Third person PoV
✧Let me start our Journey。*゚
Sa madilim na gabi at tahimik na paligid, habol hiningang tumatakbo si Vexanna at hindi alam ang patutungohan.Takot at kaba ang tangi niyang nararamdam at nangangalay ang binti sa pagtakbo.
"Bweesittttt" tanging saad niya habang iniisip kung sa kanan o kaliwa ba sya tatakbo.
Lumingon siya sa likod at kita ng kaniyang mga mata ang dalawang lalaki na mabilis na tumatakbo papunta sa kaniyang direksyon.
Lumiko siya sa kanan at patuloy na hinahagilap ang daan sa ginta ng madilim at matataas na mga gusali.
Habang mabilis siyang tumatakbo ay hindi mawala sa kaniyang isipan ang dugong bumaba mula sa leeg ng kaniyang kaibigan,ang kamay na nagmamakaawang huwag silang saktan at ang mga tuhod na nangingig sa takot.
"Maaa!"
Saad ni Vexanna at hindi napigilan ang mga nanggigilid na luha.
Sa hindi kalayuan ay may nakita siyang liwanag ng sasakyan,ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi at ikinaway ang kamay upang mapansin siya nito,ngunit hindi ito tumigil at dahan-dahan lang ang takbo ng sasakyan.
Pumagitna siya sa kalsada dahilan para tumigil ang sasakyan.
"Tu-tulungan mo ako pakiusap.Pakiusap b-buksan mo ako"saad niya ngunit hindi siya binuksan nito at nanatili lang ang sasakyan sa kaniyang harapan na tila ba walang tao sa loob.
"Ayun ang babae!"
Napalingon si Vexanna sa kaniyang likod, ang distansya niya sa dalawang lalaki ay tama lang upang makita niya ang hawak nitong patalim na syang ginamit sa pagpatay ng kaniyang kaibigan.
Mabilis siyang umikot sa kotse at pumasok sa isang madilim na sulok at nakita ang sirang pintuan sa likod nito,agad naman niya itong pinasok at inikot ang mga mata upang makahanap ng matataguan.
Sa butas ng dingding ay sinilip niya ang kaniyang pinanggalingan at napansin ang dalawang lalaki na pilit binubuksan ang kotse na nanatili sa gitna ng kalsada.
Akala siguro nila'y nandon ako sa loob?
Ilang segundo ang lumipas ay nanatiling tahimik ang paligid at ang sasakyan ay nawala sa kaniyang paningin .
Bwesssiit mamamatay naba ako?
Dahan-dahan at tahimik siyang lumabas sa kaniyang tinataguan at binuksan ang kaniyang cellphone
1:45 A.M.
Mula sa kaniyang likod ay isang nakakatakot na presensya ang kaniyang naramdaman.Sa kaniyang paglingon ay matulis na kutsilyo ay ang kaniyang nakaharap na bumaon sa kaniyang leeg.
Ito naba ang pakiramdam ng mamamatay?
Tuluyang bumagsak ang kaniyang katawan sa lupa at ang tangi niyang nakikita ay ang mga bituin sa langit na kumikinang.
Unti-unting sinakop ng dilim ang kaniyang paningin.
![](https://img.wattpad.com/cover/353025343-288-k268808.jpg)
BINABASA MO ANG
That stranger is my Lover [Status : On-hold ]
Teen FictionHow will the scar from the past reveal the mysterious truth and will lead her to the path of a man who can see her importance.Will you join her in her journey?