Challenge # 15

86.5K 3K 523
                                    

"Kung ako gago, ikaw malandi! Malandi na sinungaling pa!"

Nanlalaki ang mga mata ko. Sa inis ko ay sinapak ko si Axel sa mukha. Dumugo ang ilong niya. Hindi lang iyon, ginamitan ko na rin siya ng judo. Inis na inis na ako – at mas lalong nakakainis ay nasasangga niya ang mga suntok at sipa ko. Tumalon ako para ipitin ang ulo niya sa pagitan ng mga hita ko pero naka-ilag siya. Ibinato ko sa kanya ang award na nakua ko sa gawad urian last year, tumama iyon sa braaso niya tapos ay nabagsak sa sahig. Wala akong pakialam kung mabasag lahat ng awards ko, yamot na yamot ako kay Axel John.

"Ate, Axel! Anong ginagawa ninyo?" Nasa aktong susuntukin ko si Axel nang marinig ko Si Bernadette na bumaba mula sa hagdan ng naka-bra at short lang. I cleared my throat.

"Diba sabi ko magbihis ka na?" Wika pa ni Axel sa kanya.

"Anong ginagawa ninyo?" She asked again.

"Wala, nag-eexercise kami." Matipid kong sagot. Nawala ang sakit ng ulo ko dahil sa ginawa namin. Naiinis ako sa kanya – hanggang ngayon ay isinusumbat niya sa akin ang mga bagay na ginawa ko noon. Alam kong nagkamali ako, alam kong wala ako sa lugar, marami akong ginawa at sinabi na hindi tama sa kanya pero mahal ko siya, minahal ko siya at totoo iyon, maaaring nagpapanggap ako noong una pero mahal ko siya – lahat kasinungalingan maliban sa pagmamahal ko sa kanya pero hindi naman niya iyon maintidihan kaya bale-wala na lang ang lahat.

Umakyat ako sa silid ko, naligo at nagbihis ako. Paglabas ko ng bathroom ay nakita ko si Bernadette na nakaupo sa kama ko. Bihis naman na siya pero nakatingin siya sa akin. Napakagat - labi pa siya.

"Ate, itatanong ko na sa'yo, mahal mob a si Axel?" Tanong niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. "Nakita ko kayo kanina, nag-aaway kayo and there's just too much emotion, iniiwasan ka niya dahil ayaw ka niyang saktan ikaw naman bira nang bira. Are you in love with him?"

"No." Direktang sagot ko. Artista ako, magaling akong um-acting. "I'm not in love with him. If I am, then dapat wala ka dito, diba? Akin siya kapag ganoon." Tumawa ako nang pagak. Nakatingin lang sa akin ang kapatid ko. She shook her head.

"Sabagay tama ka diyan, Ate. Anyway, pinapatanong lang kasi ni Axel kung mahal mo siya."

Nanlaki ang ulo ko. Pinakatitigan ko si Berna. Iniisip ko kung pinagluloko niya lang ba ako? Bakit naman ipatatanong ni Axel iyon. They're together. If Axel asked that, he's a real jerk!

"Sure ka ate na di mo siya mahal?"

"Hindi nga. Kaya 'wag kang makulit at Berna, kung anuman ang ginagawa ninyo, mag-ingat ka, bata ka pa, hindi ka pa pwedeng mabuntis." Wika ko sa kanya. She just grinned.

"Naririnig mo ba? Sorry, if I was too loud." Natatawang wika niya. I just rolled my eyes. Hindi talaga namimili ng sasabihin ang kapatid ko. Sabagay, komportable na siya sa akin – kahit naman noong mga bata kami ay ganoon na siya. Hindi siya nangingimi. She always said na hindi ko naman daw kasi siya pababayaan kahit na anong sabihin at gawin niya and she is right, I love her too much to let her be alone.

"Uhm, Berna, naisip kong iuwi na si Bernard sa dating bahay para naman kahit wala si Mama, kasama naman natin iyong memories niya. Iiwan ko sa'yo itong condo ko, you can do whatever you like, kahit gawin mo pang love nest, it's yours, ililipat ko sa pangalan mo." Ngumiti ako sa kanya. She just looked at me. Na-imagine kong nag-sparkle ang mga mata niya sa saya.

"Thanks, Ate! You're the best!" She hugged and kissed me. Nag-ayos na ako at muling lumabas ng silid ko at nagtungo sa kusina. I wore a three-fourths gray shirt and a pair of black leggings and my pair of running shoes. Tatakbo ako para mawala sa isipan ko si Axel John. Itinali ko ang buhok ko para hindi ako magmuhang bruha.

Axel John: The Studly Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon