Chapter VIII

2 0 0
                                    

Vex P.O.V.

Nagising ako sa sikat ng araw.Nagulat ako ng nasa ibabaw na ako ng kama ni mom.

Kahit anong pilit ko ay hindi ko maalala na lumipat ako dito,ang huli ko lang naalala ay nasa sahig ako.

Bigla ko rin naalala ang gamit na dapat ay dadalhin ko sa ospital, dali-dali akong bumaba at nagtungo sa sala.

Nagtaka ako kung bakit wala ito sa nilagyan ko kagabi.Siguro ay kinuha na ito ni Dad.

Riingg~~[phone ringing]

Dinukot ko ang aking phone na nasa aking bulsa at ibinaba ang tingin,si Dad.

" Hello? "
Saad ko sa linya.

"Vex,Gusto ko lang ipaalam
na okay na ang Mom "

Nakahinga ako ng maayos sa sinabi ni Dad,at medyo nabawasan na ang pag-aalala ko.

" Gising na ba s'ya ? "
Tanong ko .

"Hindi pa ,pero gigising din ang mom mo.
S'ya nga pala pakisabi nalang
kay Xander na salamat sa tulong
niya at sa pagdala ng mga Gamit
ng mom mo dito sa ospital "

Nagulat ako ng sinabi iyon ni Dad,Ibig sabihin si Xander ang nagdala ng gamit sa ospital? posible kayang siya rin ang naglipat sa akin sa kama ?

"Oh, sige na.Ako na ang magbabantay
sa mom mo at 'wag kanang mag-alala.
Pumasok ka ngayon,okay?"

"Yes, Dad "

[Call ended]

Napayuko ako sa aking cellphone at nakitang lowbat na pala ako, umakyat ako sa aking kwarto at naghanda na para pumasok.

Matapos kong magbihis ay,binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang katawan ni Xander,mahimbing siyang natutulog sa may pinto.

"A-anong...bakit ka nand'yan ?"tanong ko sa tulog niyang sarili.Napailing nalang ako at naawa sa kaniya na medyo natatawa.

Sinubukan kong gising siya at ilang segundo pa bago siya nagising.

Nang nagising na siya ay nagmadali siyang tumayo at tumalikod tapos ay nagpunas ng mukha bago humarap.

"G-good morning" saad niya na para bang nahihiya.

Halos matawa ako sa asta niya,kaya napakagat nalang ako ng labi habang pinipigil ang tawa.

"Anong ba'ng problema mo?.. pasalamat ka at nandito ako.Alam mo bang hindi ka naglock ng pinto,kung wala ako baka may akyat bahay ng pumasok " wika niya at inirapan ako.

Sa sinabi niya ay naging seryoso ang mukha ko,kahit pala medyo immature 'tong ingot na'to nag-iisip din pala siya.

" Sa-salamat.Pero dapat ba talaga na d'yan ka matulog? Pwede namang dito sa loob,kahit sa sofa " saad ko na medyo concern ang ewan.

"Hindi pwede,baka kung ano isipin mo.S'ya nga pala bumili ako ng bagong uniform kapalit no'ng napunit ko " saad niya at iniabot ang isang bag .

"Ngayon mo lang naalala? Tsaka nalang kapag na sauli ko na ang jacket mo.Meron naman akong extra " wika ko naman at nilagpasan siya.

Kung malaki man ang mata ng tarsier ay mas nanlaki ang mata ko ng hinila niya ako at sa lakas ng paghila niya at nagkalapit ang mukha namin.

Pakiramdam ko ay tumigil ang ikot ng orasan kasabay sa paliwanag ng araw .May naririnig akong parang isang tambol na napakalapit sa akin.

Tibok ba yun ng puso ko o sa kaniya?

"Ahh--ehh..Sorry.Kasi nakalimutan mong isara ang pinto "wika nito at nag-iwas ng tingin.

Napaka-awkward gagiii!

Hindi ko alam pero hindi ako makagalaw dahil siguro meron akong naramdaman na kakaiba no'ng naglapit ang mukha namin.Hindi ko mapaliwanag pero sobrang nakakakaba at nakakalito.

"Ako nalang ang magsasara " wika niya na nagmulat sa aking mula sa aking imahenasyon.

Naglakad siya sa parking area namin at pumasok sa isang kotse,siguro sa kan'ya iyon.

Hindi parin ako maka-get-over sa nangyari,umiwas ako ng tingin at nagsimulang maglakad.

"Hoyy!" Sigaw niya kaya napalingon ako.

"Sumakay kana sabay na tayo " wika niya at hindi na ako nagsalita.

Huminto siya sa aking gilid at bumaba.Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok naman ako.

Tahimik lang ako habang bahagyang naka tagilid sa may bintana.Nakakainis,dati hindi kami nawawalan ng topic halos puro inisan tapos ngayon ang tahimik.

" S'ya nga pala~ "
"May gusto sana akong sabihin~ "

Sabay naming wika at nagkasalubong ang aming tingin.Ibinaling niya ulit ang kaniyang pansin sa pagmamaneho.

"Mauna kana " saad niya,

"Hindi , ikaw na baka mas importante yang sasabihin mo "wika ko naman, at huminga ng malalim.

"Masikip parin ba ang dibdib mo dahil sa mga nangyari? " Tanong niya na bakas sa boses ang pag-aalala.

"Oo,hindi ko kasi alam kung paano ako makakatulong" sagot ko naman.

"Sa tingin ko alam ko kung paano " saad niya na nagkuha ng atensyon ko, habang nagsasalita siya ay nakatingin parin ito sa daan." Naalala mo 'yong una tayong nagkita ? Naalala mo ba 'yong documents na binigay ko kay Sir Felix? "Tanong niya at agad ko rin namang naalala ang pangyayaring iyon.

"Oo,ibig mo ba sabihin 'yong contract?"

"Tama ang contract,binasa mo ba yun ? Sa tingin ko ito na ang pagkakataon para subukan mo 'yon "wika niya at tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Alam mo pala ang tungkol don? Pasensya na pero hindi ko binasa,ang alam ko lang contract yun sa isang malaking companya ng Japan eSports gamers "sagot ko naman na dahilan upang mapakamot siya sa kaniyang noo.

"Hindi mo binasa !? " Sigaw niya " Hay nakooo!At malamang alam ko ang tungkol dun,ako pa nga yung nagbigay sa Dad mo dbah? "Dugtong pa niya na naiinis ang boses.


" Akala ko lang naman kasi na employee kalang dun "saad ko at na realize ang aking mga sinabi. " Wait! Employee ka? ibig sabihin nagtatrabaho ka sa gano'ng kalaking Companya? "Tanong ko na gulat na gulat sa aking sinabi


" Ahh~ehh~ siguro " utal-utal niyang ani." Alam mo bang 'yun ang top 2 eSports sa boung mundo,at magkakaroon ng match ang top 2 and 3 next month at kapag nanalo sila ay ilalaban ito sa top 1 " paliwanag niya at nagkaroon ako ng kauting interestsa iba pang detalye.

" At kapag natalo nila ang top 1 anong mangyayari? " Tanong ko na puno ng kyuryosidad.

"Kapag natalo nila ang top 1 ay sila ang papalit sa posisyon na 'yon "wika niya at huminto sa parking lot ng campus " Kung may gusto kapang malaman,tanungin mo lang ako.Pag-isipan mong mabuti at magkita tayo mamaya sa Canteen " dugtong niya at sabay kaming bumaba sa sasakyan.

That stranger is my Lover [Status : On-hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon