Today :September 23,2026
Vex P.O.V.Today is Michael's Death anniversary,tatlong taon na pala.He died on September 23 of 2023.Ang bilis ng panahon,pero parang noong nakalipas na araw palang iyon nangyari, buhay na buhay pa sa aking isipan ang mga pangyayari.
Napabuntong hininga ako sa harap ng gate sa sementeryo.May dala akong bulaklak at ang paborito niyang siomai na may maanghang na sauce.
Nagpatuloy ako sa paglalakad,natigilan ako ng makita ang isang babae sa harap ng puntod ni Michael,naka itim ito na dress at itim na payong.Nilapitan ko ito at binati.
"Magandang hapon po " bati ko ,alas tres na kasi ng hapon.Hindi ito kumibo at hindi ko rin ito makilala dahil natatakpan siya ng payong niyang dala,wala akong kilala na babae sa pamilya ni Michael.Tanging si Michael lang at ang kaniyang ama ang kilala ko,iniwan kasi si Michael ng kaniyang ina noong ito'y sanggol pa.
"Kaano-ano po kayo ni Michael ?" Tanong ko ngunit,tumayo ito at tumalikod akmang aalis na.Ngunit gusto kong malaman kung sino siya at kung ano ang ginagawa niya sa puntod ni Michael kaya marahan kong hinila ang kaniyang kamay.
Napaawang ang bibig ko ng tumingin ito sa aking direksyon.Kita ko sa kaniyang mata na ilang araw na siyang umiiyak.
"Napaka sama mo,pinatay mo si Michael hindi ka naawa sa kaniya at hinayaan mo siyang mamatay" Nagsitayuan ang balahibo ko at halos hindi ako makapagsalita sa mga naririnig ko.
Ang sikip ng dibdib ko at halos hindi ko makontrol ang aking paghinga.Ano bang meron bakit Hanggang ngayon sinisisi niya parin ako.
"Wala kang kwenta bakit hindi nalang ikaw ang ~"
"M-mom "Hindi ko na napigilan ang sarili,at nabitawan ko ang aking emosyon.Dumaloy sa aking pisngi ang malamig na luha na puno ng kalungkutan.
"Mom,sa tingin mo ba ginusto ko ang nangyari? Akala mo ba hindi ko pinagsisihan ang lahat.Nahihirapan din ako pero bakit ba Hanggang ngayon sinisisi mo parin ako"bulyaw ko ng hindi na mapigilan ang aking sarili.Hindi siya sumagot at ilang sandali rin nagkaroon ng katahimikan.
"Ako ito mom ang anak mo" huling katagang aking binitawan bago niya ako talikuran.
Halos Isang oras at kalahati akong nanatili roon habang iniisa isa ang mga pangyayari.
Anong koneksyon nila?
Bakit mahal siya ni Mom kesa sakin?
Ano ba ang — sekretong nakatago?
Meron nga bang sekreto ?
Naagaw ang aking atensyon ng tumunog ang aking Phone.Sinagot ko naman ito ng makitang si Gylnn ang tumatawag.
♪riing~~
: Hello?
Hoy,bruha asan kaba ?
Alam mo bang kanina pa tumatawag
Si Tito sa akin.: Ahh,uuwi nako
~Call ended~
Tumayo na ako sa aking pagkakaupo at pinatay ang kandila ,lumabas ako doon dala ang maraming katanungan.
Pag dating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni Dad ng isang mainit na yakap,ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala.
"Okay kalang ba ? Meron bang kahinahinala na nangyari sa iyo ?" Tanong ni Dad sa akin na halatang natataranta,ang ikot ng kaniyang mga mata ay halos hindi mapakali at tinitingnan ang bawat sulok ng aking katawan.
"Ma-may nangyari ba ? " Tanong ko,Umupo kami sa sofa sa sala at doon na niya sinabi ang nangyayari.
"K-kase, yung Mommy mo,umutang siya sa isang Loan shark at ngayon hinahanap na nila tayo . H-hindi ko alam na umutang siya ng ganoon kalaking pera ka-kaya "paliwanag ni Dad na ikinagulat ko.
"Anoo? Bakit Dad,bakit umutang si Mom sa isang Loan shark? Ganoon ba talaga kalaki ang inutang ni Mom para hindi natin mabayaran "
"I-isang daang m-milyon,hindi ko lang sinabi pero subrang nahihirapan ang kompanya sa ngayon "Ramdam ko na nangingig si Dad kaya binigyan ko siya ng tubig.
"Natin? Bakit kumikita kaba ng pera?" Napalingon ako ng biglang dumating si Mom. "Kung makapagsalita ka parang maypakialam ka kung kumikita pa ba ang kompanya o kung maayos pa ba ito,isa ka lang namang palamunin"dugtong pa niya na ikinadurong ng aking damdamin.
Tama siya wala nga akong silbi sa pamilyang ito,ehh halos hindi ko na nga masabi kung pamilya pa ba ang turing niya sa akin.
"Clara ano ba,subukan mo namang pigilan ang bibig mo,Anak mo ang kinakausap mo " pagtatanggol ni Dad sa akin.
"Anak ?" Saad niya at huminga ng malalim,ang sakit ng mga pinapakita niya sa akin.
Tumalikod si Mom at lumabas,padabog niyang isinara ang pinto dahilan upang mahulog ang aming Family picture na nasa lamesa sa tabi ng pinto.
Napayuko nalang si Dad habang mahigpit na nakahawak sa baso .
"Patawad Vex, alam kong nahihirapan ka sa mga nangyayari.Pero sa ngayon kaylangan mo munang tiisin ang lahat"saad ni Dad at tinapik ang aking balikat.
Inagaw ng tunog ng phone ni Dad ang katahimikan sa paligid.
"Kaylangan ko munang sagutin ito"tumango naman ako at pinagmasdan ang pag-alis ni Dad.
Halos hindi ako mapakali habang iniisip kung paano ako makakatulong kina Dad at Mom.Isang daang milyon?hindi yun biro,sa mga nagdaang araw pala ay ganito ang kanilang pinagdadaan,samantalang ako ay walang pakialam ni hindi ako nagtanong.
~tiing,tiiing ~
Sunod sunod na door bell ang nagpakaba sa akin at nangingig ang aking tuhod na tumayo.
~tiing,tiing~
Hindi ito tumigil kaya marahan akong tumingin sa oras at nakitang alas otso na pala ng gabi,wala akong ideya kung sino ito kaya marahan kong binuksan ang Pinto.
Sa pagbukas ko ay bumungad sa akin ang lalaking minsan ko nang nakita,siya yung maydala ng documents para kay Mom.
"Dalawang buwan,ayy hindi Isang buwan "saad ng lalaki na ikinakunot ng aking noo.
"Paumanhin?"
"Bibigyan ko kayo ng Isang buwan upang bayaran ang utang ninyo,at kung hindi ay sisiguraduhin ko na susunugin ko kayong buhay,bilang bayad sa utang ninyo.Magandang gabi Miss " saad nito at umalis, sumakay ito sa itim na kotse at mabilis na nawala sa dilim.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.Naguguluhan ako kung saan ako dapat matakot,ang sunuging buhay o ang isang buwan para sa Isang daang milyon?
Napatingin ako sa aking phone ng tumunog ito.Mom?
♪riingg~~~
: Mom?
Umm~ ano si.Ako si Xander,ka-kase
naaksidente ang may-ari ng phone
nato-
Sa narinig ko ay nabitawan ko ang aking telepono at bumagsak ito sa sahig,hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan at halos hindi ko alam ang gagawin ko."Nak,may nangyari ba ?"tanong ni Dad
"Si Mom,na aksidente siya"
BINABASA MO ANG
That stranger is my Lover [Status : On-hold ]
Teen FictionHow will the scar from the past reveal the mysterious truth and will lead her to the path of a man who can see her importance.Will you join her in her journey?