"Lahat ngayon sa atin suspect."
Hindi naman talaga ako nakikinig kay Judas. Nasa bahay kami ni Azul at nagmi-meeting na naman. Kinakabahan naman kasi si Judas dahil nga nakuha ang black book sa amin. Maaaring nais gawing kakampi ang kaaway namin ang isa sa mga tao o lahat ng tao sa black book na iyon. Pinaghahadaan lamang namin ang maaaring maganap. Iniisip ko nga kung anong gagawin ko para maprotektahan si Bernice Anne. Ngayon ko lang natututuhan ang matakot at kabahan. Dati, si David lang ang inaalala ko, pero ngayon, may Bernice Anne na akong palaging iniisip.
Hindi ko na alam ang pinag-uusapan dahil nakatingin lang ako sa magazine cover ni Bernice Anne na walang saplot kundi ang maliit na bikini bottom na iyon at ang mga dibdib niya ay natatakpan ng mahaba niyang buhok. Alam kong wala akong karapatan, pero nagseselos ako, naiisip ko pa lang na nakikita na ito ng ibang tao ay nangigigil na ako sa inis na gusto kong bumaril.
"Axel, nadede mo na ba 'yan?" Sa inis ko at hinampas ko si Ido ng magazine na hawak ko. Out of context ang tanong niya! Wala siyang karapatang tanungin sa akin iyon! Hindi private property ang katawan ng mahal ko!
Oo, mahal ko si Bernice Anne. Siya si Pamela Anne, hindi ko siya iiwan at hindi ko hahayaang mawala siya. Nanlaki ang mga mata ko. Lahat pala ay nakatingin na sa amin. Inilabas din ni King David ang kopya niya ng magazine, si Azul man ay meron. He was grinning like a little boy. Inis na inis ako. Pinagkukuha ko sa kanila ang magazine ni Bernice Anne.
"Susunugin ko iyang mga bur ninyong mga putang ina ninyo! Akin lang ang katawan ni Bernice! At ikaw Azul makuntento ka sa pata ng asawa mo!"
I walked out. Pikon na pikon ako. Umalis ako ng bahay ni Azul at nagpunta sa lahat ng bookstore sa lahat ng mall para bilhin ang lahat ng magazine na mabibili ko para hindi nila makita ang para sa akin lang dapat. Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Judas. Nang nasa national bookstore na ako ay nilapitan ako ni Judas. Ngingisi-ngisi sa akin ang matalik kong kaibigan habang inaakbayan ako.
"Ngising hudas ka na nama!" Komento ko.
"You are really in love. Have you told her?" Tanong niya sa akin. Huminga ako nang napakalalim. Lumakad kami ni Jude nang magaakbay tapos ay nakadama ako ng lungkot. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag, hindi ko pa rin nasasabi sa kanya. Alam kong dapat na, at alam kong alam na niya pero alam ko rin na kailangan kong maging specific, kailangan ko pa rin sabihin at gawing pormal ang lahat sa amin.
"Hindi pa, nahihiya kasi ako pero alam kong alam na niya kaya lang hindi ko naman alam kung paano sasabihin, baka kasi ayaw niya sa akin at natutuwa lang siya na nagkita kami kaya napakabait niya sa akin." Natawa si Judas sa akin. Ginulo niya ang buhok ko tapos ay tatawa-tawa siya.
"Magkapatid nga kayo ni David. Pareho kayong isip bata at torpe. Pare, dapat sabihin mo na para hindi naman kayo magkahiyaan. Sa iisang bahay na lang kayo nakatira tapos libog ka na sa kanya tapos magtotorpe ka pa ba naman ba?" Sa inis ko ay sinuntok ko si Jude pero alam kong tama siya. Nang hapong ding iyon ay umalis ako at nagtungo ako sa location ng taping ni Bernice Anne. May dala akong teddy bear at isang bouquet ng rosas. Gusto kong magtapat sa kanya kaharap ng mga katrabaho niya para malaman niyang seryoso ako sa kanya. Nagpapogi pa ako, naligo ng pabango ay nagsuot ng pinakamahal kong damit. Ngingiti – ngiti akong bumaba sa kotse ko at pumasok sa location nila. Namataan ko agad si Bernice na nakikipag-usap sa director niya. Lalapit na sana ako nang matigilan ako dahil may isang lalaking yumapos sa kanya mula sa likuran. Lumingon siya tapos ay tumingin siya doon. She looked at him like he was he most important person in her world and that pained me.
Nabitiwan ko ang mga bulaklak at ang teddy bear na binili ko. Umalis ako. I drove away and I don't even know where I am going. Bakit ganoon? Bakit ngayon pa nangyari kung kailan handa na ako? Alam kong may dapat akong ginawa pero hindi ko ginawa dahil nababaghan ako. May kakaiba sa lalaking iyon, una pamilyar siya sa akin, pangalawa, may baril siya at pangatlo, sinasabi ng isipan ko na gulo ang dala sa akin ni Bernice Anne – na hindi ko naman maitindihan dahil napakainosente ng kanyang mukha. Napakaganda niya kaya paano ako susunod sa iniisip ko?
BINABASA MO ANG
Axel John: The Studly Man Challenge
General FictionLost and found. Finders keepers. Missing Person. Wanted. Nagpatuloy ang buhay para kay Axel John. Pilit niyang kinakalimutan ang nawawala. Kung iisipin, hindi naman talaga nawawala ito, he just doesn't know where to find it. He knew that it exists...