“You did what, Ma?” gulat na bulalas ni El. Alam niyang tama ang narinig niya, pero gusto pa rin niyang makasiguradong iyon nga ang sinabi ng ina.
“Sabi ko’y kesa lumabas pa kayo’y sa bahay na lang kayo mag-dinner,” nakangiting ulit ni Joyce sa sinabi kanina. Nagkibit-balikat ito. “Oo nga’t kilala ko ang mother niya, marami na rin akong narinig na magagandang bagay tungkol kay Ace, pero iba pa rin ‘yong personal kong makita at maobserbahan ang lalaking nanunuyo sa ‘yo, Ella. Gusto kong makilala pa nang lubos ang manliligaw mo, anak. At saka iba pa rin ‘yong sa bahay ka niya bibisitahin. Sabihin mo nang old-fashion ako, hindi ako magrereklamo kasi totoo naman ‘yon.”
Napapikit si El, pabagsak na sumandal sa swivel chair. Ngayon siya biglang nagsisi na hindi niya ikinuwento ang lahat sa ina.
Nang gabing sunduin niya ang ina pagkatapos nitong um-attend sa grand alumni ay hindi siya nito tinantanan hangga’t hindi niya ikinukuwento ang lahat pagkatapos nilang magkasunod na umalis ni Ace. Sinabi niyang nagkausap na sila, ipinaliwanag niyang part ng dare ang ginawa niya noon at humingi na rin siya ng dispensa. Kung may in-omit man siya sa kwento sa ina ay ang tungkol sa naging usapan nila si Ace na magda-date sila bilang kabayaran sa ‘utang’ niya rito. Ayaw niyang ipaalam sa ina ang tungkol doon dahil tiyak na bibigyan nito ng kahulugan, hindi siya titigilan nito nang katatanong pagkatapos ng date nila.
“Hindi niya ako nililigawan, Ma! Meron lang kaming unfinished business. ‘Di ba nga, umalis ako sa bar na hindi nabayaran ang mga in-order kong Cosmo? Utang ko raw ‘yon sa kanya. Narito siya kasi magbabayad ako.” Gumawa siya ng air quotation nang sabihin ang salitang ‘magbabayad’.
“Ang inihingi ng permiso sa ‘kin ni Ace ay ang date ninyo, Ella. Wala siyang sinabing may sisingilin siyang pera sa ‘yo,” kontra ng ina niya.
“Magbabayad sana ako ng cash, pero ayaw niya. Napagkasunduan naming babayaran ko siya by paying for our meal. Hindi siya nanliligaw, Ma! Saan ka naman nakakita ng lalaking nanliligaw pero babae ang magbabayad?”
Ngumiti ang ina niya. “Hindi pa gano’n malalim ang pagkakakilala ko sa binatang ‘yon, pero nakasisiguro akong hindi papayag si Ace na ikaw ang magbayad, Ella.”
“It’s nothing but the fulfillment of a monetary obligation, Ma. This doesn’t even fall into my casual date category.”
“Ang casual date na sinasabi mo’y ‘yong dalawang date sa iisang lalaki lang, tama?” Nang tumango si El ay ngumiti ang ina niya. “Kung gano’y hindi ko rin iko-consider na casual date lang ang paglabas ninyo ni Ace. It’s more than that.”
“Ma! How many times do I need to tell you that–”
Her mother shushed her with her hand. “Alam mo bang ang totoong na-appreciate ko kay Ace ay iyong pangako niya na tuwing lalabas kayo’y sisiguraduhin niyang maayos kang makakauwi sa bahay? Batay sa ipinangako niyang bilang nang paghahatid niya sa ‘yo’y lampas ‘yon sa bilang ng casual dates na sinasabi mo.”
El groaned. “Please, Ma. Kakain lang kami sa labas kasi may utang akong kailangang bayaran sa kanya. ‘Yon lang ‘yon. ‘Wag mong lagyan ng malisya.”
“Ngayon lang din ako nakakita ng maniningil ng utang na may dalang chocolates at bouquet ng roses. Humingi pa nga ng pasensiya sa ‘kin. Hindi raw niya inasahan na narito ako. Hindi raw siya nakabili ng bulaklak para sa ‘kin.” Bakas pa rin ang panunudyo sa boses ni Joyce, halatang hindi naniniwala sa paliwanag niya. “Hindi lang siya sa ‘yo nanunuyo, pati na rin sa ‘kin. Kung hindi panliligaw ‘yon, hindi ko na alam, Elamarie.”
Muling umungol si El. Imbes na magpaliwanag pa’y itinikom na lang ni El ang bibig. Kapag tinawag na siya ng ina sa buong pangalan ay nangangahulugang buo na ang opinyon o pasya nito. Inayos na lang niya ang mga gamit sa mesa.
BINABASA MO ANG
MISSION 4: Pleasing You
RomanceThe last thing Elamarie Calma wanted was a controlling freak of a boyfriend. She's a strong, independent, career-oriented woman. She's used to giving orders, not taking them. Captain Ace Ismael would disappear in no time at all if a girl demanded co...