Kabanata 4

898 35 109
                                    

Kabanata 4

Naliliyong nagmulat ng mata si Chontelle mula sa pagkakatulog ng mahimbing. Parang umiikot ang paningin niya at tila sasabog iyon kapag gumalaw siya ng mali. Hindi niya alam kung babaluktot na lang ba o mananatiling nakapikit mawala lang ang sakit niyon. Pero mas pinili ng dalaga ang magmulat ng mata. Walang mangyayari kung mananatili siyang nakapikit.

What's happen? Seriously.

"Ano? Gising ka na?" She blinked three times before she even recognized the woman in front of her bed. Standing there while crossing arms, looking at her like she lost her head.

"Aestellah mukha kang tanga d'yan, alis," mahinang utos niya dito bago muling pumikit.

Pagak na napatawa naman ang kaibigan. Puno ng kasarkastikuhan at kaplastikan. Nagulat na lang si Chontelle nang maramdamang sinisipa na siya nito. Inis na nagmulat siya at naupo sa ibabaw ng kama.

"What's wrong with you?" iritadong hiyaw niya.

Kainis! Masakit na nga ulo ko gaganituhin pa.

"May I remind you Ms. Morales na nandito ka sa pamamahay ko! From Viathan, De Luna Club to Manila, Queens Hotel? Are you nuts? Nag-drive ka ng lasing!" Halos manlaki ang butas ng ilong nito sa kaniya habang pinagsasabihan siya. Pero imbis na makinig ay nadi-distract siya sa pagmumukha nito kaya naman binato niya ito ng unan sa mukha.

"Ang pangit mo, alis!" pagtataboy niya dito. Nangunot ang noo ni Aestellah na parang nanggigigil na sa kaniya.

Hala, sige mainis ka!

"This is my house you—fuck! Isusumbong kita kay Val, bwiset!" Mukhang nasagad niya ito kaya naman tinalikuran na siya ng kaibigan. Natatawa na lang siyang tumayo at nagtungo sa banyo.

Aestellah Bakirtzis Fernia her doctor friend lives in a fucking penthouse they called Sky House. Nakatayo ito sa pinakataas ng Queens Hotel na kilalang hotel sa buong bansa. Magisa lang ito, kaya naman bilang mabait na kaibigan ay sinasamahan ni Chontelle ito tuwing trip niya.

Sobrang lawak at prestige nito. There's a garden at the top, a pool, jacuzzi, huge library as her office, entertainment room, firing area, at iba't-iba pa. Her friend was so fond with her house to put such thing in kahit magisa lang naman ito sa buhay.

May mga gamit na rin si Chontelle sa guest room ng Sky House. Isang bagay na hindi naman tinutulan ng kaibigan niya kaysa naman daw panay ang hiram sa kaniya, hindi naman sila magkasukat.

Nahihilo pa man ay nakuha ni Chontelle na bumaba at mag-almusal. Napangiti na lang siya nang makitang may nakahain nang pagkain sa lamesa at advil para sa sakit ng ulo. Nasisigurado niyang si Aestellah ang nag-iwan niyon doon. Wala man na ang kaibigan ay nakuha niya itong pasalamatan bago iyon lantakan.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay nag-buzz ang phone niya. May tumatawag doon. Bahagya munang sinipsip ng dalaga ang daliri bago kinuha ang cellphone at sagutin ang tawag ng walang tingin-tingin.

"Yes?"

"It's Astrophile." Awtomatikong napaayos ng upo si Chontelle dahil dito.

Aestellah was known as Astrophile in Kalopsia Agency. An agency that she and her friends belong and they work there as their agents. Kalopsia know as a club that helps man any problems but the truth behind the curtain. Kalopsia was an ILEA or Illegal Law Enforcement Agency that base in Europe. Suportado iyon ng gobyerno ng Europa. Paano sila napasok? May ibat-iba silang dahilan.

Snowflakes Scattered by Wind (Kalopsia Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon