Kabanata 21
Saktong pagkasara niya ng kwarto ay ang pagpasok ni Daniella. Alam niyang didiretso ang kaibigan niya sa kwarto niya kaya naman hindi niya doon pinagtago si Nick. Mabilis siyang nagbihis at ipinailalim sa kama ang mga damit ni Nick na naiwan doon at mga condoms na nagamit nila. Kagat ang labing muling humiga sa kama at nagpanggap na natutulog.
Shit! Sana naman nagtago si Nick.
Hindi pwedeng malaman ng kaibigan niyang si Daniella ang about dito. Never niya pa namang sinabi dito na gusto niya si Nick. Tiyak na magugulat ito. Saka wala naman ding sila ni Nick. Hindi niya gugustuhing malaman ng kaibigang fuck buddy sila ng hinayupak. Napapikit siya dahil sa naisip.
Fuck buddy? What a word! Damn it!
"Yow Chontelle!"
Okay get ready for some acting self.
"Ay tulog? Gaga! Gising na, anong oras na? Hoy!" Naramdaman naman niya ang kamay ni Daniella na yumuyugyog sa kaniya. Kaya naman nagpanggap siyang nagising.
"Oh?" Bumangon siya matapos ay naghikab pa. "Tsk! Panira ka ng tulog alam mo iyon? Bakit ka nandito?" Kunwari ay iritado siya.
Hay! Susunugin sa impyerno ang kaluluwa ko sa pinaggagagawa ko.
Naupo si Daniella sa kama niya habang nangingiwi sa kanya. "Ang baho mo na, bumangon ka na dyan at maligo. My gosh!" Nangiwi siya sa sinabi nito at bahagya niya itong sinipa.
"Ayoko, layas inaantok pa ako." Kailangan niya na itong mapaalis. Kailangan na niya talaga.
"Nope! May sasabihin akong importante, but before that I will just cook for you." Tumayo na ito at lumabas ng kwarto doon na nanlaki ang mata niya.
Shit!
Papunta ito sa kusina.
Agad siyang tumayo at hinabol ito. Naka-daster lang siyang puti at walang suot na undergarment.
"Umalis ka na Daniella!" hiyaw niya.
"Napakadumi ng condo mo. Magisa ka lang ba talaga dito?" Natigilan siya sa tanong nitong iyon.
Shit no! Nahalata niya kaya? Naman!
"Of course magisa ako! Umalis ka na kasi!" Pero hindi ito nagpatinag, nagdiretso na ang kaibigan niya sa dinning area.
Patay na!
Pero nang makarating siya doon ay malinis na doon hindi na kagaya kung paano nila iniwan iyon kahapon ni Nick.
"Shut up Chontelle, magluluto muna ako. Now, go maligo ka muna." Wala na siyang nagawa nang makarating na si Daniella sa mini kitchen niya. Napaupo na lang siya sa upuan. Kinakabahan.
"Shit! Asan na kaya iyon?" pabulong na tanong niya habang inililibot ang paningin sa paligid ng dining area. Subalit laking gulat niya nang may humawak sa hita niya mula sa ilalim ng lamesa.
Doon na siya kinabahan at nabaling ang tingin kay Daniella na sinisimulan nang magluto. Nang masiguradong abala na ito ay binalingan na niya ng tingin si Nick na nasa ilalim ng lamesa. Mabuti na lang at umaabot ng sahig ang mantle niyon.
"Anong ginagawa mo d'yan?" mariing tanong niya. Ngumisi pa ito sa kaniya.
"Nagtatago, sabi mo kasi magtago ako." Napabuntong hininga na lang siya dahil doon.
"Siya sige, dyan ka muna. Behave please," muli ay mariin niyang turan. Bakas ang excitement sa mukha ni Nick na bahagya pang kinagat ang pangibabang labi bago ito tatango-tangong muling pumailalim sa lamesa. Hindi nga iyon kalakihan pero mukhang nagkasya naman ang binata.
BINABASA MO ANG
Snowflakes Scattered by Wind (Kalopsia Series #2)
RomanceCEO Nick Dale Palma On Going Everyone wonder why I love cold. They constantly asked why of all things cold place is where I can feel the happiness in the quiet serenity of weather. But little did they know all I want is someone who will ignite the s...