Kabanata 24

3 1 0
                                    

Kabanata 24

Nang araw ding iyon ay napagpasyahan ni Chontelle na hatakin si Nick papunta sa lugar na gusto niyang puntahan noon pa man at iyon at ang sumakay ng floating train the well known chiba monorail. Doon ay nilibot nilang dalawa ang buong Chiba at Tokyo.

"Oh my god! See that! Dale, picture-an mo ako dali! 'Yong 0.5 para kita yung background." Sabay abot niya ng phone sa binata.

"Ang dami namang alam tsk!" Sinamaan niya ito ng tingin.

"Ayusin mo, kapag hindi ko nagustuhan, ibabato ko sa'yo 'yan." Kaya naman dali-dali nang umayos si Nick nang pagkuha sa dalaga. Naroong kita ang ilalim ng train na talagang transparent at  nasisilip nila habang tumatakbo ito. Umanggulo pa si Nick para pumantay sa camera at posing ng dalaga.

"Patingin nga. Baka pangit 'yan." Ngumiwi si Nick bago inabot sa dalaga ang phone nito. Agad naman iyong hinablot ni Chontelle at tiningnan.

Pwede na.

Kumpara naman sa kaibigang si Aestellah na hindi yata maalam gumamit ng modernong camera.

"Ano? Maganda ano? Instagramable? Syempre ako pa!"

Maganda naman talaga iyon at talagang maihahanay niya sa mga larawang ipopost niya sa social media pero dahil tumatahol ang loko ay hindi siya aamin. "Hindi kagandahan pero pwede na din."

"Oi!"

Ngingisi-ngisi niya itong tinalikuran at gumamit nang back camera para kumuha ng selfie kasama ang binata na gusumot ang mukha.

Nang makuntento sa paglilibot ay nagtungo sila sa Tokyo at doon naman sinimulang ikutin ang Tokyo Night Market. At dahil pagabi na ay talagang maingay na ang paligid at bukas na ang lahat ng kainan at ilaw ng bawat kainan. Hindi nagsawang kumuha ng picture si Nick habang posing naman ang kinaabalahan ni Chontelle. Paminsan-minsan ay si Chontelle naman ang kumukuha ng stolen pictures sa binata ngunit malimit ay scripted na stolen pictures ni Chontelle.

"Oba-chan, koreha ikuradesu ka?" (Auntie, how much is this?) Pinagmasdan lang ni Chontelle ang binata habang nakashade pa din na nagtanong sa matanda kung magkano ang yaki dango. Hindi na muli napigilan ni Chontelle ang sarili na kuhanan ng larawan ang binata. Gaano man siya na-we-weird-an sa shades nito ay talagang iba ang dating ni Nick sa kaniya. Talagang nagmamayabang ang kagwapuhan sa harap at likod man ng shades na suot.

"Ā,-yaki dango? 1-Pon 300-en." (Oh, yaki dango? 300 yen per stick.) Hindi na niya napigilan ang sarili at nag-video na siya sa binata. Lumingon ito sa kaniya, mukhang hindi pa napapansin ang cellphone na naka-video sa kaniya.

"Gusto mo?" Tumango lang si Chontelle bilang sagot.

"Oba-san, 3ttsu kau yo." (Auntie, I'll buy three.) Nagsimula naman nang maglagak ang matandang babae ng yaki dango sa paper plate at ni-record niya iyon.

"Anong ginagawa mo?"

"Tumatambling."

"Nakakatawa 'yon?"

"Obvious naman kasi, nag-vi-video iyong tao tapos nagtatanong ka pa."

"Ang sarap mo ring kausap Elle, ano?"

"Mas masarap ako sa kama, Dale." Natigilan siya sa sariling sinabi at maging ang kaibigan ay ganon din. Hanggang sa namula na siya at nauwi sa ngisi ang pagkagulat ni Nick sa sinabi niya.

"I will not disagree."

"Kore ga yaki dangodesu! Tanoshimu!" (This is your yaki dango! Enjoy!) Saglit na naputol ang usapan nila dahil sa pagkain. Nakahinga naman si Chontelle doon. Bakit ba naman sa dami nang pwede niyang i-bring up ay ang pagiging masarap niya pa?

Snowflakes Scattered by Wind (Kalopsia Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon