik ni El ang paningin sa laptop. "Hindi ko na alam kong paano pa sasabihin ka'y Seb na wala sa plano kong—"

"Hindi na applicable sa kanya 'yong madalas mong sabihing hindi mo gagawing komplikado ang relasyon mo sa mga supplier natin, anak. Hindi na natin sila contractor ngayon. Regular na manliligaw mo na lang si Seb."

"You'll never know, Ma, baka sa mga susunod na mga buwan, kunin ulit natin ang serbisyo nila. Kita mo naman, hanggang ngayon, hindi nawawala ang mga inquiries sa 'tin about franchising."

"Kabubukas lang natin ng latest branch, anak. Saka na natin pag-isipan ang bagay na 'yon. For now, ang gusto ko'y magpahinga ka muna. Lumabas. Socialize. You needed that. Kahit sina Trish at Mildred ay kinukumusta ka kapag nagagawi sa Legaspi branch. Hindi ka na raw nila halos makausap nitong mga nakaraang buwan."

Hindi maiwasang makaramdam ng guilt ni El. Huli niyang nakasama ang mga kaibigan noong opening ng Ella's Nuvali Branch. Naging double celebration na nga rin 'yon dahil ipinaalam ni Mildred sa kanila na dalawang buwan na itong buntis noon. Pagkatapos niyo'y nawalan na naman siya ng oras na makipagkita sa mga ito. Madalang na rin siyang maging active sa group chat nila dahil madalas, ang focus niya'y nasa usapan nila si Ace. 

"S'abi sa 'kin ni Trish na may ini-schedule silang out-of-town trip sa isang linggo, pero tumanggi kang sumama. Kung ang inaalala mo'y ang operation nitong bagong branch, 'wag mong isipin 'yon, anak. Ako na'ng bahala roon. Go and take a break. Baka magkasakit ka na dahil sa pagiging workaholic mo."

MISSION 4: Pleasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon