Kabanata 14

517 18 32
                                    

Kabanata 14

College Days
June 20 2021

Dala ang bag at ang ilang libro ay patakbong dumaan si Chontelle sa pasilyo ng bago niyang unibersidad na papasukan ngayong college na siya. Late na kasi siyang nagising at unang araw pa ng pasukan ngayon. Masyado siyang nalibang sa pagpa-part time at hindi na niya namalayang sa fast food restaurant na pinagtatrabahuhan na niya siya nakatulog.

Chontelle have to work. Self support lang ang dalaga dahil hindi kakayanin ng ama niyang mag-isang paaralin siya ng kursong napili. She must take a move.

As to her mother, hindi naman niya alam kung nasaan na iyon. Tanging ang step mother niya lang ang kilala niya na walang ibang ginawa kung hindi ang sabihing huwag na siyang magaral at magtrabaho na lang.

Mahirap maging mahirap pero mas mahirap ang manatiling mahirap habang buhay.

Normal na mabuhay ka at ipanganak sa mundong ito ng mahirap pero ang mamatay ng walang ginawa at nanatiling mahirap ay kasalanan sa mata ng lipunan.

Tumunog na ang bell tanda na magsisimula na ang klase, kagaya niya ay nagtakbuhan na rin ang iba. Kaya naman mas binilisan niya pa. Sa magulo niyang buhok at hindi maayus na damit ay nagpatuloy siya sa pagtakbo subalit hindi sapat iyon. Nabubunggo siya ng mga nagsisitakbuhan ding estudyante mula sa ibat-ibang kurso.

Muntik-muntikan na siyang masubasob kung hindi lang dahil sa lalaking biglang umakbay sa kaniya at pwersadong inangat siya't inalalayan.

Woah muntik na!

Nang balingan niya kung sino iyon agad na nanlaki ang mata ng dalaga. Si Nick Dale Palma iyon habang nakangisi pa.

"Elle, good morning!" Parang tanga lang kung idudulog sa madla subalit sa mata ng dalaga ay tila ba slow motion ang pagkakita niya sa binata. Humigpit ang pagkakaakbay sa kaniya nito at nginitian siya ng abot tenga.

Hindi niya maiwasang hindi humanga sa taglay nitong kagwapuhan. Moreno ito subalit talagang aangat sa paningin ng marami. Mapapalingon ang mga kababaihan sa kaniya kahit talagang malalate na. Isama pa ang maskulado nitong katawan na batak sa gym bagamat kolehiyo pa lamang.

Isang malakas na pitik sa noo ang ipinukol ni Dale na talagang nagpagising sa kaniyang pagkatao.

"Aray! Ano ba?" Ayaw man ay marahas niyang tinanggal ang pagkakaakbay sa  ng binata at winaksi iyon, kagaya ng lagi niyang ginagawa. Hindi naman ni Chontelle gugustuhing pansinin pa ito pagkatapos ng kahihiyan niya last school year. Kung saan siya nag-confess na binalewa lang ng binata.

"Elle naman!" nagmamaktol ito na tila ba wala itong ginawa na naging dahilan ng pagmumokmok niya sa bahay ng buong bakasyon.

Ang sarap niya lang saktan. Literal!

"Tigilan mo nga ako Dale! College ka na ganiyan ka pa rin? Para kang tanga!" inis na hasik niya. Totoo naman kasi iyon. Umaakto pa ring highschooler ang binata kahit na college na sila.

Sumimangot ito kaya naman madaling napakagat labi si Chontelle. Hindi niya hahayaang kumawala ang isang ngiti sa labi niya ng dahil lang sa pagsimangot nito.

Duh! Hindi kaya ako marupok.

Ang mga kaibigan niya lang iyon 'no! Siya? Never!

"Ikaw naman college ka na wala ka pa ring dulot!" parang batang bawi nito sa kaniya. Napangiwi siya.

Snowflakes Scattered by Wind (Kalopsia Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon