Kabanata 12

518 22 26
                                    

Kabanata 11

Grand Ball
March 25 2021

"Dale may sasabihin ako sa'yo." Nahihiya man ay nilaksan ni Chontelle ang loob niya para doon. They were in the middle of dancing. It was their Prom Night. Wearing her black gown that glitters in that night she was beyond happy to be partner to her long time crush, Nick Dale Palma.

"At ano naman 'yang sasabihin mo, hon?" magiliw na pangaasar nito. Nagkunwari siyang naiinis sa tawag nito sa kaniya kahit ang totoo ay talagang kinikilig siya.

"Ano ba! 'Wag mo nga akong tawaging ganiyan nakakakilabot kaya." paghihimutok niya kunwari. Natawa ito sa kaniya at bahagya pang pinisil ang ilong niya.

"Ang pangit mo!"

"Ang pangit mo rin 'no!" natatawang saad niya. Natawa na lang din ito.

Sa ganda ng background music nila feeling tuloy niya ay magiging maayos ang lahat lalo at forevermore ang tugtog na pumapailanlang. Habang nagsasayaw ay magkatitigan lang sila sa isa't-isa. Nagngingitian at nagpapakiramdaman.

"Ano na? Ano iyong sasabihin mo?" Nagtataka na ang binata. Doon ay tila tinamaan ng hiya si Chontelle. Nahihiya siya pero kailangan niya itong paglabanan. Halos isang taon na rin niya itong sinasarili. Kailangan niya na itong mailabas, sasabihin niya ito. Kailangan niya itong sabihin.

Kaya ko 'to.

"I like you, Dale." Kasabay ng pagbabago ng tugtugin, nasabi niya na ang kailangan niyang sabihin. Mula sa pagiging sweet ng kanta ay naging party song ito.

Nakatitig lang sa kaniya si Nick at ganon din naman siya dito habang ang mga nasa paligid nila ay nagsasayawan na.

Sobrang kaba ang nararamdaman ni Chontelle sa mga oras na iyon. Tila lalabas ang kaniyang puso sa kaniyang dibdib, hindi niya ito mapangalanan. Para siyang mamamatay sa lakas ng kabog ng puso niya.

Hell! Hindi niya alam kung mas malakas ba ang tibok nito sa tugtog ng DJ.

Snowflakes Scattered by Wind (Kalopsia Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon