Kabanata 10

17 2 0
                                    

Kabanata 10

Natapos ang sayaw na halos tila ba inabot ng ilang oras para kay Chontelle kahit na halos wala pa iyong limang minuto. Init na init siya to the point na nasa 15 degrees na ang aircon sa opisina kung nasaan sila.

"Tangina naman! Bakit mo nilaksan Elle? Ang lamig kaya! Konting konsiderasyon naman, nakahubad kami!" biglang reklamo ni Nick na ngayon ay kumakain habang masama ang tingin sa kaniya.

"E, kung hindi ka ba naman tanga 'di sana nagbihis ka na!" Naiinis na talaga siya sa inaasal ng kaibigan, halata ritong inaasar siya nito. Kanina pa ang panay dikit nito sa kaniya matapos ang sayaw. Hindi na siya natutuwa. Lalong hindi na rin siya natutuwa sa reaction niya patungkol dito.

Damn it! I'm already wet down there.

Nagulat si Chontelle nang bigla nitong inilapit ang labi sa tenga niya at doon bumulong.

"Kunin mo damit ko Elle, please..."

Tila tumigil ang paghinga niya dahil doon. Nakuyom niya ang kaniyang mga kamay at bahagya pang napapalunok.

Damn it! Kailan pa naging ganito kalala ang epekto ng lalaking ito sa akin? Tangina naman Chontelle. Seryoso ka ba? Kay Nick Dale talaga?

Napabuntong-hininga na lang siya kaysa umangal na alam niyang mas hahaba pa ang usapan nila sa ganoong posisyon kung hindi niya gagawin iyon. Kaya naman mas pinili nalang niyang gawin ang gusto nito at kinuha ang damit at pans ng damuhong na nakasampay sa may entablado.

Pabato niya itong ibinigay dito tumama tuloy iyon sa mukha ni Nick. Pinagsawalang bahala na lang ni Chontelle iyon at nagtungo na sa mga kaibigan bago nakisali muli.

Napakahabang gabi iyon na napuno ng kalokohan at kasiyahan. Tawa lang siya ng tawa mawala lang ang mga iniisip at alalahanin. Nilunod niya ang sarili sa alak at nagpakasaya.

"Chontelle ano na? Lasing ka na yata." anang ng kaibigang si Aestellah nasa kalagitnaan sila ng paglalaro ng truth or dare. Tatlo lang sila dahil kill joy ang mga kasama nilang lalaki, wala na rin naman si Seline at Christian kaya naman sila-sila na lang.

Nauwi sa kalokohan ang laro, mabuti nalang at tatlo lang sila subalit halos mapapikit siya nang maramdaman ang sakit ng ulo.

Puta! May tama na yata ako.

"Saglit, shit! Nasusuka ako." Wala nang paalam na nagtatakbo na siya patungo sa comfort room. Parang hinahalukay ng kung ano ang tyan niya.

Peste masama nga ang tama ko.

Halos nagpagewang gewang sya palabas ng cr dahil doon. Iba talaga ang tama ng alak sa kanya ngayon.

Tangina talaga!

Nang makabalik agad na dumako ang paningin niya sa direksyon ng lalaking dahilan ng paglalasing niya ngayong gabi. Nakatalikod ito sa direksyon niya habang naroon ang mga kaibigan nito.

Wala sa sariling agad niya itong nilapitan. Alam niyang nasa kalagitnaan ito ng pag-inom subalit makulit siya agad niya itong hinampas.

Hmp! Buti nga sa'yo bad ka kasi!

Gusto niyang matawa nang magsimula na itong maguubo.

"Oh! Anong nangyari sa'yo?" inosenteng saad niya dito . Kahit ang totoo ay gusto na niyang mamatay kakapigil sa tawa.

That was epic!

"Tangina naman! Umiinom 'yong tao! Makahampas ka, grabe!" Bakas ang inis sa mukha nito. Natatawa na talaga siya.

Fuck! Chontelle pigilan mo lang.

"Sus! Hindi naman malakas 'yon! OA." pagtataray nIya dito habang bahagya pang inilalapit-lapit ang mukha dito. Subalit mukhang maling ideya ang ginawa niyang iyon. Natigilan siya nang mapansin kung gaano kalapit ang mukha nila sa isa't-isa. Napansin niyang mukhang hindi lang siya ang natigilan.

Snowflakes Scattered by Wind (Kalopsia Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon