Xander P.O.V.
Time check, 1:25 p.m. na nang gabi.Gusto ko sanang samahan si Vex para kumuha ng gamit sa bahay nila ,ngunit nagpupumilit s'yang umuwi nalang ako.
Sasakay na sana ako sa kotse ko ng makita ko ang Dad ni Vex na may kausap.Hindi naman sa pagiging chismoso pero basi sa Mukha ng Dad ni Vex ay hindi maganda ang pinag-uusapan nila.
Unti-unti akong lumapit,at nagulat naman ako ng napansin ko ang dalang patalim ng lalaki sa likod nito.
"Umm,Sir Felix Montemoir is everything okay?" I asked as I walked closer and closer.
Nanatiling naka yuko si Sir felix at nakatitig lang sa akin ang lalaki,napaka tulis ng tingin niya at halatang handa siyang pumatay ng tao.
Sa loob-loob ko ay nangingig na ako at gusto ko nang tumakbo palayo,but I need to keep it cool.
" I have a phone here. iPhone 13 pro max ,fully paid " saad ko at itinaas ang aking dalang cellphone mula sa aking bulsa." Ilang pindot lang at makakatawag agad ako ng police,ayy wait teka bakit paba ako tatawag kung ako mismo ay pulis " wika ko at matalim na tiningnan siya.
Note: hindi ako pulis
Gago! Sana gumana,hindi pa nga siya nagsasalita nakakatakot na tong mukong na'to."Only one month " huling katagang binitawan ng lalaki bago ito umalis.
Kaming mga lalaki kahit na sa tingin nyo ay tigasin kami,nakakaramdam din kami ng sakit at umiiyak din kami.Kagaya ni Sir Felix , umiiyak siya ngayon sa harap ko.
Goshh! Ako ang nahihiya para sa kaniya.
"X-xander " wika nito habang hawak ang aking kamay, " help me pursue Vex, signing the contract is the only key to solve this problem "
Tumango naman ako.Everything is in Vex's hands now, sigurado ako this time pipirma na siya.
Nagpaalaam naman ako kay sir Felix,at nagtungo na sa aking kotse.
Ilang minuto akong nagmaneho at nakarating din naman ako ng maayos sa bahay.
I live alone kasi mas komportable ako kapag mag-isa lang ako sa bahay.Wala rin akong kasambahay dito,tumatawag lang ako ng house keeper kapag magulo na ang bahay.
Rring~rriiingg~~
Halos napatalon ako ng marinig ang tunog ng aking phone.Ang akala ko iniwan na ako ng aking kaluluwa buti nalang loyal siya at bumalik agad.
Umupo muna ako sa sofa bago at ito sinagot.
"Hello?"
Ani ko"How was the contract?"
Nangmarinig ang boses sa kabilang linya ay nalaman ko agad na si Lolo iyon.
"Im working on it,malapit ko
na siyang mapapirma""Malapit? You mean she hasn't
signed yet? You idiot, there's only
weeks to train her.Next month is the match"Galit nitong saad sa kabilang linya at maynarinig pa akong nabasag.
"I'm trying, she's going to sign tomorrow
I promise ""Just make sure she sign,or else ~"
"NoO~ she's going to sign soon
and you should give me
what you promised ""..."
"Paapss~~"
[Call ended]
He ended the call,and I got no response.ayEshh nakainis,he promised to give me 5 million once napapirma ko si Vex sa contract.
Sa pagod ko ay humiga ako sa sofa at hinayaang makatulog ako dito.
••
Vex P.O.V.
Pagdating ko sa bahay ay umakyat agad ako sa ikalawang palapag at nagtungo sa kwarto ni Mom.
I took a bag and packed the things she needs.Nagdala ako ng sapat na gamit.Hindi ko alam kung gaano siya ka tagal mananatili doon.Pero sana,sana paggising niya hindi niya ako sisihin sa nangyari sa kaniya.
Aalis na sana ako ng makitang bukas ang drawer sa tabi ng kaniyang kama.Normal lang naman 'yon 'diba?
Bumababa ako mula sa kwarto niya at inilapag ang bag sa sala,nagtungo ako sa kusina upang kumuha ng tubig.
Hindi ko naiintindihan,pero ang bukas na drawer na 'yon ay nasa isipan ko parin.
F*ck
Mabilis akong naglakad papunta sa sala,at bubuhatin na sana ang bag palabas.But shit that drawer is bothering me,wala akong nagawa at umakyat ako pabalik sa taas.
Bago ko nilapitan ang drawer ay tinitigan ko muna ito,as if may lalabas na multo.
Hinalungkat ko ang drawer at walang ibang nag-agaw ng pansin ko kundi ang isang notebook.Black ang cover nito at may punit sa gilid,kung titingnan ay luma na.Pagbukas ko ay nakumpirma kong luma na nga , blanko ang first page at ang kulay ng pahina ay gold brown.Parang 'yong mga aesthetic brown.
Sa next page ay puno ng sulat kamay,alam kong sulat iyon ni Mom.It has date on the top of it, which gives me the idea na isa iyong diary.
"Diary? Jeez! Childish" ani ko na hindi napigilan ang ngiti,kahit mag-isa lang ako.
Hindi ako nagkaroon ng interest para basahin ang pahinang iyon kaya dumiretso ako sa huli nitong sinulat.
___________________________________
September 23,2026
Naiinis ako tuwing sasapit ang araw na 'to.Naaalala ko lahat ng mga masasamang desisyon ko.Pinagsisihan ko na naging ina mo ako,kung mababalik ko lang ang lahat ay sana hindi ko pipiliing mabuhay ka sa mundong 'to.
I regret giving birth to you.You're a mistake Vex, you're the biggest mistake I always hate.
Kung sana hindi kita pinanganak hindi sana ganito ang buhay ko.___________________________________
Halos madurog ang puso ko ng nabasa ko iyon,na para bang paulit-ulit nitong sinasaksak ng patalim , ang sakit.Subrang sakit.
Bakit mismo ang aking ina ay kinamumuhian ako?
Ano bang dapat kong gawin?
Hindi ko lubos maisip na sa mga nakalipas na taon ay kinaiinisan niya ako,at kinasusuklaman.
"Baaakiiitt?!" Sigaw ko sa kawalan at inilayo sa akin ang kwadernong iyon.
Ang mga salita sa loob nito ay umiikot sa utak ko at paulit-ulit ko silang naririnig,paulit-ulit nila akong nasasaktan.
Gaano ba kalaki ang kasalanan ko ?
Kasabay ng mga luha ko ang ay malakas na ihip ng malamig na hangin.
Hindi nagtagal ay sinakop ng dilim ang aking paningin.
BINABASA MO ANG
That stranger is my Lover [Status : On-hold ]
Novela JuvenilHow will the scar from the past reveal the mysterious truth and will lead her to the path of a man who can see her importance.Will you join her in her journey?