Dream
Artemis POV
Nakaka bored, wala ako sa mood lumipad ang isip ko sa ibang bagay. Kanina lang natapos ang lunch break at wala din'g pumasok na teacher sa amin dahil may meeting daw, at wala rin naka upo sa harap ko.
Nasan kaya siya.
Bat ko ba siya inisip?! Agh! Sino ba siya para isipin ko. Psh nakaka busit siya.
"Para kang timang diyan." Biglang sabi ng nasa harap ko si Mico umupo sa upuan ni Kuyang Lion. "Miss mo siya noh?" Sabi nito na nakangiting nakakaloko.
Pinangniningkitan ko siya ng mata. Wala akong gana maki buyawan sa lalaking ito naiinis ako kanina lang siya panay panunukso.
"Miss mo na si Jooseo ayiiiehh." Ani niya na kinilig at tumingin ni Jooseo na nasa gilid ko umupo.
Bakit ko pa ba sila nakilala???
"Luh." Wika ko.
Tinawanan lang nila ako. May ibang mga estudyante na nakatingin na sa amin. Oo tama kayo baliw itong mga katabi ko.
Tumayo ako. "Oh san ka pupunta binibini?" Tanong ni Mico.
"Paki mo."
"Ouch." Wika niya na humawak pa sa dibdib, hindi ko na siya pinansin at agad agad na lumabas sa room. Wala namang mga teacher so pwede siguro ako mag gala muna.
Hanapin ko kaya siya?
Sinampal ko yung mukha ko bat ko naman siya hahanapin? Eh kaano ko ba siya? Ahhh.
Dumiretso nalang ako sa cr naiihi na ako pana'y isip. Walang katao-tao sa loob pumasok ako sa isa sa mga cubicle. Nakaramdam akong ginaw. Wala namang ac. Flinash ko na at lumabas na.
Nag hugas pa ako ng kamay. Sirado naman lahat bakit ang ginaw yata dito sa cr. Hinawakan ko yung leeg ko wala naman ako'ng lagnat.
*Swosh. Ang ginaw!! Parang may umihip sa likuran ko tumayo na yung balahibo ko at agad naman ako'ng lumabas. Nakahinga ako ng malalim. Grabe kinalibutan ako dun.
*Bogsh. Ano naman yun?!! Tumingin ako sa kanan ko parang may nahulog pero diko makita kung ano yung nahulog. Patungo ito sa daan na dinaanan ko kasama si Leo. Hindi ko alam pero dinala ako ng paa ko run.
Ang dilim may ilaw pero kukurap malapit na mamatay. Naglakad lang ako habang ang mga kamay ko ay nasa dibdib ko.
Sumampal sa akin ang malamig na hanging. Ewan ko kung saan ito galing pero hindi ko ito pinansin.
"Ahhhhhhhh!!" Napahinto ako ng may sumigaw. Babae boses ng babae!
"Tulong!" Ayan na naman. Nagdalawang isip ako kung pupunta ba ako o babalik nalang sa room. Yung babae nanghingi ng tulong. Tatalikod na sana ako pero hindi kaya ng konsensya ko tumakbo ako pupuntahan ko yung boses na yun.
Bahala na si batman. Kung curiosity man ito. Self ikaw na ang bahala sa sarili mo.
Takbo lang ako ng takbo pero parang mas lalong lumayo yung boses. Huminto muna ako at naghabol ng hininga.
"Ahhh!" Yun na naman mas lalong lumayo ito. Taktakbo pa sana ako ng bigla akong nahilo para ba'ng may nasinghap ang ilong ko kung ano. Hindi ko na namalayan nakahandusay na ako sa sahig.
Bago pumikit ang mga mata ko may dalawang paris na sapatos sa harap huminto at dun na ako nawalan ng malay.
————
"Sulat na naman?"
"Bakit pagod ka na bang magbasa?" Tumawa ang lalaking na nakaupo sa isa sa mga upuan sa library.