Chapter II

8 2 0
                                    

Vexanna PoV.

Pagdating namin sa company ay naghiwalay na kami ng landas,pumunta ako sa 18th floor at sya naman sa 19th floor.

Binuksan ko ang pinto ng office ni Mom at nagulat nang nakita ko siyang umiiyak hawak ang isang litrato.

Nangmasulyapan niya ako ay dali-dali niyang niligpit ang Picture frame sa kaniyang table at inilagay ito sa drawer pinunasan din niya ang kaniyang luha at kumilos ng natural.

Iniabot ko sa kaniya ang envelope at hindi parin mawala sa aking isipan ang nakita ko kanina.

Tama ba ang nakita kong umiiyak siya dahil sa isang litrato,hindi kaya nagsisisi siya na hanggang ngayon hindi parin maganda ang pakikitungo niya sa akin.Naniniwala akong mahal ako ni Mom kahit na ganiyan ang pakikitungo nya.

"Mom? Okay kalang ba "tanong ko na puno ng pag-aalala ang aking boses.

"Sa susunod matutu kang kumatok.Makakaalis kana"

Halos hindi ako makagalaw sa sinabi niya,bakit parang galit parin siya.Ang boses niya parang isang Amo na inuutusan ang kaniyang kasambahay,medyo masakit yon.Basta naniniwala akong ang litratong iyon ay ang family picture namin,minsan ko nang nakita iyon noong pumunta ako sa office niya.

Lumabas na ako sa office ni Mom at pumunta sa ground floor, habang lutang akong naglalakad ay hindi sinasadyang nakita ko si Dad at ang lalaking nakasabay ko ,na nag-uusap.

Masyado akong malayo upang marinig sila kaya pilihim akong lumapit ng kaunti.Tumalikod ako upang hindi nila mapansin at tinakpan ko ang aking mukha ng maliit na bag.

"Vex loved her Mom, Hindi niya gustong sinusuway ang kaniyang ina kaya hindi ako sigurado kung papayag ba siya"Rinig kong saad ni Dad,medyo naguguluhan ako kung sa anong bagay ako hindi papayag.

"Okay sir,"ani ng lalaki, napansin kong paalis na si Dad. " Ehem~ at sino naman kaya ang babaeng nakatalikod at tinatakpan ang kaniyang mukha ng bag na sa tingin ko ay pangit siya"

Aysh,nakainis tong ingot nato

Tinanggal ko na ang takip ko sa mukha at nahihiyang humarap,ako pa naman ang tumulong sa kaniya na makarating dito.

"Vex,ikaw pala yan.By the way Xander this is my daughter,Vex"saad ni Dad.

Buti nalang nagsalita siya,medyo nabawasan ang hiya ko.At ang ingot namang ito ang napahiya.

"Ayy s-sorry po.Nice to meet you po miss Vexanna adele Montemoir "Iniabot pa niya ang kaniyang kamay for shake hands pero bilang kapalit sa pang-iinsulto niya ay hindi ko yun pinansin.

Wala akong pakialam kung iisipin ng mga nakakakita na walang akong respeto o isip bata ako,Mali parin na insultohin ang iba na kahit nakatalikod ay sasabihang pangit.Bakit nakita ba niya ang mukha ko.Hayshh nakakainis.

"Huwag kang mag-alala Xander ako na lang ang magpapaliwanag sa kaniya"saad ni Dad dahilan upang mas mapuno ng kyuryosidad ang utak ko.

Ano ang ipapaliwanag?

Lumabas ako ng Company na puno ng katanungan ang aking utak masyado akong naguguluhan kung tama ba ang hinala kong maghihiwalay sila at kung ano ang dapat na ipaliwanag saakin na hindi papayagan ni Mom.

"May gusto kabang itanong?"saad ni Xander na nasa aking likuran."kanina ko pa kasi napapansin na nagsasabong ang kilay mo at parang sasabunutan na nila ang isat-isa.Curious kaba kung ano ang pinag-uusapan namin kanina?"saad niya na para bang napakamisteryoso ng kaniyang boses.

"So~ ano ang pinag-usapan nin.."
"Kalimutan mona hindi ko rin naman sasabihin" sabat niya,nilagpasan ako at mabilis na naglakad palayo habang ako ay naiwang naiinis.

Buwesit na ingot

°°°

Pagkarating ko sa bahay ay naisipan kong magluto para ngayong gabi at magkaroon kami ng oras bilang isang pamilya.

Umakyat ako sa ikalawang palapag doon sa kwarto ni Mom upang hanapin ang Recipe book ng kaniyang paboritong pagkain.Yes,hindi iisa ang kwarto nila.Magkahiwalay ang kwarto ni Dad and Mom.Pero hindi naman ako nagtaka kasi dati pa ay ganoon na iyon.

Binuksan ko ang pinto at kagaya ng aking iniisip ay napakalinis ng kwarto niya.Dumiretso ako sa kaniyang shelf at bumulagta sa akin ang napakaraming libro.

Alin kaya dito?

Kinuha ko ang isa mga libro doon at hindi sinasadyang mahulog ang katabi nito dahilan upang mabuksan ang libro at magkalat ang mga litrato sa sahig.

"Bata? Sino ang batang 'to?"tanong ko sa kawalan ng makita ang halos anim na litrato ang isang bata."imposibleng ako ito,batang lalaki ang nasa litrato"

Ibinalik ko ang limang litrato sa loob ng libro at itinago ang isa sa aking bulsa. Ipinagpatuloy ko ang paghahanap at sa ilang minuto rin ay nakita ko ito.

Bumaba na ako upang ihanda ang mga kakaylanganin sa pagluluto.

Inuna kong niluto ang isa sa paborito niya ang Chicken confit. Habang niluluto ay naisipan kong tawagan si Dad.

* Dad *

"Hello? Dad,?" Saad ko sa linya
"Yes Vex.Ang Dad mo ito"
"Umm..gusto ko lang sanang sabihin na nagluluto ako for dinner,sana makauwi kayo ng maaga"saad ko naman na medyo kinakabahan.
"Y-yes I'll talk to your Mom"sagot naman ni Dad sa kabilang linya na halata sa boses ang pag-aalinlangan.

*Call ended*

Pagkatapos kong lutuin ang Chicken Confit ay sinunod ko naman ang Bouillabaisse which is a french food.Kalahating oras pa ay dumating din sila sakto at nakahanda na ang lamesa at ang pagkain.Agad ko naman silang inanyayahan.

"Anong meron?" Bungad na tanong ni Mom sa akin."wala naman po naisipan ko lang " sagot ko naman.

Naging tahimik ang buong paligid at ang hangin ay mas lumamig.Nag-isip ako ng maaaring maging paksa upang magkaroon ng kauting ingay ang paligid.

"By the way po si Dad ba ang nasa litratong ito? " Tanong ko ngunit sa aking palagay ay mas sumama ang ihip ng hangin." A-ang cute kasi " Namilog ang mata ni Mom at si Dad naman ay nanatiling tahimik.

"Sa susunod 'wag kang mangingialam ng hindi mo gamit "bulyaw ni Mom sakin dahilan upang matunganga ako.Hindi ito ang unang pagkakataon pero ang sakit ng sinabi niya.

"Clara" Saway ni Dad ngunit huli na ,umalis na si Mom at padabog na umakyat sa kaniyang silid.

Naiwan kaming dalawa ni Dad,matapos ng malakas na sigaw ni Mom sa akin ay katahimikan nanaman.

"I'm sure ginawa mo ito dahil sa documents right?"tanong ni Dad.Tama siya ,I did this for the documents ano ba kasing meron.

"Maghihiwalay ba kayo ni M-mom?" Tanong ko na hindi napigilan ang pagpatak ng luha.

"Maybe pero Hindi ngayon,that document is actually for you"
Saad naman ni Dad na ikinagulat ko.

Para sa akin?
Bakit sa akin,anong meron?

That stranger is my Lover [Status : On-hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon