Para akong nakalaya. Hindi naman natupad ang sinabi sa akin ni Axel John na ako ang hostage niya. Sa totoo lang parang walang nangyari. Parang walang taong lumipas sa aming dalawa. Parang hindi khit kailan nagkahiwalay si Pamela Anne at si Axel John. Halos isang linggo matapos kaming magkaalaman ay wala kaming ginawa kundi ang magkwentuhan. Kagabi ay napuyat kami dahil sa hindi maampatan na catching up. Sa totoo lang ay hinihintay ko din siya na halikan ako. Gusto ko siyang hagkan ako dahil gusto ko ang pakiramdam ng labi niya sa labi ko. Gusto ko ang pakiramdam kapag malapit kami sa isa't-isa, gusto ko na magkasama kami dahil pakiramdm ko ay safe ako.
Nang umagang iyon ay nasa isang magazine shoot ako. Napili kasi akong cover ng isang men's mag para sa buwan na iyon. Hindi naman gaanong sexy ang shoot, magpapakita lang ako ng kaunting balat tapos ay tapos na. Habang nime-make up - an ako ay ka-text ko pa si Axel John. Kanina ay gusto niya kasing sumama sa akin pero hindi siya makaalis dahil walang kasamang bantay ang kaibigan niyang si Ido. I was smiling through out our text messages. Masarap sa pakiramdam ang makasama si Axel. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko ngayon, it's like I cannot function anymore without him. Nakakatuwa lang dahil magkasama na kami na para bang walang taong lumipas.
"Bern, ikaw na!" Narinig ko si Pamela - my P.A. Pumasok siya sa dressing room ko. Kahit sa kanya ay hindi ko sinabi ang nangyari sa akin noong araw na iyon. Walang nakakaalam. Ang alam ng lahat ay nag-AWOL lang ako. Wala naman nang dapat makaalam ng mga bagay-bagay sa akin. Ang mahalaga lang ay safe ako.
Inalis ko ang roba ko at sumama na kay Pamela. Sumalang na ako sa shoot. I posed like how the photographer likes it. Sa huling tatlong frame ay pinaalis nila ang top ko - wala namang problema sa akin. I have done topless shots before. Tumalikod ako at hinubad ang bikini top ko. Lumapit sa akin ang stylist at inayos ang mahaba kong buhok para itakip sa dibdib ko. After five minutes, I was ready again. Tumingin muli ako sa camera and I posed again. Matapos ang ilang takes ay sinabi nang tapos na ang pictorial. Nagbihis naman agad ako. Excited akong umuwi. Nagpaalam na lang ako kay Pamela na aalis na ako. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing naiisip ko si Axel John ay kinakabahan ako. Wala naman kaming ginagawa.
I went to the parking lot and straight to my car. Binuksan ko ang kotse ko pero bigla kong naisarado iyon nang makarinig ako ng mga putok ng baril. Agad akong umupo at nagkubli. Ano na namang kaguluhan ito. I looked back. Nakita kong binaril din ng kung sino ng cctv camera sa likuran ko. I bit my lower lip. Ano na naman ba ang gusto nila sa akin? Wala naman akong kinalaman sa ganito? Wala naman akong ginagawang masama. I closed my eyes and opened the side of my car and took my gun - yes I have a mini magnum gun. Tumayo naman ako at bumaril. I point out to the direction where he gunman was and shot him. Dalawa sila. I could see them from my peripheral vision.
Nilapitan nila ako at naagaw ng isa ang baril ko. Nagulat ako nang ma-corner nila ako but then I remembered that I know Judo so I danced Judo with them. Hindi naman nagtagal ay lumipad ang mga lalaking bumaril sa akin.
"What the fuck do you want?!" I hissed. Dinaganan ko ng paa ko ang isang lalaki sa lalamunan niya. Humihingal ako. Sinipa ko pataas ang baril at itinutok iyon sa kanya. Hindi siya makahinga. Alam kong hirap na siya dahil namumutla na ang kanyang mukha.
"You shot the other guy last night..." I whispered. "Hindi siya natuluyan. Hindi kayo marunong kumilos nang malinis."
"Sinandya namin iyon bilang babala sa kanila."
"Well! They didn't take it that way! Isa pa! Ang usapan hindi ninyo ako guguluhin! May sarili kayong misyon, meron din ako!" Diniin ko pa ang paa ko sa lalamunan niya. Nakakaramdam ako ng inis. Hindi dapat ganito - nagugulo ang plano ko. They should all stay away from me and let me do my fucking job. Sa inis ko ay binaril ko siya sa binti.
BINABASA MO ANG
Axel John: The Studly Man Challenge
General FictionLost and found. Finders keepers. Missing Person. Wanted. Nagpatuloy ang buhay para kay Axel John. Pilit niyang kinakalimutan ang nawawala. Kung iisipin, hindi naman talaga nawawala ito, he just doesn't know where to find it. He knew that it exists...