V

17 9 0
                                    

Black Envelope

Artemis POV

Tapos na rin ang last subject sa wakas makauwi na ako. Can't wait to cuddle my siopao.

"Uuwi kana?" Tanong na nasa likuran ko. Lumingon ako para makita siya.

"Obvious ba?" Taas kilay kung sambit. Napakamot lang siya sa batok niya.

"Ihatid na kita." Alok ni Jooseo habang nakangiti. Ewan ko pero kanina lang kami nagkilala feeling close na agad. Hindi ako mapili pero nakakairita paminsan. Kanina lang panay tanong na may kasabay ba daw ako.

"Wag' na, may mga kasama naman ako." Nginitian ko siya at kinuha na ang bag ko. At naglabasan na kami.

"Leooo!... Wait for me!" Sigaw ng kung sino at nabangga ang braso ko. "Hala. Pasensya na binini."  Malalim ang pagkasabi niya sa boses niya. Agad-agad niya pinagpagan ang braso ko.

"Ok lang."

"Mauna na ako. Ako nga nga pala si Mico."

"Artemis." Tumango nalang siya at agad tumakbo papunta sa lalaking nasa malayo na naglakad.

Close pala sila.

Naglagad lang ako palabas ng school. At nakita ko na ang dalawang mariposa na nagaabang sa akin sa gate.

"Bat ba ang bagal mo? Nag e-emot kapa, sus luma na yan." Bungad sa akin ni Mary na ngayon ay nakamewang.

Inirapan ko lang siya. "Alam mo? Wala ka talagang pinag-bago." Agad naman nag react siya na para bang nasasaktan.

"Excuse m—!"

"Ang oa mo! Tara na nga." Singit ni Michelle na iniinip.

"Ahhm, Michelle ka ano-ano mo pala si Mico yung nasa section nila Artemis?" Tanong ni Mary habang naka-akbay sa akin.

Ang bigat mo teh!

Nakangiti na ngayon si Michelle na nakaloloko. "Bakit mo natanong type mo ba kambal ko?" At tuluyan na ito'ng nag smirk.

"Ha! Kambal mo?!" Sabay nami'ng tanong ni Mary na humiwalay sa akin.

Pinagtaasan niya kami ng kilay at tumango. So... So may kambal pala to'ng mariposa na'to tapos hindi pa sinabi sa amin. Anim na taon nami'ng mag kaibigan hindi niya nai-share na may kambal pala siya.

"Why you didn't tell us that you had a twin?" Tanong ko habang nakanguso. So hindi niya pala kami friend na makapagtiwalaan dahil wala siya'ng shinare sa amin. Charot.

"Pano ko e-chika, e puro life lang naman niyo ang palaging topic." She just rolled her eyes on us.

Ayy. Hindi naman ako ganun si Mary lang talaga ang talkative sa amin at parati niya sinabi sa amin ang happenings ng araw niya. Nakakasawa pero nakakatuwa kapag kasama sila.

"HAHAHA." Nagtawanan nalang kami'ng tatlo sa gilid daan kahit pinagtitingnan na kami ng mga tao, i can't hold it. Kapag kasama ko talaga sila napangiti na ako.

Hanggang naglakad kami ikinuwento naman ni Michelle yung about sa kambal niya. Yung nakabunggo ko kanina. Parati daw silang nag-aaway.

Buti pa siya may kapatid.

Seryuso daw yung kapatid niya sa pag-ibig. Pero may pero kapag nasobrahan sa pagmamahal magwawala daw to. Si Mary lang yung tawa tawa. I smell something panis na fish.

"Dito nalang bye guys." Paalam ko at kumaway.

"Bye!" Kumaway naman sila balik sa akin.

Agad kung binuksan ang gate at sinarado na ito nung nakapasok na ako. Hinubad ko yung sapatos ng nasa loob na ako ng bahay.

"Ma, nandito na po ako!" Sigaw ko sa hindi kalakihang bahay namin.

"Mag miryenda ka muna dito nak."

"Opo mag-bibihis muna ako." Agad naman ako tumungo sa kwarto ko. Normal lang ito'ng kwarto ko. Kinuha ko muna yung mga libro na nasa bag ko. At nilagay sa kama.

What is this?

Sobre na itim. Kumunot naman ang noo ko at binuksan ito. Binasa ko yung laman na may nakasulat.

'Under the shivering night,
The girl i cried with ruthless type,
Has been involved with a strange fight,
And never seeing that night.'

— V.

Mas lalong Kumunot ang noo ko. May naintindihan ako pero hindi ko parin ma gets. Sino yung nagpadala sa akin nito at bat ito nasa loob ng bag ko. Pinagmasdan ko ulit yung sobre malapit ng mapunit yung papel pero bakit... Anong ibig sabihin ng tanka na ito.

May biglang kumatok sa pinto ko at agad kung tinago yung sobre at binuksan ko ang pinto.

"Bakit ang tagal mo diyan ilagay mo ito sa cabinet mo at pagkatapos bumaba kana at mag miryenda." Nilahad ni Mama yung mga damit kung plinantsa na.

"Opo."

————

Tapos na ako'ng maghapunan at nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakipag video call sa dalawang Mariposa.

"Baka love letter lang yan. O di kaya kay Jooseo yan galing ayieeh! Ikaw artem ah umiibig na." Tukso ni Mary na kinilig. Pinagningkitan ko naman siya ng mata.

"Baliw, may love letter ba na itim yung sobre? At yung naka sulat hindi clear at hindi rin maintindihan ano ba talaga ang pinahiwatig." Ani Michelle na hindi sumang-ayon kay Mary.

Totoo naman siguro na walang love letter na itim or yung iba bet yung itim... Pero kakaiba.

"E translate ko kaya yung nakasulat?" Pagputol ko sa katahimikan.

Natawa naman silang dalawa.

"I thought your the highest honor in our past achool, tapos ngayun e-translate mo lang? Intindihin mo kaya. Alamin mo yung pinarating." Michelle na nagkunwaring nag punas sa mata.

"Baka aksidente lang yan nalagay sa bag mo." Sagot ni Mary.

"Sana nga... O siya out muna ako kailangan ko pa'ng mag advance —."

"Study..." Putol nila at sila na ang bumigkas. Para silang inip na inip.

Napahinga ng malalim si Mariposa #1 Mary. "Wala ka bang ibang  dahilan puro nalang advance study. Pwede naman iba."

"Ha?"

"Slow sige bye. Good night or good luck mwah." Boses ni Michelle, agad na nag end yung call.

Niligpit ko yung mga notebook na nasa kama ko at ibinalik ito sa bag ko pati na yung Black envelope. Nakakasakit sa ulo isipin ayon tuloy nawalan akong gana mag-aral.

Humiga nalang ako sa kama ko at panay isip kung ano naman mangyayari bukas.

*vibrateeee...

Kinuha ko naman yung phone ko nakadisturbo naman oh. Matutulog na nga sana ako may tumawag pa kinusot ko yung mata ko ng magyama sa brightness ng phone ko at tumambad ang pangalan ni.

ATHAN is Calling...

I let out a sigh.

WHO IS VINO? Where stories live. Discover now