"Sinong kasama ni Ate kanina bago siya umuwi?"
Frantic na si Bernadette Anne habang paikot – ikot sa sala nila. She was making calls. Hindi naman alam kung sino ang kumuha kay Bernice pero tulad ni Bernadette Anne, hindi ako mapakali. Hindi pwedeng mawala si Bernice sa akin – lalo na ngayon na mahal ko siya at alam kong mahal niya ako. Unfair ang buhay kapag ganoon.
"Nasaan si Bernard? Agnes?!" Sigaw niya pa. Nagpapalakad-lakad naman ako. Maya-maya ay humahangos si Agnes na bumababa ng hagdanan. "Nasaan si Bernard?"
"Natutulog po." Sagot niya.
"Good! Aalis kami. Hahanapin namin si Ate. Huwag na huwag kang magpapasok ng kahit sino dito. Naiintindihan mo?" Tumango ang yaya ni Bernard. Ako naman ay lakad pa rin nang lakad. Saan namin hahanapin si Bernice? Sino ang kasama niya? Sino ang kumuha sa kanya? Nakakainis. I feel so blinded. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap.
Habang nag-uusap kami ni Bernadette ay bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Azul at Ido kasunod si David. Dala ni Ido ang mac niya habang hawak naman ni Azul ang usb na naglalaman ng footage ng cctv. Naupo kaming lahat. Tumabi ako kay Azul. Si David at Bernadette ay nakatayo sa likod. Isinuksok ni Ido ang USB sa port at doon hinintay namin ang magaganap.
Alas ocho nang gabi nang dumating si Bernice sa condo – ibig sabihin ay kani-kanina lang iyon. Alas diyes pa lang ngayon kaya sigurado ako na hindi pa sila nakakalayo. Bumaba si Bernice nang sasakyan at kasama niya ang Pocholo na iyon. They were talking and Bernice was laughing. Sa inis ko ay sinuntok ko si Azul sa balikat.
"Putang ina mo!" Sigaw ni Azul sa akin.
"Patang ina din ni Leira!" Ganting sigaw ko naman. Bumalik ang mga mata namin sa footage at doon nakita ko na may isang putting van na pumarada sa tapat nila Bernice. Kinuha nila si Bernice Anne tapos ay hinampas ng kung ano si Pocholo dahil sumubok itong lumaban. Bernice tried to fight them but she even though she was strong enough, her strength is no match to them. Sinuntok siya at saka isinakay sa van.
"Nakuha mo ba ang plate number, Ido?" Tanong ni Azul.
"Oo naman. Now let's scan." Ido had an app in his mac that could scan the plate numbers tapos ay idederekta agad iyon sa ahensya para makuha namin kung kanino nakarehistro ang sasakyan. Wala pang sampung minuto ay nakuha namin ang pangalan ng may-ari.
Hermie L. Galit. – Nakalagay din doon ang address niya pati na rin ang ilang personal info. Pero nabigo lang kami dahil carnap ang van at hindi naman talaga ang may-ari niyon ang kumuha kay Bernice. Inilabas ko ang radio – umaasa akong makakasagap ako ng balita mula sa iba pang radio ng mga pulis sa paligid. I am looking for a van plated AAA – 202. Si Ido naman ay ikinonekta sa lahat ng cctc cameras na malapit ang mc niya. Matatalim ang mga mata naming nagmasid.
"Oh putang ina!" Sabi ni Ido. "Axel nasa hi-way sila!"
"Ano pang hinintay natin! Tara!" Sigaw ko. Ako ang naunang bumaba. Hindi ko talaga palalagpasin ang pangyayaring ito sa buhay ko. Kailangan kong mailigtas si Bernice sa kamay nang kung sinuman ang kumuha sa kanya. Hindi ko hahayaang mawala siya sa akin.
Sumakay ako sa Ducati ko. Sumunod naman sa akin si King David. Agad siyang umangkas. Si Azul sa Maserati niya habang si Ido at Bernadette ay magkasama sa Ducati rin ni Ido. Umarangkada kami. Magkakasunod kaming tinunton ang hi-way para mahanap anng putting van na iyon. Hindi ko patatawarin ang kumuha kay Bernice. Papatayin ko siya.
Nasa kalagitnaan kami ng daang iyon nang makita ko ang pigura ng isang van na puti. Nakita ko sa rear na mas pinabilis pa ni Ido ang motor niya tapos si Berna ay dahan-dahang tumatayo sa likuran ni Ido. Iniumang niya ang baril niya sa van. Pinutok niya iyon at nabasag ang salamin sa likod. She placed herself near the van and jumped. Ako naman ay sinenyasan ni David na 'wag babaril dahil baka mataaman si Berna.
BINABASA MO ANG
Axel John: The Studly Man Challenge
General FictionLost and found. Finders keepers. Missing Person. Wanted. Nagpatuloy ang buhay para kay Axel John. Pilit niyang kinakalimutan ang nawawala. Kung iisipin, hindi naman talaga nawawala ito, he just doesn't know where to find it. He knew that it exists...