"What the hell happened, Berni? Are you okay? Oh my god, you killed him? Oh my god, okay ka lang ba? Let's cover you up! Oh my god!"
Nakikita ko si Bernadette pero hindi ko siya pinapansin. Yakap-yakap ko lang si Bernard at lumuluha ako. Ang higpit ng yakap ko sa kapatid kong bunso. Hindi na nga yata siya makahinga pero hindi naman siya umaalis sa aking tabi.
"Ate, wag ka iyak. Ako superman, ako ligtas ikaw."
I giggled. Pinunasan ko ang luha ko tapos ay hinaplos ang mukha niya. Una kong napansin ang mahaba niyang buhok, ang facial hair niya tapos ang mahahaba niyang kuko. Napansin yata niya na hawak ko ang kutsilyong may dugo, inalis niya sa akin iyon at saa sumimangot.
"Ate, ito bad, 'wag ikaw hawak, ito. Ate si Ate Berna, batok ako, asar niya ako."
Tinapunan ko ng tingin si Berna na umiiyak habang hinahaplos ang likod ko. She was trying so hard to cover me.
"Ate, anong nangyari, sabihin mo sa akin!"
"Malaya na ito, iyon ang nangyari." Mariing wika ko. Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Judas. Hinubad niya ang shirt niya tapos ay isinuot iyon sa akin. Napaigik pa ako nang bigla niya akong buhatin na para bang kami ang bagong kasal.
"Let's get you cleaned, doll, mamaya-maya ay darating na ang mga pulis. David and Simoun, do your magic. Make it look like they killed each other. Axel John and Ido clean the cctvs. I'll take care of Dollie here." Nagulat ako nang kumindat siya sa akin. He just smiled. Iniwan namin sila, pero tinawag ni Judas si Bernard kaya nakasunod din siya sa amin. Lumabas kami ng bahay na iyon tapos ay nagtungo sa van na kulay green. Pumasok kami doon. The van is huge. Parang bahay iyon, may mga double deck, may kusina, may tv at may xbox.
"Smooth, noh?" Tanong ni Judas sa akin. "May first aid kit din ako. Gamutin natin ang sugat mo."
"'Wag na. Okay naman ako." Wika ko sa kanya. Tiningnan ko si Bernard na nakaupo na sa tapat ng tv at nanonood ng Tom and Jerry. Tiningnan ako ni Judas. Huminga siya nang malalim. Hinawakan niya ang pisngi kong namamaga dahil sa pagsapak sa akin ni General kanina noong buhay pa siya. Gusto niya akong makuha, he almost got me but then, I killed him. Hindi ako makapaniwala na pumatay ako. Pinatay ko ang kinakalihan kong ama. Hindi ako makapaniwala.
"Are you okay?" Tanong niya. Ilang beses na ba niyang tinanong sa akin iyon? Hindi ko na alam. Kanina ko pa nga rin tinatanong ang sarili ko kung ayos pa ako, kung ayos ako o kung makakatulog ako sa gabi o kung makakalimutan ko pa ang yakap at halik sa akin ng lalaking iyon. Gusto kong umiyak pero iyon ang pinakaayaw kong gawin sa lahat – ang umiyak o ang makita akong umiiyak ng kahit na sino.
Gusto kong maging okay. Hindi ako dapat kakitaan ng kahinaan.
"Oo, ayos lang ako. Hindi ako pwedeng makulong, Judas. Walang mag-aalaga kay Bernard."
"Si Bernadette." Sagot niya. Tumango ako.
"Oo nga, dalawa kami, pero may trabaho si Bernadette. Archeologist siya at madalas siyang nasa ibang bansa. Iyon kasi ang pangarap niya noon matapos niyang mangarap na maging artista. Gusto niyang makahukay ng dinosaurs."
"Akala ko si Axel John ang pangarap niya." May kung anong nakatagong mensahe sa sinabing iyon ni Judas. Hindi ko na lang pinansin ang bagay na iyon. Mula kagabi ay tinanggap ko na sa sarili ko na hindi ako si Pamela Anne. Hindi ako ang minahal ni Axel at kahit na may nararamdaman ako para sa kanya ay dapat ko nang kalimutan ito dahil hindi naman ako si Pamela Anne. Mas bagay silang dalawa. Ngayong nagkita sila, dapat na sila ang masaya. Tama na siguro na kinuha ko ang ilang buwan kasama si Axel. Tama na siguro na nagpanggap ako. Alam ko ang tingin sa akin ni Berna ngayon, makasarili ako para sa kanya, marahil ay galit siya sa akin dahil inagaw ko si Axel John. Ibabalik ko naman na siya. Sasanayin ko na lang ang sarili ko na makita silang magkasama. Hindi pa naman ganoon kalalim ang nararamdaman ko, kaya ko pang bumitiw.
BINABASA MO ANG
Axel John: The Studly Man Challenge
General FictionLost and found. Finders keepers. Missing Person. Wanted. Nagpatuloy ang buhay para kay Axel John. Pilit niyang kinakalimutan ang nawawala. Kung iisipin, hindi naman talaga nawawala ito, he just doesn't know where to find it. He knew that it exists...