Kabanata 8

573 30 71
                                    

Kabanata 8

Pilit ni Chontelle na inaayos ang damit na suot. Naiirita siya sa qipao (traditional chinese dress) na suot at nangangati na rin. Halatang hindi siya natutuwa sa suot habang ang walang hiya niyang kaibigang si Aestellah ay panay ang tawa na naririnig niya pa mula sa suot na earpiece ngayon.

Aestellah was her stand by sniper for tonight case. Kung may mangyari man na hindi maganda ay ito ang bahala sa kaniya. Sa totoo lang, hindi naman niya ito pinapasama ng humingi siya ng tulong noong isang araw pero narito pa rin ang kaibigan niya't sumama pa rin sa kaniya.

"Stop it Aestellah, nakakainis ka na!" pabulong na reklamo niya nang tuluyang pumanting ang tenga. Subalit mas tumawa lang ang kaibigan.

"You look pffttt—"

Napairap na lang siya.

"Shut up!" Doon na ito natahimik.

Thanks God!

Huminga siya ng malalim bago inayos muli ang bandang dibdib na kulang na lang ay lumuwa.

"So now,  what's the plan?" Chontelle asked her sniper but as good it may sound, isa lang talaga ang plano ng kaibigan.

"Kill the target and don't be caught." Umasa pa siyang may matino itong plano. Last time ay ganon din ang plano nito. Wala na siyang aasahan pa kay Aestellah.

"That's all?" Napairap siya.

"Yeah!" tanging tugon nito.

Iimik pa sana siya kung hindi lang siya pinuna ng isang babae na tiyak niyang nag-ma-manage para sa auction na gaganapin mamaya. Agad na siyang tumalima bago pa mahalatang hindi naman talaga siya kasali. Nagmadaling isinuot niya ang maskara upang matabunan ang kalahati niyang mukha at masimulan na ang lahat.

Tahimik lang si Chontelle habang nagbibigay ng utos ang nasa edad 40's na ginang sa kanila. Sa paglalakad sa bulwagan, napakaraming kilalang tao siyang nakikita. Ang ilan ay nakita niya ang mga profiles sa mga wanted personalities. Mga kurap at mga isinusuka ng lipunan. Kung hindi niya lang alam na nasa Shanghai, China siya ay iisipin na niyang nasa impyerno siya.

"You!" Hindi na niya namalayan na siya na pala ang tinatawag ng ginang. "Why you there? Formation, faster!" Halos mapatalon ang dalaga sa naging sigaw nito. Narinig niya pa muli ang mahinang hagikhik ng kaibigan sa earpiece. Dahil doon ay napamaang na lang siya. Hindi naman niya ito pwedeng murahin, magtataka ang mga taong katabi niya.

Kapansin-pansin na iba't-ibang ang lahi ng mga magtatanghal. Ganon din ang pagiging balisa ng mga ito.

In the view of the fact that they weren't entertainers but a women who was abduct and sell to those rich man by the biggest women traffickers namely DOS.

Gustuhin man niyang tumulong at iligtas ang mga ito, the agency only command to take down one person. Hindi sila pwedeng magpadalos-dalos. They will soon taking care once the Universo allow them.

"Everyone listen, you dance and perform wisely. I tell you, if you make scene in front I wont think twice of shooting each one of you." Hirap man subalit nakuha pa ring mag-ingles ng Ginang. Sa ikalawang pagkakataon ay napairap na lamang siya.

May mga matanda talagang walang tinandaan.

Naramdaman ni Chontelle ang biglang pagkulbit sa kaniya ng isang babae agad naman siyang tumalima. Bumungad sa kaniya ang isang babaeng kagaya niya ay naka-qipao din at naka-maskara. Subalit bakas sa labi nito ang pamumutla.

"P-Pinoy ka?" Natigilan si Chontelle sa tanong na iyon. Subalit nakuha niya pa ring tumango. "P-Paano ka napunta dito?" muling tanong nito. Hindi niya alam ang sasabihin. Kung may isang bagay siyang hirap gawin iyon ay ang magsinungaling.

Snowflakes Scattered by Wind (Kalopsia Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon