Vexanna PoV
"beh napansin ko lang,kanina kapang lutang"saad ni Glynn habang naglalakad kami papasok sa school. "Nag-oover think kaba sa relationship n'yo? Sinaktan kaba nya nag cheat ba siya o nakipaghiwalay ba siya sayo? Sabihin mo lang,sagot ko na tissue "
Bruhaa
"Ano bang pinagsasabi mo? Wala tayo nun"
"Huh? Single tayo?"
"Matagal na "
"Ayy oo nga pala" saad naman niya na tumawa ng malakas sabay sapak sa akin."So ano nga nangyari?"tanong niya na puno ng curiosity.Kaya pinaliwanag ko na.
***
"Alam kong gusto mong sundin ang pangarap mo,ang tanging sinisigaw ng iyong puso.Ang mga documents na ito ay galing sa isang E-sport company gusto nilang e train ka bilang isang tunay at tigasing E-sport play- "
"Hindi Dad,Tama na "putol ko sa sinasabi ni Dad.Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya ngunit habang pinapakinggan ko si Dad ay bumabalik sakin ang mga nangyari sa nakaraan.
Ang nakaraan na dahilan ng pagbabago ni Mom,na dahilan kung bakit hindi ko na masunod ang pangarap ko at ang dahilan kung bakit Hanggang ngayon sinisisi parin ako ng pamilya ni Michael at ni Mom.Sarili kong ina kinamumuhian ako ng dahil dun.
"Listen, about your Mom ako na bahalang kumausap sa kaniya,all you need to do is to think wisely, pangarap mo ito hindi ba.Ipagpatuloy mo ito para sa inyong dalawa ni Michael"niyakap ako ni Dad at naramdaman ko ang kagustuhan niyang suportahan ako ngunit hindi ko alam kung tama ba na tanggapin ko ang alok na ito o hindi.
"Anong silbi ng buhay kung hindi mo susundin ang pangarap mo"ang katagang tumatak sa aking isipan ng mga gabing iyon.
***
"Yun ang sinabi sa akin ni Dad"
"Ta-talaga? Go na girl.Grab the opportunity " Saad ni Glynn na subrang saya,alam niya na gustong-gusto ko ang maging isang tunay na E-sport player at makapaglaro sa iba't ibang lugar.Ngunit para akong makukunsensya kung tatanggapin ko ang alok na iyon.Namatay si Michael ng dahil sa letseng pustahan na yun at ako ang dahilan kung bakit siya nadamay sa pangyayari.
Segundo,minuto at oras ang lumipas.Sa wakas ay tanghali na.
"Tara libre ko ngayon "saad ni Glynn
"Yan ang tunay na kaibigan" biro ko.
Hinila niya ako papunta sa canteen at kumuka na nga kami ng pagkain.Kaunti lang ang kinuha ko kasi parang wala akong ganang kumain,paulit-ulit na bumabalik sa akin lahat ng pangyayari.
"Hooyy,lutang kana naman "saad niya na ikinagulat ko at hindi sinasadyang mabitawan ang kutsarang hawak ko .
"Teka,sino yang baby sa phone mo ?"tanong niya ng makita ang picture sa likod ng phone ko.
"Aah yan" naalala ko ang nangyari kagabi kung saan galit na galit si Mom ng ipakita ko iyon sa kaniya." hindi ko nga rin alam ,nakuha ko yan sa kwarto ni Mom,at alam mo ba, ng tanungin ko si mom tungkol dito subrang galit na galit siya sakin "Saad ko na para bang may gustong e point out ang utak ko.
"Haluu be,ang pangit mo naman kung ikaw yan "Saad niya na tumawa pa ng malakas na akala niya walang taong nakakarinig sa kaniya." Napaka misteryoso naman,kung ako sayo alamin mo kung sino yan "
"Bakit naman? baka si Dad lang to"saad ko naman na nag-aalinlangan kung magsasayang pa ba ako ng oras para lang sa litratong ito.
"Luh so bakit magagalit Mom mo? " Well may punto din si Glynn.
°°°
Halos magdidilim na ng nakauwi ako sa bahay,sinamahan ko pa kasi si Glynn na taposin ang project nila.
Ng malapit na ako sa pinto ay naririnig ko na nag-aaway sina Mom and Dad.Eto na naman sila ,dahil don ay para akong nawalan ng ganang pumasok kaya umupo nalang ako sa may pinto kung saan naririnig ko ang sigawan nila.
"Lintik na pangarap na yan,sa tingin mo maipagmamalaki natin siya dahil jan" sigaw ni Mom,nanatili ako sa labas at patuloy na nakikinig.
"Namatay si Michael dahil sa kaniya at gusto mo ngayon na suportahan ko siya,aba nga naman" sigaw ni Mom at may narinig akong gamit na nabasag.
"Anak mo siya kahit na ano pangnagawa niya, kaylangan parin niya ng isang ina na kaya siyang suportahan " depensa naman ni Dad,
"Hindi, wala na akong pake sa batang yan at kung tatanggapin nya ang alok mong yan tuluyan ko nang puputulin ang relasyon nating dalawa ang ng anak mo" Saad ni Mom na hindi mo mababakasan sa kaniyang boses ang pagdadalawang isip.
Subra akong nasaktan sa mga sinabi niya,kaya pinili ko ang lumayo sandali sa lugar na iyon .Naglakad ako hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa parke,walang pag-aalinlangan akong humiga sa damuhan at hinayaang dumaloy ang mga luha sa aking pisngi.
"Michael,patawad "tangi kong saad sa kawalan .
"Kung hindi kita isinama noon hindi ka sana mamamatay,kung hindi kita pinilit na maglaro kasama ko ay sana buhay kapa ngayon, s-sorry"
"Kung kaya ko lang ibalik ang lahat ay sana,hindi na ako nakipagpustahan sa gagong larong iyon,patawarin mo ako.Alam kong impossibleng tanggapin ako muli ni Mom pero sana man lang maintindihan niyang nahihirapan din ako" Saad ko habang humahagulhol sa pag-iyak,gusto kong ilabas lahat ng aking nararamdam kahit walang nakikinig.Mabawasan lang ng kaunti ang aking nadarama.
Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang lamig ng hangin.Kahit na madilim ang paligid ay naging komportable ako dahil tahimik naman.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakaramdam ako ng takot,sa ganitong pangyayari pa.Naging maganda naman kanina ang paligid ngunit ngayon parang nakakatakot na.
"Miss "
"AaaaaaAaaA " sigaw ko at nag madali akong bumangon.Kinuha ko ang bag ko at isinapak sa taong nasa aking harapan."Hoy pangit na manang tumigil ka " saad niya ,agad kong nakilala ang kaniyang boses.
"Xander?te-teka ikaw ba yan?"tanong ko at gulat ng makitang siya nga.
Itinapat niya sa kaniyang mukha ang dala niya flashlight at sinabing.
"Ako ito ang gwapong lalaki,ano takot kaparin OA mo " saad niya at inirapan pa ako "Mas nakakatakot nga mukha mo ehh"
Aba iba din tong ingot na'to
Maynarinig kaya siya,napakadami ng sinabi ko at mag-isa lang ako ,baka isipin niyang baliw ako .
"Ka-kanina kapa ba ?"mahinang tanong ko at iniwasang magkasalubong ang paningin namin.
"Walang akong narinig"sagot naman niya.
Huh? Anong wala.Ibig sabihin alam niyang may sinasabi ako?
"Umayos kanga may narinig ka ano?"saad ko at sinapak ko ulit ng aking bag.
"Wala nga pero kung ako sayo,sundin mo ang pangarap mo, walang silbi ang buhay kung hindi mo yun susundin" saad niya.
Parehong pareho sila ni Dad,sana nga ganoon lang kadali.
![](https://img.wattpad.com/cover/353025343-288-k268808.jpg)
BINABASA MO ANG
That stranger is my Lover [Status : On-hold ]
Teen FictionHow will the scar from the past reveal the mysterious truth and will lead her to the path of a man who can see her importance.Will you join her in her journey?