"Good morning!"
Umungol si El. Imbes na bumangon ay nagtaklob pa siya ng kumot nang masinagan ng araw ang mukha. Sleep is beckoning her. Pagod ang katawan niya, pero ang mga sinabi ni Ace kahapon ay sapat para maging aktibo ang isip niya. Alas tres na nang madaling araw ay gising na gising pa siya. Hindi alam ni El kung anong oras nang tuluyang gapiin ng pagod ang diwa niya.
"Himala. Ang morning person na anak ko, inabot nang pasado alas otso sa kama."
Alas otso na? Dumapa si El, isinubsob ang ulo sa unan. Hindi sigurado si El kung ilang oras ang naging tulog niya. Pero isa ang sigurado, sa bigat ng ulo niya'y tiyak na hindi sapat ang naging pahinga niya.
Lumundo ang kanang bahagi ng kama, kasunod ang pag-angat ng kumot sa katawan niya. "How's your date with Ace, Ella?"
Mariing ipinikit ni El ang mga mata. Ang binata ang huling laman ng gunita niya, at ang binata rin ang bungad ngayong paggising niya.
"Saan kayo nagpunta at anong oras ka niya ihinatid, Ella?" dagdag na tanong nito nang manatili siyang walang kibo.
El's groan of protest was muffled by her pillows. Pahinamad siyang bumangon. Sumandal siya sa headboard.
"What are you doing here this early, Ma?" balik-tanong na tugon ni El. "After lunch pa ang meet-up natin sa mall, 'di ba?"
Noong gabing natulog siya sa bahay nila'y napagkasunduan nilang mamili ngayon ng karagdagang gamit para sa condo. Meron namang mga appliances at furniture doon nang lumipat siya, pero limited pa ang ibang gamit tulad ng linens, curtains, at pillowcases. Bibili rin siya ng carpet para sa receiving area at sa kwarto niya.
"Gusto ko lang siguraduhin na narito ka. Baka kung saan ka na kasi dinala ni Ace," nanunudyong sagot ng ina niya.
"Ma!" Padabog na bumangon si El. Ang ina naman niya ay inabot ang comforter, sinimulang itiklop. Dumiretso si El sa en suite bathroom. Matapos ma-relieve ang sarili at i-plush ang toilet, sa sink naman siya pumunta. Kinuha niya ang toothbrush. Nilalagyan na niya iyon ng toothpaste nang maulinigam niyang nagsalita ang ina niya.
Binuksan niya ang pinto para marinig nang maayos ang sinabi nito. "Ano 'yon, Ma?"
Batay sa kaluskos mula sa kwarto ay ipinapagpag nito ang mga unan. For sure na fluffy na naman ang mga unan niya bago iyon tigilan ng ina.
"Sabi ko, base sa estado ng kama mo'y masasabi kong ikaw lang ang nagpalipas ng gabi rito."
Napamaang si El. Nang makabawi ay nagsalita siya sa may kalakasang tinig para marinig ng ina na nasa kwarto pa rin niya. "What exactly do you mean by that, Mama?"
Sumandal sa hamba ng pintuan ng banyo ang ina niya. May ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kanya. "You know exactly what I mean, Elamarie."
Kaagad na inalis ni El ang toothbrush sa bibig. Nag-gargle siya saka binalingan ang ina. "Mama! What made you think I would jump to bed with him? I barely knew the guy!"
"Aba'y ikaw mismo, anak. You barely knew him back then, pero hinalikan mo siya noong una mo siyang nakita. What more ngayon na alam mo na ang background niya?" anito sa tinig na puno ng panunudyo.
El let out a disgruntled sound. "That was just a stupid dare, mother."
It's a stupid dare she's paying for dearly right now. That stupid dare is disrupting her good night's sleep. In fact, she's certain that with a few more days of his constant presence would definitely cost her not just her peace but also her sanity.
"A dare you didn't consider stupid back then. You admitted that you found him attractive years ago. Kaya nga hinalikan mo siya noon, 'di ba? At pupusta akong sa paglipas ng mga taon ay lalong naging gwapo si Ace."
BINABASA MO ANG
MISSION 4: Pleasing You
RomansThe last thing Elamarie Calma wanted was a controlling freak of a boyfriend. She's a strong, independent, career-oriented woman. She's used to giving orders, not taking them. Captain Ace Ismael would disappear in no time at all if a girl demanded co...