A/WARNING: Some of the words are un-arrange typo and grammatical errors. And i still editing it.
So sit still and enjoy it!
Old Key
Artemis POV
Hanggang chika na chika si Sir Rojales sa lablayp niya na inip na kami at pumasok narin yung second subject namin. As usual introduction yung inuna. Babae siya nasa 20's siya at pangalan niya ay si Miss. Dorothy. May mga lesson siyang binigay sa amin para ma-advance study.
Sunod-sunod nari 'n yung mga teachers na pumasok sa amin. Nasa harap parin yung tingin ko. Habang ito'ng nasa sa harap ko nasa labas ng bintana yung tingin. May sarili siguro to'ng mundo.
Mayaman siguro siya, dahil nakabili siya ng sarili'ng mundo niya.
Napangiti nalang ako sa inisip ko hanggang mag bell na.
"You can take your lunch now... Good bye class." Pag-paalam ng teacher sa amin.
"Yes! Tapos narin."
"Tara na sa cafeteria."
"Wait lang, si crush hintayin natin."
Bulong ng mga grupo ng babae. Sa tabi ko, at hindi ko nalang pinansin. May kinuha ako sa bag ko.
"Hello."
"Ay bakla—!" May sumulpot sa gilid ko at napatakip nalang ako sa bibig ko ng tignan ako ng mga estudyante.
"Hahahaha... Sorry i didn't mean to startle you." Nakatawang sabi ni, Jooseo?
Nagpilit ako ng ngiti sa kaniya. "Lunch?" Ani niya.
"H-ha?"
Nakangiti siya ng nakakaloko. "Bat ang lutang mo hahaha. Gusto mo bang mag lunch sabay na tayo." Aya niya.
Tumango ako. "Sigee." Tinignan ko ulit si Leo palabas na siya pero may nakaharang sa kaniyang mga babae. Panay pa-cute-cute.
Psh. Mga halos may nakalagay sa mukha ng mga babae lumapit sa kaniya make up, at lipstick. Ganito ba ka attractive to'ng si Kuyang Lion.
"Famous?" Tanong ni Jooseo ng mag lakad kami. Tinukoy niya si Leo.
"Siguro, pinag-agawan e." Napatawa lang kami'ng dalawa. Nung naka lagpas na kami sa kaniya hindi ko mapigilan mapangiti nung makita kung mukha niya na namumula at halatang napipikon na.
May pinagusapan pa kami ni Jooseo tungkol sa buhay niya. Half amerakano at half koreano si Angkol at may dugo naman din daw siyang pinoy.
Nakapasok na kami sa Cafeteria bumungad sa amin ang maraming estudyante idagdag mo pa yung mga nakapila sa counter. Pano na'to? Gutom ba naman sana ako.
Naghanap pa kami ng maupuan namin ng may tumuwag sa akin at nilapitan kami.
"Artemis!! Dito kanang maupo sa aming table!" Si Mary saba'y turo niya sa table nila.
"Doon nalang tayo. Wala ng iba'ng table eh." Tanong ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin at tumango. Agad naman kami lumapit sa kanila dalawa lang sila si Michelle yung isa niyang kasama.
"Eyy—" Napigilan si Michelle nung makita niya na may kasama ako. "Ayy. Washup Artemis." Angas na bati niya.
Anyare sa kaniya.
"Hello, si ano pala si Jooseo kaklase ko."
"Halata naman." Ayan nanaman si miss. Michelle ang hilig mamilosopo. "Maupo na kayo ako ng mag order treat ko." Kindat niya sa akin.