Mukha siyang mabait.
Pinagmamasdan ko lang si Axel John habang ginagamot niya ang mga pasa ko. Pinipigil ko ang mapangiti. Natutuwa kasi ako sa pagkakakunot ng kanyang noo habang seryoso niyang nilalapatan ng lunas ang aking pasa sa mukha. Axel John ang kanyang pangalan. Naalala ko iyong kakilala ko noon na si Axel John na ang pangarap ay simple lamang. Si Axel John na may mabuti puso. Ang Axel John ni Pamela Anne.
"'Wag mo akong tingnan ng ganyan. Baka main- love ka sa akin." Seryoso ngunt alam kong biro niya lamang iyon sa akin. Ibinaba niya ang kamay niya at tiningnan ako.
"Siguro mga ilang araw mula ngayon, maayos na iyang sugat mo. Swerte ka pa rin at nagbago ang isipan ni King David." Komento niya pa. Alam ko na kilala niya ang lalaking nagtangakang gumahasa sa akin. Alam kong kaisa siya sa planong iyon pero hindi ko maipaliwanag kung bakit pinigilan niya ang pangyayari. Alam kong may mabuti siyang puso tulad ni Axel John noon.
Magkatukayo sila at alam kong iisa ang ugali. Napaisip ako, kung nabuhay kaya ang Axel John na kilala ko noon, ano na kayang hitsura niya? Kasing gwapo niya kaya ang Axel John sa harapan ko? May abs din kaya siya? Kasi hindi ko man nakikita ng harapan, alam kong may abs siya. Napakaganda ng hubog ng katawan niya. Kung papasok din siya sa pag-aartista, papasa siyang hunk.
"Bakit mo ako iniligtas?" Hindi ko matiis. He just sighed. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag. Umiling siya na tila ba ayaw niyang sagutin ang aking katanungan. Isa-isa niyang iniligpit ang mga bulak na ginamit niya. Ipinasok niya iyon lahat sa first aid kit tapos ay tumayo na siya. Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya.
"Hindi muna kita ibabalik sa inyo. Hawak kita ngayon. Gagamitin ka naming alas sa tatay mo para mapalaya si Senator." Pagbibigay alam niya. Hindi naman ako nakasagot. Iniisip ko ang mga commitments ko. Paano na ang taping ko? Ang shooting ng commercial ko? Paano na ang pictorial ko sa FHM at sa UNO? Ano nang mangyayari sa P.A. ko? Anong sasabihin ko sa manager ko at paano na ang isyu kay Martin? Ang hirap-hirap maging anak ng tatay ko. Palaging nasa panganib ang buhay ko. Kaya nga noong bata ako, mas pinili namin ni Mama ang tumira sa Amerika kaysa mabuhay kasama si Papa. Papa would go and visit us every Christmas vacation. Doon siya kapag may okasyon o kaya man ay tuwing birthday naming magkakapatid. Nauwi lang kami sa Pilipinas noong twelve years old ako at minalas pa ang pamilya ko noon. Hindi ito ang unang pagkakataon na may kumuha sa akin o iba ko pang kapatid. Kahit si Mama ay nakidnap na rin - maigi lang na nakatakas siya sa tulong ng mga body guards niya.
Noong college ako, sinabi ko na gusto kong bumalik sa Amerika pero hindi ko naman na nagawa. Ayaw pumayag ni Papa noon. Kami-kami na nga lang daw ay hindi pa ba kami magsasama-sama? Noong college ako - three months before graduation, na-discover ako ng isang modeling agency. Iyon talaga ang simula ko sa industriya - ang pagmomodel. Ikinagalit pa iyon ni Papa dahil paghuhubad daw iyon pero sa ganoon ako masaya. Hindi ko kasi naiisip ang kaguluhan ng pamilya ko kapag nasa ganoong sitwasyon ako. Pero ngayon, nangyari na naman. I was kidnapped and almost buried alive by one of my father's -enemy - nailigtas nga ako pero hindi ko naman sigurado kung ligtas nga ako sa kamay ng lalaking mahilig yata sa kulay red.
Iniwan niya ako sa silid. Tumayo naman ako para tingnan kung ni-lock niya ang pinto. I smiled when I realized that it was open. Hindi nga yata siya masama. Muli akong bumalik sa kama at saka nagpahinga na. Hindi ko alam kung bakit ako kampante gayong alam kong malaki ang posibilidad na bumalik ang lalaking gustong gumahasa sa akin, I just sighed. I laid on the bed, still thinking about Pamela Anne's Axel John
----------
"Pamela! Gumising ka, itatakas kita..."
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang kamay na yumuyugyog sa aking balikat. Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko si Axel John na nakatingin sa akin. He was smiling. May kaba akong nababakas sa kanyang mga mata pero masaya siya. Isang taon na halos akong nakatira sa puder ni Ama. Hindi pa rin nila ako ibinabalik sa Papa ko. Siguro ay hindi pa rin sila nagkakatapusan sa negosasyon pero ako, matagal ko nang gustong bumalik.
BINABASA MO ANG
Axel John: The Studly Man Challenge
General FictionLost and found. Finders keepers. Missing Person. Wanted. Nagpatuloy ang buhay para kay Axel John. Pilit niyang kinakalimutan ang nawawala. Kung iisipin, hindi naman talaga nawawala ito, he just doesn't know where to find it. He knew that it exists...